**TAKE A BREAK** WITH AUTHOR'S NOTE**

680 18 2
                                    

TITLE: EPIC FAIL

Papalubog na ang araw at patuloy ang paghampas ng hangin sa mga dahon ng punong guava namin, dahilan para magdulot ito ng isang mahinang ingay. Madilim ang langit na tila nagbabadya ng isang unos. Mula sa pagkakatayo ko habang nakatanaw sa bintana ng kwarto ko, lumakad ako papunta sa queen size bed ko at doon nahiga.

I stared at the ceiling of my room at napapikit. Napahampas ako sa noo ko dahil naisip ko na naman siya. Pumasok na naman sya sa isipan ko, ang hirap. Naramdaman ko na naman ang pagsikip ng dibdib ko.

Muli kong idinilat ang mga mata ko at naisipang buksan ang lappy ko na may tatak na hello kitty. Favorite ko kasi ang hello kitty and especially yung color pink. Yung wallpaper ng kwarto ko ay color pink din at may mga nakadikit na posters ng favorite male bands ko, and of course mga gwapo! Meron din akong favorite female singers na hilig kong kantahin ang mga kanta nila like J-Lo, Rihanna, Beyonce at marami pang iba.

Binuksan ko ang account ko sa facebook at umagaw agad ng attention ko ang status niya.

‘Miss you.’

Sa status na yan, walang ano-ano’y gumuhit sa labi ko ang ngiti na halos pumunit sa bibig ko. Tinignan ko kung naka-online s’ya pero hindi na pala. :(

Nagcomment na lang ako sa status niya.

‘Sino namang namimiss mo?’

Naghintay ako sa magiging reply niya pero wala. Nag log-out na lang ako at bumalik ulit sa pagkakahiga. I’m so disappointed.

Crush ko kasi sya eh, siya si Jericho Laforteza. Kaso tropa kami niyan and ang masaklap pa, bestfriend kami niyan since elementary at ngayon 4th year high school na kami at  magkaiba ng section. Alam niyo ba kung bakit ko nasabi kong masaklap? Kasi matagal na kong may narararamdaman sa kaniya and ‘til now di niya par in alam. Minsan nga naiisip ko na lang ang manhid niya eh. Kainis! Kelangan kong gumawa ng paraan, oo tama! Paraan para magtapat na sa kaniya. Handa akong tanggapin kung ano man ang kalabasan ng gagawin ko.

[Fast forward ng konti]

Uwian na at mag-isa akong naglalakad sa corridor.

“Hey! Sabay tayo!” sigaw ng taong tumatakbo mula sa likod ko. Boses pa lang niya kilala ko na. Halos lumundag ang puso ko nang ilingon ko ang buo kong katawan para harapin sya. Bumungad sa akin ang napakatikas niyang pangangatawan at maamong mukha na di mo mababahiran ng anumang galit dahil sa nagniningning nyang mga ngiti. “Hey!”

Nagulat ako kasi ang lapit niya na pala sakin. Napakurap-kurap pa ko bago makapagsalita.

“S-sure!” shenez! Bakit ako nauutal?!! >.<

“Thanks. Let’s go!”

Isang mahabang katahimikan ang namagitan samin bago kami naglakad. Siguro pagkakataon ko na to para magtapat.

Inhale~

Exhale~

“Jeric.” Yan ang nakasanayan kong tawag sa kaniya. Tumingin sya sakin at ngumiti.

“Um?”

“P-pwede bang pumunta muna tayo dun sa may seashore na madalas nating puntahan dati? Namimiss ko na kasi ang lugar na yon” sabi ko kasabay ang malakas at sunud-sunod na pagpintig ng puso ko.

“Sus! Syempre naman! Ang tagal na nating di napupunta don!” sabay akbay niya sakin na nagdagdag kilig sa buong katawan ko.

[Fast forward 50x]

Nakaupo na kami ngayon dito sa buhanginan habang nakaharap sa mapayapang dagat. Pumulot sya ng maliliit na bato at saka ibinato sa tubig.

“Alam mo, nakakamiss ‘tong ganito.” Simula ko.

“Oo nga eh, dati naghahabulan pa tayo. Haha!” sagot niya.

“Kagabi pala, nag online ka tapos nakita ko yung status mo.” Nakayuko ako habang sinasabi yon.

“Ah, yung ‘miss you’? May namimiss naman kasi talaga ako.” Sabi niya at diretso lang na nakatingin sa dagat. Napapangiti naman ako ng palihim at kinikilig pa. Di niya ba alam na ganon ko rin sya namiss?

“G-ganon ba? H-hehe. S-sino naman yung tinutukoy mo dun?” sabay baling ko ng tingin sa kaniya.

Di muna sya sumagot, sa halip naghikab sya at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Napangiti naman ako.

“Ikaw, syempre!” sabi na nga ba eh! Lumulundag na talaga ang puso ko sa tuwa nang may idinugtong pa siya, “de joke lang. Kailangan pa ba kita mamiss eh, araw-araw naman tayong nagkikita! Hahaha! ”

Ouch! Di niya ba alam na masakit? Ang sakit! >.<

“Ganun?” nagsimulang mamuo ang mga likido sa mata ko, maswerte ako at kaya kong pigilin ang pagpatak ng mga ito.

“Pero, seriously. I miss someone… si Sophia.”

I can’t even utter any words. Ang sakit eh. Si Sophia ang matagal na niyang nililigawan. Maganda ang hubog ng katawan niya, kung ikukumpara sa akin walang-wala ako. Sa kinis ng kutis at sa laki ng dibdib.

Oo, malaki ang dibdib nya na halos kaiinggitan ng mga babaeng di nakasalo ng ganung biyaya.

Nakakawindang!! Kaloka talaga!!!

Nakakainggit kasi si Sophia. Baka isa yon sa mga katangian dahilan para magustuhan sya ni Jeric.

Talo ako sa istoryang ‘to. Total LOSER. Flat chested eh.

Oo nga pala. Ako si Roberto A.K.A. Berta. LALAKI.

----------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

HI EVERYONE! COMMERCIAL MUNA. HEHEHE. IT HAS NOTHING TO DO WITH THE STORY, KUMABAGA PATALASTAS LANG. HEHEHE. NAGUSTUHAN NIYO BA? HEHE. BTW, KAMUSTA NA KAYO? AT KAMUSTA NA RIN ANG MGA CRUSHESSSS NIYO? HEHE. PASENSYA NA HA, KUNG SOBRANG TAGAL NG UPDATE. LAGI NA LANG AKONG GANITO KASI HECTIC SCHEDS. SALAMAT SA MGA UMIINTINDI. HEHE. ALAM NIYO BANG, NAGUGULAT NA LANG AKO EVERYTIME NA MAGCHECHECK AKO NG READS KO NG KCM DITO SA WATTPAD KASI HINDI KO AKALAING DADAMI ANG MAGBABASA NITO LALO PA'T ANG CORNY NAMAN NG IBANG JOKES HEHEHE. BUT ANYWAY, NAPAPASAYA NIYO PO AKO. SOBRAAA. <3 SANA 'WAG PO KAYONG MAGSAWANG BASAHIN 'TO. SANA SUPORTAHAN NIYO PA RIN ANG ISTORYANG ITO HANGGANG SA HULI. 'YUNG NEXT CHAPTER NAKASULAT NA SA NOTEBOOK KO PERO TINATAPOS KO PA RIN UNTIL NOW. SALAMAT HA. SALAMAT TALAGA! :)

KUNG MAY MGA KATANUNGAN O SUGGESTIONS O KAYA MAN GUSTO NIYONG MAKIPAGCHIKAHAN... HEHEHE. DE JOKE LANG. KUNG GUSTO NIYO LANG MANGAMUSTA IF BUHAY PA BA ANG AUTHOR NITO, JUST SIMPLY REACH ME ON THESE ACCOUNTS.

Facebook: http://www.facebook.com/RealMayumi

Twitter: http://twitter.com/OfficialMayumi

Tumblr: http://officialmayumi.tumblr.com/

ABOVE ALL, THANK YOU!! I APPRECCIATE YOU ALL. :) GOD BLESS... ^_^

Kamusta Crush Mo?  [Nakarelate ka ba?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon