KCM -- ELEVEN

1.1K 20 5
                                    

Updated na po! :) Thank you. 0:)

--------------------------

Kamusta Crush Mo? -- Eleven

Ilang araw din ang nakalipas simula nung magsabi sakin si Aleck na manliligaw siya sakin. Alam na rin nina Darius at Gregg ang tungkol dun, minsan nga lang parang tungek si Darius. Kesyo baka masaktan daw ako, tapos baka daw umiyak daw ako nang umiyak dahil kay Aleck. Duh! Tapos dudugtungan niya lang ng 'joke!' sabay tawa. Nahihibang na talaga. Maiba tayo, hihihi. Heto nga, nililigawan na ako ni Aleck. Nung mga nakaraang araw, sinusundo niya ako sa bahay kapag papasok sa school tapos hinihintay niya 'ko sa hapon kapag uwian na. Pero dahil may praktis sila ng basketball, sabay kaming pumupunta ng gym. Nagsimula na nga rin pala ang praktis namin sa basketball. Parang tanga nga lang e, haha. Pero enjoy. Halos mga kasali nga sa basketball for girls, mga lesbian. 'Yung iba, napilitan lang. Parang ako. Haha. Okay naman, ang saya pala. Magkaiba nga lang kami ng araw ng praktis. Since isa lang ang gym ng school, napagpasyahan ng management na gawing every other day ang practice ng basketball. For example, monday ang girls tapos tuesday ang boys.

On the way na ako ngayon sa benches ng school kung saan naghihintay ang anghel ko. Haha. Hihintayin niya raw ako e, tapos na kasi ang klase at manunuod daw siya ng praktis namin.

Natanaw ko na agad siya sa malayo. Waaa. Nakakaloka ang ngiti niya. Grabe. Hindi na ako nasanay. Parang sa tuwing magkikita at magkakausap kami, parang nangangailangan ako ng arinola. XD Kinikilig kasi ako. Haha.

"Nakangiti ka na naman." Sambit niya agad nang makalapit ako sa kaniya.

"H-ha? H-hindi ah." Pagpipigil ko ng ngiti kaya tumingin ako sa babang direksyon.

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa chin ko at marahang tinaas. Nakangiti siya pati ang mga mata niya. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

"Bakit ba sa tuwing nagkikita tayo, parang lagi kang nahihiya?" Tanong niya nang diretso.

Halos mamula naman ako. Unti-unti akong tumingin sa kaniya.

"E-ewan ko ba. Hindi ko na nga yata maaalis 'yun e."

Tumawa siya ng mahina. Iyan na naman ang tawa niya. Hihi.

Inalis niya 'yung kamay niya na nakahawak sa baba ko.

"Masasanay ka rin. Baka dumating pa nga ang panahon, batuhin mo na lang ako ng mga damit ko. Haha."

Damit niya? Ibig sabihin, niya rin ang mga future moments namin? >///< Waaa!!!

"T-tara na nga." Sabi ko na lang at tumalikod, "baka ma-late pa ko sa practice."

Nauna akong humakbang pero naramdaman ko 'yung kamay niyang dumampi sa braso ko at marahan niyang pinadulas sa kamay ko. Nakaramdam ako ng maliliit na boltahe ng kuryente sa ginawa niya. Nag-lock ang mga kamay namin at mahigpit siyang nakahawak sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Nakangiti.

Masaya akong nakarating ng gym. Nakatingin din samin 'yung iba pagkapasok namin. Naiilang man ako sa mga tingin nila pero sobrang saya naman kasi kasama ko 'yung taong gusto kong makasama... Now and Forever.

"Nangangati ako. Puro langgam!!!" Sigaw nang nakangiti na si Clarence.

Si Clarence, kasamahan ko sa basketball team. Lesbian. Nadagdag sa friend list ko. Mas marami pa kayong malalaman tungkol sa kaniya.... Later.

"Pasaway ka talaga, Clarence!" Impit kong sigaw sa kaniya. Napatingin ako kay Aleck na nakangiti rin.

"Hahaha. Tara na, ikaw na lang hinihintay." Sabi niya at tumalikod na.

Kamusta Crush Mo?  [Nakarelate ka ba?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon