Chapter 11

2.8K 24 0
                                    

Nakasakay ako sa kotse ko habang pinapanuod masunog ang bahay ni Jean kasama si Clark. Pinasigurado ko sa mga tauhan ko na walang ibidensya matitira kahit ang cctv nang subdivision pinakuha ko.

Ang natira lang dun yung nakita sila sa cctv na magkasama sila ni Jean.

Kumuha ako yosi at sinindahan.

"Okey na lahat Hasmine." Sabi ko sa kapatid ko nakaupo sa passenger seat.

Ngumiti lang ito sakin at bumalik nang tingin sa nasusunog na bahay.

Umalis na kami dahil pupuntahan ko kung saan sinunog din ang katawan ni Hasmine.

Malayo layao ito sa bahay ni Jean, di naman ako nahirapan hanapin dahil tinulungan ako ni Hasmine.

Pagdating namin sa bahay wasak na wasak na talaga ilang haligi nalang anh natira.

May tinuro sakin si Hasmine na parang lagusan pababa sa lupa.

Binuksan ko ito at bumaba ako dun. Makikita mo sa paligid na sunog na din ibang gamit.

Naagapan nang bombero ang apoy kaso di nila napansin ang lagusan sa baba.

"Ayun." Turo sakin ni Hasmine.

Napaluhod ako sa nakita ko.

Buto nalang ito at ang nga damit sa gilid sunog narin.

Pinulot ko ang bracelet sa gilid sunog na din ito pero dahil original di ito nasira masado.

Umiiyak ako habang tinitignan ko ang bracelet, ito yung binigay ko sakanya bago kami magkahiwalay.

"H-hasmine." Utal na sabi ko habang rumaragasa na ang luha sa mukha ko.

Flashback

"W-wag mo ako iwaaan" iyak na sabi sakin ni Hasmine.

"Babalikan kita." Sinuot ko sakanya ang bracelet. Nakatatak dun ang pangalan namin. "Promise" dagdag ko pa nang nasuot ko na sakanya.

"Hihintayin kita" iyak na sabi ni Hasmine sakin.

Niyakap niya ako kaya kumawala na ang luhang kanina pa kumakapit sa mga mata ko.

"HALIKA NA! IIWAN NA TAYO NANG ATE AT DADDY MO!" Sigaw ni mommy sakanya at hinila ito palayo sakin.

Hinawakan naman ako ni daddy dahil ayoko mawalay sa kambal ko.

Nakita ko kung paano magwala din ang kapatid ko.

Halos gumapang siya makalapit lang sakin.

Gusto ko man siya lapitan di ko magawa.

Durog na durog puso ko makita ko lang masaktan ang kapatid ko.

"A-ATEEEEE!" Sigaw niya bago ako makasakay sa kotse.

Bababa sana ako nang kotse kaso hawak hawak ako ni yaya.

Umandar na ang sasakyan nakita ko pa si Hasmine hinahabol ang kotse sinasakyan ko, lalong nadurog ang puso ko nang nadapa siya halos talunin ko ang bintana para lang balikan siya pero wala ako magawa.

"Please baby. Stop na" sabi sakin ni daddy.

Niyakap ko si yaya saka binuhos lahat nang iyak ko.

End Of Flashback

"Nangako ako. Iingatan kita. P-pero wala ako nagawa. Napakawalang kwenta kong kapatid." Sabi ko.

Tumawag ako nang magpapakuha sa bangkay nang kapatid ko saka ko siya binigyan nang magandang libing.

---------
Nakatulala lang ako habang nakaupo sa tapat nang kabaong nang kapatid ko.

"Jasmine? Anak?" Tawag sakin nang babae. Nilingon ko kung sino si mommy pala at kasama si daddy.

Tumayo lang ako at tumango sakanila.

Lumapit sakin si mommy at niyakap ako.

"J-jasmine? Sorry kung di ako naging mabuting ina sainyo nang kakambal mo." Iyak na sambit ni mommy.

"Alam na namin kung ano nangyari kay  Hasmine, anak. Kaya pala nawala ka agad." Sabi ni daddy nasa likod ni mommy at halatang pinipigilan lang ang lumuha.

Lumapit si mommy sa kabaong ni Hasmine. Napaluhod ito habang pilit niyayakap ang kabaong.

"Sorry anak. Sorry sa lahat. Patawarin mo sana ako anak. Pasensya kana." Kausap ni mommy sa kabaong na kala mo naman magsasalita.

Nakita ko si Hasmine nakatayo sa harap namin, ang katawan niyang sunog eh bumalik sa normal. Saka ito ngumiti samin at bigla nalang naglaho.

"Patawad sainyo dalawa anak. P-patawarin ninyo ako" sabi sakin ni mommy saka ako niyakap.

"Pinapatawad ka na namin mommy." Bulong ko.

Kung ang Diyos nga kaya magpatawad kami pa kaya?

Sabi nga nila hindi ka magiging masaya pag may galit ka parin sa puso.

Lahat nang tao nagkakamali, lahat nang tao may nagagawa kasalanan, pero may karapatan din ang lahat nang tao na magbago.

After 3 years

Nagkaayos na kami nila mom and dad. Nagbalikan sila at nag sama ulit sa iisang bubong.

Nagkaruon na rin ako nang anak siya si Baby Vhince at Baby Vincent. Kambal at sisiguraduhin ko lalaki sila nang maayos at mamahalin ang isat isa.

Sino pa nga ba ama nang anak ko?

Siya lang naman ang nag iisang James Switzh ko.

Sa totoo lang matagal ko na siya gusto. Unang pakilala palang niya sakin, ngunit mas pinili ko siya iwasan dahil sa mga nalaman ko.

Ayoko madamay siya, ayoko malaman niya ako pumatay sa mga kaibigan niya pati sa ex niya.

Pero nabigla ako isang araw na sinabi niya sakin na alam daw niya lahat tungkol sakin.

Kung sino ako at kung bakit ko ginawa yun.

Matagal na niya ako sinusubaybayan lahat nang kinikilos ko alam niya.

At matagal na niya pala ako mahal.

Laking pasasalamat ko sa kabila nang paghihiganti ko para kakambal ko may blessing parin ang dumating sakin.

Una nagkaayos na si mommy at daddy

At ngayon may lalaking tumanggap sakin nang buong buong.

At panghuli nagkababy pa kami na sobrang sobrang gwapo.

"Alam mo honey mahal na mahal kita maging sino ka man." Sabi sakin ni James at hinalikan ako, gumanti naman ako sa halik niya.

The End

A/N: Kung may reklamo kayo idulog ninyo sa presinto. Joke! Hahaha. Kung may hindi kayo naintindihan or may tanong kayo comment lang or messenge ninyo ako. Hindi ako snob promiseeee! Mamatay man mga magaganda *namatay* HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Yeeern lang salamat sa pagbabasa. Muaaah :*

----------------BlueQueen--------------

TWIN (SPG Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon