Kabanata 7

3.3K 28 0
                                    

Maaga ako pumasok dahil may gagawin pa ako importante. Hinanap ko na sa buong academy si Paulo pero hindi pala pumasok.

Alam ko bahay niya kaya wala siya kawala. Napag isipan ko tuloy dalawin ang boyfriend ko.

Papunta na ako sa parking lot nang may tumawag sakin.

"Hasmine?" Nilingon ko kung sino si James lang pala.

"Yes?" Mataray na sagot ko.

"Pwede ba tayo mag usap?" Tanong niya.

Nakita ko naglakad sa hallway si Jean at ang barkada nito.

Lumapit ako kay James at hinalikan ito, di ko akalain gaganto din ito, nang nawala na sa paningin ko si Jean hininto ko na ang pakikipaglandin dahil may pupuntahan pa ako.

"Later nalang babe okey? Busy kasi ako e"

Tumango lang siya siguro nabigla na may halong bitin.

Sumakay na ako sa mamahalin kong sasakyan at nag drive papunta sa bahay ni Paulo.

(NP: Black Magic - Little Mix)

Wala pa siguro mga kalahating oras nasa tapat na ako nang bahay ni Paulo.

Kinuha ko salamin ko saka nag lipstick nawala kasi grabe pagkawild ni James kanina, masado showy na adik talaga siya sakin.

Nagpabango na rin ako.

Nag door bell ako at lumabas ang isang katulong.

"Si Paulo?" Tanong ko.

"Andito po" tapos binuksan niya ang gate, pinag hintay niya ako sa sala at tatawagin lang daw si Paulo.

Maya maya pa nakita ko na pababa si Paulo nang hagdan.

"H-hasmine?" Gulat pa niya tanong.

Lumapit ako sakanya , hahalikan ko sana siya kaso umiwas siya.

"Miss me?" Tanong ko.

Tumango lang siya kasi walang emosyon ang mukha.

"May malapit na resort dito diba? Samahan mo ako?" Tanong ko.

Ready na ako noh. May dala na rin ako pangswimming.

"Sge teka bihis lang ako" tapos umakyat ulit siya.

Nakangiti lang ako habang sinusundan siya nang tingin.

Nang nawala na siya sa paningin ko tinignan ko ang mga litrato sa ibabaw nang piano.

For sure family picture to, obvious naman e.

"Tara na?" Tanong sakin ni Paulo.

May dala ito backpack.

Kotse ko na ang ginamit namin dahil ayoko iiwan ang baby ko sa ibang bahay.

Ako na rin sana magmamaneho pero sabi niya siya na.

Simula dito hanggang dun sa resort siguro mga 4 hours ang biyahe, malayo layo rin kasi yun.

Nasa kaladkitnaan nang daan nang bigla pumereno si Paulo.

"Bullshit!" Sabi muntik na kasi ako mauntog mabuti nakaseatbelt ako.

"Sorry." Sabi niya.

Tinignan ko ang mukha parang may nakitang multo, pawis na pawis ito at namumula ang mukha.

"Okey kalang ba?" Tanong ko.

Tumango lang ito at nag drive ulit. Kanina ko pa napapansin di siya tumitingin sakin, gusto ko sana tanungin pero binalewala ko nalang.

TWIN (SPG Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon