Magrerecess ako ngayon sa canteen nang may lumapit sakin teacher pinapapunta daw ako sa office.
Sumunod naman ako, pagdating ko sa office nakita ko dun si Jean at Clark at may iba pang tao naroon sa loob.
"Umupo ka Ms. Dela Cruz" sabi nang Principal
Umupo naman ako.
"May kinalaman kaba sa pagkamatay nila Justine, Thoper at Kevin?" Seryosong tanong nito sakin.
"May ibidensya ba kayo para gantuhin ninyo ako? Nangbibintang kayo?" Balik kong tanong sa Principal.
"Hindi naman Ms. Dela Cruz. Gusto ko lang sana tanungin kasi ang sabi ni Jean ikaw lang daw ang pwede pumatay sa tatlo" paliwanag nang teacher.
"Bakit may dahilan ba ako para patayin sila?" Paki kwento nga kung ano yun." Tapos tinignan ko si Jean.
"See?" Dagdag ko pa nang matahimik si Jean.
Sino nga ba aamin sa ginawa niyang krimen.
"Nakikiramay po ako sa pagkawala nang anak ninyo. At kung di na po sila tuluyan matagpuan wag naman po ninyo sana ako pagbintangan." Tumayo ako at tumingin sa magulang nang tatlo.
Lumabas na ako nang office at dumiretso sa classroom.
"Hey." Sabi sakin ni James.
"Yes?" Mataray kong sagot.
"Totoo ba yu--?" Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil alam ko kung ano yun.
"No. Mukha ba ako gumawa yun?" Tanong ko sakanya saka ko tinaasan nang kilay.
Umiling lang ito at umayos nang upo.
"Hmm. Pwede bang mangligaw?" Tanong niya sakin.
"No." Sagot ko.
Ayoko magpaligaw sa taong siya ang dahilan nang lahat nang ito.
Ayoko mag tiwala lalo na di pa niya alam kung sino nga ba talaga ako.
"Per--"
Tumayo na ako at iniwan siya nakatulala.
Pasakay na sana ako sa kotse ko nang -
"Tangina mo!" Sabi ni Clark sakin.
Hinawakan niya ako sa damit, nakasandal ako sa kotse ko at siya ang nasa harap ko. Masama ang tingin niya sakin kulang nalang patayin ako.
"SINO KA BA TALAGA HAYOP KA?!" Pasigaw na sabi niya.
Lumingon lingon ako sa paligid bago nagsalita.
"Masarap ba?" Tanong ko. Ngumiti ako bago magsalita ulit. "Masarap ba pag virgin pa?" Bulong ko sakanya.
Biglang lumuwag ang pagkahawak niya sa damit ko, hinawakan ko kamay niya at pinatong sa hinaharap ko.
"Hinawakan mo rin ba ito?" Sweet kong pagkakasabi, agad naman niya inalis ang kamay niya at lumayo sakin.
"A-ano ba pinagsasabi mo?!" Utal niyang tanong.
"Alam mo kung ano sinasabi ko" saka ko siya kinindatan, patalikod na sana ako sakto naman dumating si Jean.
Binalewala ko nalang lahat at tinalikuran sila dalawa, sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot papunta sa bar.
Clark's POV
Maaga palang nasa school na ang magulang nila Justine, Kevin at Thoper. Simula nabalitaan nila ang pagkamatay ni Paulo at Jecobe lalo sila kinabahan.
Nang nasa office kami si Hasmine at tinuro suspect ni Jean. Kaya naman pinatawag agad si Hasmine sa Office.
Nang nakadating na si Hasmine tumingin lang ito samin.
BINABASA MO ANG
TWIN (SPG Completed)
Mystery / Thriller[Rated SPG] Paano kung mawala sayo ang pinakamamahal mo? Magagawa mo ba mapaghigantihan ang dahilan nang pagkawala nang pinakamamahal mo kung di pwede sabihin sa kanila ang katotohanan? Kakayanin mo ba panindigan ang salitang binitawan mo sakanya...