KCM -- NINE PART ONE

1K 25 0
                                    

Enjoy reading! :)

-------------------------------------------------

Kamusta Crush Mo? -- Nine Part One

"Darius, ikaw pala." Nagsalita agad si Aleck. Hindi ko magawang tumingin ngayon nang diretso kay Darius.

Nakita kong tumango si Darius kay Aleck bilang sagot. Nengenengyen, bakit ngayon pa? Paktay ako neto. >0<

Hindi ko alam gagawin ko ngayon kung magsasalita ba ako o magpaplanking dito. Naguguluhan ako.

"Manunuod pala kayo ng sine." Tumingin sakin saglit si Darius pero agad na nilipat ang tingin kay Aleck.

"Oo. Gusto mo bang sumama?" Alok ni Aleck, dahilan para manlaki ang mga mata ko.

0_______0

"A-Aleck." Nauutal ko pang sabi na pabulong. Napatingin ako kay Darius na nabahiran din ng pagkagulat ang mukha niya sa tanong ni Aleck pero 'di niya ito masyadong pinahalata.

"Hindi na." Sagot ni Darius at akmang tatalikod na samin pero lalo akong nagulat nang pinigilan siya ni Aleck.

Hinawakan siya nito sa braso, rason para mapaharap sa kaniya si Darius.

"Tara na. Libre ko naman." Pamimilit ni Aleck.

Ako? Hindi ako makakibo. Hindi ko alam ang ikikilos ko. Nahihiya kasi ako kay Darius dahil sa pagsisinungaling ko.

Bumitaw si Aleck sa braso ni Darius, "okay. Kung 'yan ang gusto mo pagbibigyan kita."

WHAAAAT??!!

T_______T

'Nak ka naman ng pitumput-pitong puto Darius! Heto na e! Moment na namin 'to e! Sisirain pa! Walanjo naman talaga! Huhu.

"So, tara na." Aya ni Aleck.

Naunang maglakad si Aleck, nasa likod lang naman niya ako at nasa likod ko si Darius. Lumingon ako kay Darius pero walang expression ang mukha niya. Pokerface lang ang peg.

Nakarating na kami sa bilihan ng ticket.

"Tatlong ticket." Sabi ni Aleck sa counter.

Pagkabigay ng ticket ay nakarating na kami sa entrance saka binigay ni Aleck 'yung mga ticket na binili niya sa taong nakabantay dun. Pumasok kaming tatlo at boom!

Ang dilim. Tanging 'yung malaking screen lang 'yung natatanaw ko at ang sillhoutte ng mga upuan.

"Ang dilim." Nasabi ko na lang.

Pero parang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Dito tayo." Sabi ni Aleck habang hawak-hawak ang fone niya sa kabilang kamay niya para magsilbing ilaw namin sa dadaanan at 'yung isang kamay niya ay nakakapit pa rin sa kamay ko.

Awushu! Ang sarap ng ganito! Omehged. Me kilig much! XD

Tahimik lang akong sumunod sa kaniya hanggang sa makahanap kami ng bakanteng upuan sa may bandang gitna. May limang bakante kaya, soyang-soya kami ditong tatlo.

Nang makaupo kami ni Aleck, bigla kong hinanap si Darius.

"Aleck? Si Darius?" Tanong ko. Unti-unti ko na ring naaaninag ang paligid.

"Ha? Akala ko kasunod mo lang?" Nagtataka rin siya.

"Iyun din ang akala ko e."

Sabay kaming napatingin ni Aleck sa kaliwa ko nang may umupo at nagsalita.

"Bumili lang ako ng pagkain ko. Alangan namang kayo lang kumakain tapos ako hindi." Sarkastiko niyang saad na ikinangiti ko. Mukhang 'di na s'ya nagtatampo. KONTI NA LANG. XD

"Baliw! Akala ko iniwan mo na kami." Sabi ko, pero siyempre sa loob-loob ko sana nga iniwan niya na lang kami ni Aleck dito. At least masosolo ko si Aleck. Wahahaha! Sayang naman 'yung strawberry flavor ng lip balm ko, mauuwi lang sa mga popcorn na 'to. =______=

"Bakit naman ako aalis? Sayang naman 'yung libre kung gagawin ko 'yun." Sagot niya pa na napangiti na kahit papaano.

"Sus. Tampururot ka pa e." Bulong ko sa kaniya.

* cough * cough *

Napatingin ako kay Aleck.

"Aleck, okay ka lang?" Parang peke nga 'yung pag-ubo niya e, peke nga ba? Palagay niyo? XD

"I'm fine. Nasamid lang ako sa popcorn." Tapos nagsip siya sa drink niya.

"Tss." Si Darius na nakatitig sa big screen.

Problema ng mga 'to? Natatae ako sa kanila. Makanuod na nga lang. Sulitin ang libre. Hahaha. Huwag sayangin!

Medyo nasa gitna na ang part ng movie pero tila wala akong maintindihan, kese nemen... 'Yung katabi ko e. Dahil sa kaniya 'di ako makapag-focus sa pinapanuod ko. Sino pa ba? E 'di ang crush kong puge sa aking mga mata. XD

Sumusulyap nga ako nang palihim sa kaniya e. Kapag tumatawa siya, kaysarap pakinggan. Kurne! Haha. Sarap lagyan ng repeat button ang tawa niya. Haha. Pasensya na, ganito ako kabaliw kapag dating sa kaniya. Crush ko e.

Pinilit kong magfocus sa pinapanuod namin at baka makahalata na. Haha. Mahirap na.

"Ang lamig." Bigla ko na lang nasabi.

Bigla ko kasing naramdaman ang lamig. Mukhang nilakasan 'ata ang aircon. Whoo. Ang hirap ng kalagayan ko. Nakashirt pa man din ako ngayon. -____-

"Nilalamig ka? O, suotin mo muna 'to." Napatingin ako kay Darius na hinuhubad na ang jacket niya.

Napangiti ako, "salamat bespren."

Pinatong ko naman agad sakin 'yung jacket niya at nang titignan ko sana ulit si Aleck ay nahuli kong nakatitig siya sakin pero agad niya ring iniwas. T-teka? Baka namamalikmata lang ako? Baka nga.

Kahit papaano nawala ang lamig. Ang tagal naman kasi matapos ng palabas. Nabobored na 'ko. Napahikab tuloy ako.

Napayuko na lang ako at pinikit ang mga mata ko. Nanamnamin ko na lang ang bawat sandaling kasama ko ngayon ang anghel ng buhay ko.

"HAAAAAB!" Napahikab ako at napakusot sa mga mata ko.

"Darius." Tawag ko ng mahina pero dinig din ni Aleck.

"Mmm?" Nakatutok pa rin siya sa big screen.

Tatanungin ko kasi siya kung pwede ko isandal ang ulo ko sa balikat niya, nahihiya akong tanungin si crush e.

"Haaabb!" Muli akong napahikab at nagpatuloy, "pwede ba ako---"

Bago ko pa ituloy ang itatanong ko ay naramdaman ko na lang 'yung brasong nagbigay na naman sakin ng kuryente. Hinigit ako nito palapit sa kanya at marahang hinawakan ang ulo ko para isandal sa balikat niya.

"Sandal ka lang, pwede kang matulog kung gusto mo. Aalalayan kita."

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang sinabi niya 'yun. Grabe. Ang sarap maglaba! Haha. Kunek? XD Seryoso. Hindi ako makapagsalita ng mga oras na ito. Hinilig ko na lang nang maayos ang ulo ko sa balikat niya habang 'yung braso niya ay nakaakbay sa balikat ko.

Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko ngayon, parang mag-on kami. Napapikit na lang ako ng nakangiti.

------------

Mayumi's note:

May part two po ulet. Pasensya na kung lagi bitin. Sinisingit ko lang kasi sa kabila ng busy sched ko. Antok na antok na talaga ako kagabi 'yan habang tinatype, sana nagustuhan niyo pa rin. Maraming salamat po sa mga walang sawang sumusubaybay. :)

Salamat po and God bless.

Kamusta Crush Mo?  [Nakarelate ka ba?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon