KCM -- NINE PART TWO

1.1K 26 6
                                    

Enjoy! ^_^

-----------------------------------

Kamusta Crush Mo? -- Nine Part Two

"Jie. Jie."

Unti-unti akong napamulat dahil sa pagtawag na 'yun. Napakusot pa ako sa mga mata ko at napahikab. Nang mamulat ko na ang mga mata ko nang maigi, narealize kong andito nga pala kami sa loob ng sinehan.

"Awww. Sorry, nakatulog na pala 'ko nang tuluyan. O-okay ka lang ba Aleck? Nangalay ka na siguro." Nahihiya ko pang approach sa kaniya.

Ngumiti siya, jusko! Ang ngiti niya! "Okay lang." Sagot niya.

Napatingin ako sa upuan ni Darius, teka? Nasan na siya?

"Kalalabas lang niya. Maghihintay na lang daw siya sa labas." Sabi ni Aleck na tila alam ang nasa isip ko. Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. Tapos na kasi ang palabas, na hindi ko man lang namalayan.

Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya hanggang sa makalabas na kami, at ayun nga. Naabutan namin si Darius na nakasandal sa pader habang naka-crossed arms.

"Kung sinabi mo lang na matutulog ka, sana hindi kayo dito nagpunta." Sarkastikong saad ni Darius.

Umirap ako, "malay ko bang aantukin ako!"

"Dun sana sa parking lot. Maluwag. Hahaha." Pang-aasar niya.

"Napaka-- mo talaga! Amp." Sabi ko sabay hampas ng mahina sa braso niya.

"San niyo gustong magpunta ngayon?" Ay nakalimutan ko na, andito nga pala ang anghel ng buhay ko.

Sumagot ako, "kayo ba?"

"Kayo na lang. Uuwi na 'ko. Salamat nga pala sa treat, Aleck." Sabi niya. Iyan! Good idea Darius. Haha.

"Sumama ka na Darius. Lilibot lang naman tayo saglit."

Na naman? Aleck! Ano ba? Umamin ka nga?! Ano ba talagang pakay mo! Si Darius ba ang type mo?! Waaa!!! Lali heeelpp meee!!! XD

"Ha? Sigurado ka ba?" Nagtataka pang tanong ni Darius na napatingin pa sakin.

Tumango si Aleck bilang sagot.

"Psh." Ako 'yan.

Nauna na lang akong maglakad, bahala sila. Bagay silang dalawa. Tss.

Pumasok na lang ako sa loob ng isang stall ng mga damit at tumingin-tingin. Nabebertong badtrip pa rin kasi ako hanggang ngayon. Hindi ko mabasa ang isip ng mga lalaki. Kainis!

"Bagay sa'yo 'to Jie." Nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Aleck mula sa likod ko.

Tinignan ko naman 'yung hawak niyang damit na nakahanger pa. Dress 'yun e, floral. Above the knee, long sleeves tapos may tatlong butones sa harap. May lace din na nakapalupot sa bandang waist.

As if naman, mahilig akong mag-ganyan?! Pero sige na nga, dahil si crush naman ang pumili. Sang-ayon ko, apkors!

"Ahe he. Oo nga mukha nga." Sagot ko na napapakamot sa ulo ko.

"Itong isang 'to. Mas bagay sa'yo Jie." Narinig ko namang singit ni Darius, kaya napalingon ako sa kaniya.

Hawak niya naman ay isang simpleng shirt lang pero may dating. Good Darius! Kilala mo talaga ako! Nagpunta agad ako sa kaniya at hinablot sa kamay niya ang hawak niyang damit.

"Alam mo talaga ang gusto ko, Darius. I like it biri biri mats!" Sabi ko nang nakangiti.

"Gusto mo ba?" Seryosong alok ni Darius.

Kamusta Crush Mo?  [Nakarelate ka ba?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon