Updated! Yey! :) Dedicated to Argandoza na magaling mambola. Hehehe. Peace. ^_^v
---------------------------------------
KCM -- Six
"Oy Aleck! Nandyan lang pala kayong dalawa."
Napatingin kaming parehas kay Darius na biglang sumingit sa momentum namin. Nakakainis! Ayun na eh. Hahalikan na niya na ako eh! Inalok pa nga ako tapos bigla pang sisingit 'tong pusit na 'to! -_____-
"Wrong timing ka naman Darius." Bulong ko.
"Ano 'yun Jie?" Tanong niya.
"Ha? W-wala. Sabi ko, hindi mo yata kasama si Gregg?" Pagdedeny ko.
"Kasama mga classmates natin.Nga pala, kamusta kayong dalawa? Lakas ng lindol no? Nasabi nga samin ni ma'am Dela Cruz na magkasama kayo. Yihheee."
"Tumigil ka nga." Impit na sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya. Sumulyap ako saglit kay Aleck.
"A-aray--"
"Una na ako. Ako na lang ang magbibigay nitong mga papel kay ma'am Dela Cruz." Tapos tumalikod na si Aleck.
"Pero Aleck, samahan na kita gusto mo?" Habol ko pa.
"Hindi na. I can manage." Lumakad na siya palayo.
Nag-iba na naman mood niya. Naiinis ba 'yun? Bakit naman kaya? Napanguso tuloy ako.
"'Yung nguso mo, sumasayad na sa lupa." Nadinig kong sabi ni Darius.
"Ikaw kasi e."
"Ako? Bakit ako?"
"Dumating ka pa kasi, ang ganda na ng moment naming dalawa e. Psh."
Lumapit siya sakin at tumawa mismo sa harapan ko.
"Wahaha! Ang pangit mo, Jie. Huwag ka ngang ngumuso, nagmumukha kang negrang kuhol. Hahaha. Tara, kain na lang tayo. My treat."
Hinawakan niya 'ko sa braso at hinatak pero marahan lang.
"Mabuti pa nga. Matuwa pa ako sa'yo."
** ** ** **
Kinansela ang klase dahil nga sa lindo, kaya naman napagpasyahan na lang namin nina Gregg at Darius na kumain na lang sa labas. Syempre, gaya ng sabi ni Darius, libre niya. Waha. xD
"Ambag-ambag tayo dito ha." Napapangisi si Darius nang sinabi 'yun.
Halos lumuwa ang mga mata namin ni Gregg at napahinto sa pagnguya saka napatitig kay Darius.
=________=" >> 'yan kami ni Gregg.
"Haha. Joke lang. Kung makatitig kayo sakin, parang titirisin n'yo ako ng buhay ah. Haha. Oo na, libre ko naman 'to. Haha."
"Umayos ka." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.
Nandito lang kami sa mall, kumakain sa isang fastfood. Hindi naman kami uuwi kasi nga may praktis pa sila ng basketball tapos ako, may hidden agenda pa. Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila 'yung tungkol dun sa tumawag sakin kanina at nagpabigay nung papel na may sign na 'A'. Curiosity really kills me.
"Jie!"
"Ay, kulane!" Nagulat ako nang sigawan ako ni Gregg sa tenga, "tae ka! Bakit ka ba naninigaw?! Problema mo?!!"
"Nakatulala ka kaya. Huwag mong isipin si Aleck, hindi ka mahal nun-- Aray!"
Napakamot si Gregg sa ulo niya, binatukan ko kasi.
"Ikaw Gregg! Ako na naman pinagtitripan mo ha!" Umirap ako.
"Haha. Joke lang naman." Bawi niya.
BINABASA MO ANG
Kamusta Crush Mo? [Nakarelate ka ba?]
Teen FictionAng pasikot-sikot sa buhay ng isang babae na siguradong magiging tagus-tagusan sa puso at mga braincells mo. XD