KCM -- FIFTEEN

985 16 11
                                    

Finally updated! :)

------------------

Kamusta Crush Mo? -- Fifteen

[ARJIE LYNN COSTE'S POINT OF VIEW]

"Whoooh!"

"Go! Go Lucas! Go! Go! Go Lucas Go!"

"Depensa! Depensa! Depensa!"

Grabe, nakakabingi ang cheering dito sa loob ng court. Kelangan ko na yata ng hearing aid. Katabi ko kasi ngayon si Clarence at Andy, nasa pagitan nila akong dalawa.

"Ang galing ni Luke no?" Sabi ni Clarence. Napangiti naman ako at nang-asar.

"Crush mo siya siguro, Rence?"

"Tae. Hindi kami talo! Yuuuucck. Eeeerr!" Mapait pa ang pagkakasabi niya nun na kunwari pa'y sinasakal ang leeg niya.

"Sus, Clarence nga! Eh bakit kay Luke ka lang nakatingin mula kanina ha?" Pagsegunda ni Andy sa gilid ko, nang-aasar din.

"Tumigil nga kayong dalawa. Halikan ko kayo e."

"Eeewww." Sabay naming bigkas ni Andy, pagkatapos ay nagtawanan kami.

Muli kaming bumalik sa panunuod ng laban kung saan ang mga mata ko ay naka-focus na lang kay Aleck. Magaling ang ipinapakita niya sa laban, kada time-out ay tumatakbo ako sa pwesto nila para lang abutan siya ng towel o tubig. Ang hindi ko nga lang magawa ay ang lapitan si Darius dahil sa sinabi sakin ni Aleck na may gusto raw sakin si Darius. Para bang naiilang ako, hindi ko tuloy alam kung nakahahalata na sakin si Darius. Haay, bakit kasi tinamaan ako ng ilang? O sige na nga, mamaya papansinin ko na siya. Aminin man natin at sa hindi, kung may gusto man sakin ang tao eh ano pang magagawa ko? Hindi tamang paraan ang pag-iwas, pasasaan ba't baka mauwi lang ito sa hindi pagkakaunawaan. Tama 'di ba? At tsaka isa pa, napaka-imposible na may gusto siya sakin. May girlfriend kaya 'yun, sus.

"Magaling si Aleck ah. Palibhasa may inspiras-yown!" Sigaw ni Clarence sa tenga ko.

"Kelangan talaga isigaw?!" Pigil ngiti ko namang baling.

Maya-maya lang ay nag-time out ulit. Nagpaalam ako sa dalawa na pupunta ulit ako kay Aleck para abutan siya ng tubig. Papalapit na sana ako sa pwesto niya nang bigla kong natanaw sa 'di kalayuan si Darius. Si Gregg naman ay nasa tabi ni Lucas na kilala bilang Luke. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung lalapitan ko si Darius, konting hakbang na lang malapit na 'ko sa direksyon ni Darius.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na sa kanya. Hindi muna ako lumapit kay Aleck.

"Tubig oh." Alok ko kay Darius na nagpupunas ng pawis sa mukha niya gamit 'yung towel na nakasakbit sa balikat niya.

Kamusta Crush Mo?  [Nakarelate ka ba?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon