KCM -- SEVEN PART ONE

1.2K 21 3
                                    

Updated! Party-party!! :)

----------

Kamusta Crush Mo -- Seven Part One

Ayoko muna palang dumiretso sa bahay. Baka tanungin pa ako kung bakit ganito ang itsura ko.

Pumunta na lang ako sa park at umupo sa may upuan na malapit sa isang puno. Nakatingin lang ako sa mga dumadaan. Napapaiyak na naman ako.

*sniff*

"Tae naman kasi. Bakit naman kasi kelangan niya pang magpakita? Mukha na nga siyang kuhol, magpapakita pa sa akin." Bulong ko sa sarili ko, tutal wala naman tao dito. Medyo tago ang lugar na 'to. Kaya okay lang na maglabas ako ng sama ng loob dito. Huhuhu.

"Ang pangit mo talaga Aaron! Ang tanga mo pa. Isang prinsesa na nga ang kasama mo dati, bakit pinagpalit mo pa sa isang dugong?! Haha. Magsama kayo! Pareho kayong pangit!"

>____>

<____<

^____^

Tumingin muna ulit ako sa paligid para tignan kung may tao na dito, baka marinig e. Mapagkamalan pa akong nauubusan na ng turnilyo sa utak.

Wahaha. Walang tao. Nagpatuloy ako.

"O ano ngayon? May nalalaman laman ka pang mahal mo pa rin ako, at hindi ka susuko? Pwet mo! Lokohin mo na si Majinbu, 'wag na ako!"

Kahit papaano nakaluwag-luwag sa pakiramdam ang ginawa ko. Hindi ko pa tuloy alam kung pupunta pa ako sa praktis nila ng basketball o uuwi na lang ako.

"Aaa--aa--aacchooo!!"

0_______0

Luh. Sino 'yun? May tao ba dito? Alangan namang may kasama akong multo dito? Awww.

*ssskk sskk*

Tunog ng damo. Tumayo ako para silipin kung saan nanggagaling 'yung tunog.

Pero bago pa man ako makapunta dun ay may lumabas na bulto ng isang lalaki mula sa likod ng puno sa tabi ko.

"Ang ingay mo naman. Nakaistorbo ka ng natutulog." Sabi niya habang kinukusot ang kabilang mata.

NGANGA ako.

"A-aleck?!!" Bulalas ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Bigla akong kinabahan. Para akong tanga na nagsasalita dito kanina tapos nandito pala siya? Narinig kaya niya? Pero sabi niya, natutulog daw siya kanina e. Baka hindi niya naman siguro narinig 'yun. >_<

"Natutulog nga at dahil maingay ka, nagising ako."

Napalunok tuloy ako at napahawak nang maigi sa laylayan ng blouse ko.

"Wala ka namang narinig 'di ba? Sabi mo natutulog ka, 'di ba Aleck?" Paninigurado ko.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya at lumakad papunta sa direksyon ko. Sinundan ko siya ng tingin, umupo siya sa upuang kaninang inuupuan ko. Nakatayo pa rin ako.

"Ah wala naman akong narinig." Napaluwag ang paghinga ko, whoo! Akala ko naman narinig niya.

Napatitig ako sa kaniya nang magpatuloy siya.

"Tae naman kasi. Bakit naman kasi kelangan niya pang magpakita? Mukha na nga siyang kuhol, magpapakita pa sakin?"

Napanganga ako habang sinasabi niya ang mga 'yun. Hindi ko alam ang gagawin ko kung magsasalita ba ako o hindi.

"Ang pangit mo talaga Aaron? Tama ba? Aaron ba ang pangalan nun?" Aba't? Nagtanong pa, para siyang asong ngumingisi pa habang inuulit 'yung mga sinabi ko kanina.

Kamusta Crush Mo?  [Nakarelate ka ba?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon