Tahimik ako kumakain sa isang sulok nang canteen. Walang kaclose e. Kala ko magiging tahimik din ang buhay ko pero nagkamali ako.
"Hasmine!" Sigaw ni James habang papalapit sakin.
Nag shh sign nalang ako sakanya saka bigla tumingin kay Clark nagtama naman kami nang tingin.
Kasama ni Clark ang mga barkada niya sa kabilang table. Puno sila sa table nila at mukhang masaya.
Lalo ako naiinlove kay Clark yung nakaupo siya sa lamesa habang may hawak na gitara. Kahit maingay sa canteen kanta parin niya ang naririnig ko.
Iniimagine ko ako ang hinaharana ni Clark--
"Wag kana mag imagine jan!" Saway sakin ni James kaya bumalik ako reyalidad.
"Panira moment!" Bulong ko sa isip ko.
"Bat andito kalang sa sulok?" Tanong niya saka siya tumabi sakin.
"Nagtatago sayo" mahina pero seryoso sagot ko sakanya.
"Hindi mo ba ako crush?" Seryoso mukha niya. "Sila nga may crush sakin e" dagdag pa niya habang nakaturo sa mga babae sa di kalayuan. Nagtilihan namn ito.
"No. Wag kang umasa" seryoso sagot ko.
"Ouch!" Sabi niya with matching hawak sa dibdib niya.
"Arte! Di nga bakla! Feeler naman!" Kausap ko nanaman sa isip ko"
Napapadalas na pagkausap ko sa isip ko di naman nasagot. Ahuehue!
"Bahala ka jan!" Tumayo na ako at dirediretso sa room. Kahit naririnig ko tawag ako ni James di ko nalang pinansin.
"Arte naman nito." Bulong nang isang babae sa katabi niya.
Bubulong na nga lang maririnig ko pa.
Di ko nalang sila pinansin at minabuti ko maglakad nalang pabalik sa classroom.
Pagpasok ko sa classroom inaayos ko mga gamit ko.
Unti lang tao dito yung ibang lalaki sa dulo kumpol kumpol may pinapanuod ata.
Tapos may mga babae din mga nagmemake up.
Uupo na sana ako nang may humila sa balikat ko paharap sakanya.
"Sino kaba talaga?!" Mahinang pero may diin sa tanong niya.
Don't worry di siya yung bitch na nakaaway ko kanina pagkapasok ko palang.
"Wait. Parang nakita ko na siya" sabi ko sa isip ko.
"H-huh?" Sagot ko.
Naalala ko na, isa siya sa mga babae kasama ni Clark sa canteen.
"Sagutin mo nalang" halata na sa boses niya ang inis.
"My name is Hasmine Dela Cruz, why?" Sagot ko.
Kahit itago niya ang pagkabigla niya nahalata ko parin sa emosyon nang mukha ang gulat.
"Let's go" rinig kong bulong sakanya nang isa niya kasama.
"Weird" bulong ko nang tuluyan na sila nakaalis.
Dahil bored na bored na ako kinuha ko bag ko at tinext driver ko para sunduin na ako.
Iniintay ko siya sa gate mabuti at pinayagan ako ni Manong Guard.
Sa di kalayuan nakita ko si Clark at mga kasama niya puro lalaki lang. Andun sila sa tindahan at nag sisigarilyo.
Napansin ko may binulong sakanya ang kasama niya at bigla nalang tumingin sakin si Clark.
Nangdilat ang mata ko nang napako ang mga mata niya sakin.
Lalo ako nataranta nang itapon niya yosi niya at sabay sabay sila tumawid. Halata sa lakad nila dahil mabilis ito at sakin lang nakatingin.
Di ako mapalagay buti nalang anjan na agad si manong. Agad agad ako sumakay at sinabi kay manong bilisan ang pagmaneho.
Nilingon ko sila tatakbo sana pero pinigilan sila nang Guard.
"Ano ba problema nila?" Tanong ko sa sarili ko.
-------
Balisa parin ako dahil sa mga nangyayari sakin.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga.
Habang nakatingin ako sa kisame at nililinaw ang mga nangyari biglang tumunog ang phone ko.
( 1 messenge)
From: Unknown
Mag iingat ka, dahil tatapusin lang nila ang di nila natapos.
Kinabahan ako sa nabasa ko. Lalong gumulo anh isip ko.
"Tatapusin nila ang di nila natapos?" Kausap ko sa sarili ko.
Napaupo agad ako nang maalala ko ang mga nangyari. Tinakpan ko agad nang kamay ko ang mukha ko.
Pinipigilan ko huwag umiyak, nilalakasan ko loob ko ngunit luha na ang bumitaw.
"T-tutuparin ko ang pangako ko" mahinang sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.
Tumayo ako at kumuha nang lighter.
Kumuha din ako nang panyo at sinubo.
Tinaas ko ang damit ko at sinindihan ang lighter."Kaya mo yan!" Panglalakas loob ko.
Tinapat ko ang lighter sa tagiliran ko at hinayaan ko lamunin ito nang apoy.
"AAAAAAAAAAAAAARGH!" Malakas na sigaw ko. Halos madurog ko ang pagkakahawak sa lamesa.
Nang may malaki na ito marka tinigil ko na.
Habang nakatingin ako sa salamin bigla nalang ako napangiti.
Nilagyan ko ito nang gamot para matuyo agad.
Kahit sobrang sakit pagnababasa kinakaya ko.
Mas binabuti ko nalang matulog para mawala ang hapdi.
--------------------
BINABASA MO ANG
TWIN (SPG Completed)
Mystery / Thriller[Rated SPG] Paano kung mawala sayo ang pinakamamahal mo? Magagawa mo ba mapaghigantihan ang dahilan nang pagkawala nang pinakamamahal mo kung di pwede sabihin sa kanila ang katotohanan? Kakayanin mo ba panindigan ang salitang binitawan mo sakanya...