Dedicated to my mentor Kim. Ang mentor ko na nagsulat sa isa sa mga magandang story dito sa wattpad. :) Congrats natin siya for being a wattpad ambassador. :)
---------------------------------------
Prologue
Kapag nandyan, hindi pinapansin. Kung kelan wala na, dun maghahanap.
Kapag nakasalubong si crush, natatameme pero kapag nakalagpas na, parang katatapos lang umihi.
Hindi lang nagreply agad, nag-isip na ng masama pero araw-araw naman nagkikita.
Kapag ang lalaki umutot, okay lang pero kapag babae ang gumawa, ang laking turn off.
Nakakita lang ng couple na sweet, gusto magkaroon din siya ng syota. Agad-agad?
Kapag ang lalaking pangit nakatingin sa'yo, ang nasa isip mo manyakis pero kapag gwapo ang nakatitig, feeling mo agad may crush na sa'yo. Sige, libre lang naman mag-assume.
Kapag nasa middle ng discussion si teacher at nakaramdam ka na parang tinatawag ka ng kalikasan. Huwag kang mahiyang magpaalam. Ganito lang ang sabihin at gawin mo.
Do raise your right hand [pwede rin kaliwa kung kaliwete ka] and say:
"Teacher, hindi ko na po kaya." Sabay hawak sa tyan.
Kapag hindi nagets, move to PLAN B ka. Ganito:
"Teacher, hindi ko na po kaya."
"Hindi kaya ang ano?"
"NATATAE NA PO AKO!!!"
Wala rin palang kwenta, 'HONESTY IS THE BEST POLICY' pa rin pala ang papaibabaw.
Parang 'tong sinusulat ko. Wa wenta, puro wento. Pero kahit hindi mo aminin, isa ka sa mga binanggit ko. Tama ba? XD
At kung hindi ka man nakarelate sa mga nauna kong binanggit malamang nakarelate ka naman sa biglaang paghaharlem shake ng mga bulate at bituka mo sa tyan mo dahilan para maramdaman mo ang tawag ng kalikasan.
At kung isa ka sa mga binanggit ko, para sa'yo ang istoryang 'to.
Istoryang umiikot sa mga pasikot-sikot na daan ng buhay ko.
Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko masusulat ang mga 'yan kung hindi ko naranasan. Bawat letra, bawat salita na isinulat ko ay galing pa sa kaibuturan ng balun-balunan ko.
Ako nga pala si Jie.
Hulaan niyo kung ano ang kasarian ko. Para malaman niyo, sundan niyo na lang sa susunod na update. :D
Huling banat na talaga.
"Kamusta crush mo?"
---------
Mayumi's note:
Wee. Okay lang ba ang intro? Hehehe. Second story here in wattpad. :) Sana subaybayan niyo po ito. Try lang ulet. :) Salamat.
God bless. :)
BINABASA MO ANG
Kamusta Crush Mo? [Nakarelate ka ba?]
Teen FictionAng pasikot-sikot sa buhay ng isang babae na siguradong magiging tagus-tagusan sa puso at mga braincells mo. XD