Chapter 1

332 8 1
                                    

June 2007

Dinampot ni Diane mula sa sofa ang isang unan at ihinagis iyon sa mukha ng kaniyang kasintahang si Gino na agad namang tinamaan sa mukha. Napupuyos sa galit si Diane sa kaniyang boyfriend na lahat ng kaniyang madampot sa kanilang boarding house ay ihinahagis niya kay Gino na pilit umiiwas sa mga binabato ng kanyang girlfriend.

"Hayop ka!" ang sigaw ni Diane. "Ako pang lolokohin mo? Sa lahat ng nanligaw sa akin ikaw ang sinagot ko! Hampas lupa ka! Tapos ikaw pang manloloko sa akin? Walang hiya kang kumag ka!"

Tila wala namang pakialam ang mga boardmates ni Diane sa kaniyang ingay – una dahil sanay na sila, pangalawa ay mas masayang panoorin sina Diane at Gino kesa sa mga teleserye sa TV.

Si Jane naman – isa sa matatalik na kaibigan ni Diane sa boarding house – ang taga pulot ng gamit na ibinabato ni Diane at ibinabalik sa lalagyan kung saan muli silang dadamputin ni Diane upang muling ihagis sa pagmumukha ni Gino.

"Diane sorry na!" ang sabi ni Gino. "Masisisi mo ma ba ako eh nakipag-cool off ka sa akin."

"May 31? Ka-chat mo siya ng May 31! Kelan tayo nag-cool off? June 27! Kahapon iyon!" ang galit na galit na sinabi ni Diane na may kasamang panduduro sa mukha. "Halos isag buwan mo akong niloloko!"

"Ka-chat ko lang naman siya eh!"

"Nag I love you ka sa kaniya, ungas kang unggoy ka!"

"Diane wala iyon!" ang sabi ni Gino. "Hindi ko siya sineseryoso. Ikaw ang mahal ko."

Hindi na nagsalita si Diane. Hindi niya ibinuka ang kaniyang bibig upang sumagot sa sinabi ni Gino. Sa halip ay isang malakas na suntok ang tinanggap ng mukha ni Gino mula kay Diane. Nagulat naman ang mga boardmates ni Diane sa nasaksihan.

Hinaplos ni Gino ang kaniyang nananakit na labi at napansin na dumudugo na pala ito.

Napasipol naman si Cathy, isa sa mga boardmates ni Diane na nakaupo sa may dining area, dahil sa nasaksihan. "Whoa," aniya. "Daig ang Game of Thrones."

Magda-dalawang taon na ang relasyon nina Diane at Gino. Sophomore si Diane nang sagutin niya ang third year college na si Gino na kumukuha ng accountancy. Nagkakilala sila sa PTA meeting nang dumalo si Gino bilang guardian ng kaniyang kapatid, nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang kaya't si Gino na lamang ang dumalo. Agad na nagka-crush si Diane sa gwapo at matipunong binata kaya't nang hiningi ni Gino ang kayang phone number ay agad naman niya itong ibinigay.

Naging textmates sila sa loob ng tatlong buwan at lumalabas paminsan-minsan hanggang sa niligawan ni Gino ang dalaga. Sinagot ni Diane si Gino pagkatapos ng dalawang buwan, at magdadalawang taon na ang kanilang relasyon. Hindi pa nakikilala ni Diane ang mga magulang ni Gino dahil nga sa trabaho nila sa ibang bansa, at ganoon din naman si Gino sa mga magulang ni Diane dahil pinagbabawalan pa si Diane na magkaroon ng boyfriend.

Bumukas ang pintuan ng boarding house at pumasok ang isang binatilyo. Kasing edad siya nina Diane at Cathy, may kalakihan ang katawan at school boy na hitsura – siya si Kyle, matalik na kaibigan nina Diane at classmate ni Jane.

Nagulat si Kyle nang makita niya si Gino na duguan ang labi, ngunit mas ikinagulat niya kung sino ang naging sanhi nito. "Nagsimula na pala," aniya.

"Late ka na naman," ang sabi ni Jane sa kaniya. "Pakipulot nga yang weights ng barbell diyan sa paanan mo."

Pinulot ni Kyle ang 10 pounds weight na malapit sa kaniyang paa. "Ihinagis niya ito?" bulong ni Kyle kay Jane.

"Alam mo namang iyan ang paborito niyang ihagis kay Gino sa tuwing nag-aaway sila," sagot ni Jane.

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon