Chapter Nineteen
Hindi pa rin ako makatulog hanggang ngayon dahil sa mga sinabi sakin ni Aleck. Hatinggabi na pero gising na gising pa rin ang diwa at katawang –lupa ko. Kinakabahan ako, naiiyak, nasasaktan, nakokonsensya at natatae na rin ako.Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Pambihira! Paano kung totoo talagang aalis na siya? Hindi naman siguro magbibiro ‘yun ng ganon lang. Kung aalis na nga talaga siya at pupunta na sa France paano na lang ako? Tsk. Malamang kapag umalis na siya, makakalimutan na niya ako. Makakahanap na siya ng ibang magagandang babae, ‘yung tipong matangkad, maputi, may pang-rampang katawan at…
“Hindi flat chested.”
Waaaah! Kelangan gumawa ako ng paraan para mapigilan ko siya. Think. Think. Think.
*krroook. Krroook.*
Napapikit ako at namilipit ‘yung mga daliri ko sa paa nang biglang maghilab ang tiyan ko.
“Aaah! ‘Nak ng patatas! Nakisabay pa! Bakit ngayon pa ako natatae?!”
***
Kalahating oras na akong nandito sa may likod ng punong acacia malapit sa canteen ng school namin. Hindi kalayuan sa kinatatayuan ni Aleck habang kausap ‘yung tatlong kaklase niya. May pinag-uusapan sila pero hindi ko naman marinig.
“Shet na malagket! Hindi pa ba sila tapos mag-usap? Malapit na mag-time at start na ng Math subject namin.” Bulong ko sa sarili ko habang kinakamot ko ‘yung braso ko na may pantal. Basta pagkagising ko na lang kaninang umaga may pantal na eh. Baka ginapangan ako ng ipis. Ewan.
Muli akong sumilip sa kanila at nabigla ako nang makita kong nakatingin siya sa direksyon ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko at mabilis na umiwas. Napasandal ako sa punong pinagtataguan ko at napapikit sandali. Napahangos tuloy ako.
“Nakita niya kaya ako? Shete. Sana hindi. Phew!”
Titignan ko na sana ulit sila nang makita kong wala na sila dun sa kinatatayuan nila kanina. Nasaan na sila? Si Aleck? Bakit bigla silang nawala?
“Anong ginagawa mo diyan?”
“Ay tikbalang!” Impit kong sigaw.
Namilog ‘yung mga mata ko nang makita ko kung sino ‘yung nagtanong. Naramdaman ko bigla ang pag-init ng pisngi ko. Parang nahiya ako. Shet. Nahuli niya ako.
“A-Aleck.” Nauutal kong sabi sa kaniya.
“Tinatanong kita, anong ginagawa mo diyan?” Seryoso at maala-awtoridad niyang tanong.
Napakamot ako sa ulo ko kahit wala nga akong kuto at nag-iisip ng idadahilan ko.
“A-ano kasi… Ano… Ah… Napadaan lang ako kasi… Ah…”
Putek, wala akong masabi. Huli na ako. Wala na. Waaaah!
“Sinusundan mo ba ako?” Tanong niya habang matiim na nakatitig sakin. Hindi man lang siya ngumingiti. (_ _)
Sinusundan ko raw siya?! Ang kapal talaga ng lalaking ‘to! Oo, totoong sinusundan ko siya pero ‘yung bigla siyang mag-aassume ng ganon? Psh! Kapal!
“H-hindi no! Bakit naman kita susundan?!” Pagsisinungaling ko. Ayoko ngang umamin. Ang kapal niya ha.
Napansin ko ang biglang pag-twitch ng labi niya pero hindi niya pinahalata. Tila napapangisi siya sa akin.
“Kunwari ka pa. Huli ka na. Nagdedeny ka pa!”
“Hindi sabi! Ang lakas mo talaga mag-assume ‘no?!” Umirap pa ako sa kaniya, “makaalis na nga. Akala mo nakalimutan ko na ang pang-iindian na ginawa mo sakin kahapon? Tandaan mo, malaki kasalanan mo sakin. Tss.”
BINABASA MO ANG
Kamusta Crush Mo? [Nakarelate ka ba?]
Novela JuvenilAng pasikot-sikot sa buhay ng isang babae na siguradong magiging tagus-tagusan sa puso at mga braincells mo. XD