KCM -- FOURTEEN

1K 15 5
                                    

Sa wakas, nakapag-update rin. :)

Dedicated sa makulet na naghihintay ng update ko. Kay Ate Rubs! :)

---------------

Kamusta Crush Mo? -- FOURTEEN

[ALECZANDER FLORES' POINT OF VIEW]

Naghahanda na kami para mamaya sa laban. Nandito na kami ng mga ka-team ko sa locker room ng gym. Nagulat kayo no? Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng eksena sa kwentong 'to. Haha. Basta pogi, pa-importante. Ang umangal, walang kiss galing sa akin. Wahaha.

"Gregg, Aleck. Good luck satin!" Sabi ni Darius na nasa harap naming dalawa. Nakaupo kasi kami ni Gregg, magkatabi kami samantalang si Darius ay nakatayo sa harap namin.

"Magaling din 'yung ibang kalaban natin e." Sagot ni Gregg, ako nama'y nakikinig lang habang inaayos ang sintas ng sapatos ko.

"Ikaw Aleck? Ang tahimik mo dyan pre ah." Sabay tapik sa balikat sakin ni Darius.

Sa totoo lang, wala akong panahon para magsayang ng oras para makipag-usap sa kaniya. Naiinis kasi ako. Hindi ko lang alam kung napapansin niya ang pagseselos ko sa tuwing magkasama sila ni potchi. Tss.

Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot. Inaayos ko na lang ang bag ko pagkatapos kong ayusin ang sintas ng sapatos ko.

"Lalabas muna ako." Paalam ko sa dalawa.

Tumalikod na agad ako at lumabas para magpahangin. Ewan ko ba, hindi ko trip makipag-usap sa kanila. Para sa akin, si potchi lang ang masarap . . . Masarap kausap. Haha. Dumi ng isip niyo ah. May forty-five minutes pa naman bago magsimula. Sa likod ako dumaan palabas ng gym para walang makakita masyado sakin. Kapag kasi sa may mismong court ako dumaan, baka magtilian na sila. Hahaha. Umangal, wala ulit kiss. Haha.

Pagkalabas ko, sumandal ako sa pader. Malilim naman kasi may puno. Ang sarap ng hangin, nakakarelax. Napaisip tuloy ako kung nasaan si potchi. Itext ko kaya.

Kinapa ko 'yung short ko para itext sana siya pero naalala ko wala nga palang bulsa ang shorts na 'to ng pang-basketball.

"Tss. Wala nga pala akong bulsa, nasa bag ko nga pala 'yung fone ko." Sabi ko sa sarili ko.

"Sinong kausap mo dyan?" Napatingin ako sa nagsalita, si Darius pala na nakangisi pa.

Ano naman kayang gagawin ng asungot na 'to dito? Tsk. =___=

Lumapit siya sakin, tumabi at sumandal din sa pader na sinasandalan ko.

"Sarili ko." Sarkastiko kong sagot at tumingin na lang sa ibang direksyon.

"Haha. Nababaliw ka na pre." Tatawa-tawa pa. Sapakin ko kaya 'to nang matauhan. Tsk.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Magpapahangin sana pero 'di ko naman akalaing nandito ka."

Pagkasabi niya nun ay napatigil ako sa ginawa niya. Sumindi siya ng sigarilyo at hinithit ito. Agad rin akong umiwas ng tingin sa kaniya.

"Nagyoyosi ka pala." Ngayon ko lang kasi siya nakitang nanigarilyo simula nang magkakilala kami.

"Oo pero paminsan-minsan lang. Gusto mo ba? May isa pa ako dito." Akmang kukunin niya sana 'yung isang stick pero agad akong tumanggi.

"No thanks, but I don't smoke."

Nakita kong ngumisi siya pagkabuga niya ng usok kaya dumistansya ako ng konti.

"Good boy ah. Kaya lalong nahuhulog sa'yo ang bestfriend ko e. Haha." Parang mapait ang dating sakin ng pagkakasabi niya nun.

Humarap ako sa kanya, hindi na ako nakasandal sa pader.

Kamusta Crush Mo?  [Nakarelate ka ba?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon