Kabanata 3

5.2K 36 0
                                    

Nagising ako dahil kumikirot nang unti ang sugat ko.

Naligo parin ako kahit sobrang hapdi. Pagkatapos ko maligo nag bihis na ako. Di na ako kumain nagpasama ako kay manong para ihatid na ako.

Late na rin kasi ako kaya nagmamadali ako. Lagi nalang ako late.

Katulad nang inaasahan ko wala pang ilang minuto nakarating na ako sa school.

Habang naglakakad ako sa hallway nakita ko pumasok sa isang sulok nang school si Clark kasama ang babae tinanong ako kahapon kung sino ba talaga ako.

Natatandaan ninyo? Ahiehie.

Sinundan ko sila at dahan dahan nagtago para di nila ako makita.

"Sigurado ka ba jan Jean?" Tanong nang isang lalaki. Alam ko si Clark yun. Kaboses e.

"Oo nga." Iritang sagot nang babae. Wait oo siya nga yung kahapon. Jean pala pangalan niya.

"Gago ka kasi Jean! Sabi ko sayo tuluyan mo na yang Hasmine nayan! Bakit ang tanga tanga mo?!" Mahina pero galit na ang boses ni Clark.

"Tangina mo pala e! Kung sana una palang napainlove mo na siya! Edi sana wala tayo problema!" Sagot naman ni Jean.

"Tama na yan! Baka may makakita pa satin!" Saway nang isang lalaki.

Narinig kong papaalis na sila kaya nagtago agad ako sa likod nang malaking puno.

"Walang hiya kayo!" Galit kong sabi sa isip ko.

"Hey? Ano ginagawa mo jan?" Gulat kong tanong sakin ni James.

"H-huh e? Ikaw saan ka nang galing?" Pagbabalik tanong ko.

"Dun" sabay turo niya sa pader. "Nag sigarilyo." Dagdag pa niya.

"Ah" sagot ko.

"Halika na malamok dito." Aya niya sakin sumunod nalang ako sakanya.

Habang naglalakad kami papunta sa hallway di ko maiwasan pumasok sa isip ko ang mga narinig ko.

"So ibig sabihin kasali si Clark? Kasali siya sa lahat nang toh!"

Napahawak naman sa dibdib ko bigla kasi kumirot.

Hinila agad ako ni James sa beywang dahil muntik na ako mabangga nang may buhat na maraming libro.

"A-aww." Mahinang ungol ko nang napagawak siya sa tagiliran ko.

Napalayo naman ako sakanya tinignan niya ang bandang hinawakan niya tinakpan ko nalang dito ang dala kong shoulder bag.

"Ano nangyari?" Tanong niya.

"Di ba obvious? Sakit nang pagkakahawak mo. Kala mo naman mamamatay ako sa libro" palusot ko.

"Ah. Shit yung bag ko!" Sabi niya. "Wait lang ah?" Paalam niya at tumakbo pabalik dun.

Naglakad lakad na ako papunta sa classroom ko nang sa tapat ako nang Office napadpad.

Pumasok ako at kinausap ang Principal.

"Good morning Ma'am" bati ko.

"Oh. Good morning Ms. Dela Cruz" bati din niya.

"Gusto ko lang po sana magpaalam nang one week? May aasikasuhin lang po kasi ako sa business namin." Paliwanag ko.

"Sge Ms. Dela Cruz." Sagot niya.

Pagkatapos yun lumabas na ako at pumunta sa parking lot. Sabi ko kasi kay manong hintayin nalang ako.

"Manong tara na po" sabi ko nang nakasakay na ako nang sasakyan.

"Sge po senyorita" sagot niya at pinaandar ang kotse.

Pagdating sa bahay minabuti ko matulog muna para magpahinga ngunit ginugulo parin ako nang mga narinig ko kanina.

Tumayo agad ako at bumaba.

"Yaya?" Tawag ko sa yaya ko.

"Yes po?" Sagot niya may hawak pa ito basahan.

"Pag handa mo ako cake at juice, pakidala sa pool mamaya" sabi ko tumango nalang ito.

Pumunta ako sa labas at nahiga sa bench.

Gusto ko sana mag swimming kaso di pa pala tuyo ang sugat ko.

"Ito na po" sabi ni yaya. At pinatong niya ito sa table sa tabi ko.

"Thanks" sabi ko at umalis na siya.

Kumain nalang habanh pinagmamasdan ang mga halaman sa garden ko at ang magandang pool ko.

Maganda talaga toh noh. Ako nag design e.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa cake ko.

Binaba ko na ito sa table at uminom nang juice.

Medyo tinamad na ako kaya pumasok na ako sa bahay kumuha muna ako sa ref nang mga chichirya ko at dumiretso sa movie room.

Gusto ko tumaba e sawang sawa na ako maging sexy hahaha.

Mas gusto ko manuod nang action movie kesa sa love story puro kadramahan.

---------------------------------------

TWIN (SPG Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon