Prologue

1.3K 74 31
                                    

"Arki stop it! You're killing her!"

Pigil ni Hikaru sa kaibigan niyang si Arki.

Ngunit parang wala man lang itong narinig.

Habang si Arki ay binubug-bog ang isang kawawang babae.

"Akala mo kung sino kang maka pang lait ng ibang tao! Hindi mo ba ako kilala?!"

Sa sobrang galit ni Arki ay inumpog umpog niya sa sahig ang ulo ng babae.

Halata namang lumalaban at di papatalo ang babae. Pero wala siyang binatbat kay Arki.

"Manggugulo ka na nga lang, ako pa pinuntirya mo! Ke bago bago mo pa lang dito!" Sigaw niya rito.

Wala namang magawa si Hikaru para pigilan ang kaibigan. kilala niya si Arki, kaya wala na siyang magagawa kundi ang manuod na lamang.

"I'm so-sorry! Please ta-tama na."

Pagmamakaawa ng babae kay Arki.

"Anong sabi mo? Ha? Di kita marining eh! Ulitin mo nga!"

Pakunwariy nabibingi ito..

Ang mga tao sa canteen ay nanunuod lamang, wala silang magawa kahit na yung mga kasama ng babae dahil baka pati sila magaya pa sa kasama..

"I'm sorry!! Please tama na!"

Tumigil nga si Arki at tipong tatayo na.

Tinulungan naman ni Hikaru yung babae para makatayo..

Sa isang gawi ay may nahawakang bottled soft drinks itong babae.

Habang nakatalikod na si Arki.
Pagkakataon na para ibato nya ito kay Arki.

Lahat ng tao sa canteen ay nanlaki ang mga mata!

Napahawak si Arki sa kaniyang ulo. Nakita niya ang pulang likido sa kaniyang kamay.

"Akala mo ba hahayaan ko na lang ang ginawa mo? Lintik ka! Wala akong pake kung anak ka pa ng may-ari ng skwelahang to!"

Nagmamadali namang lumapit si Hikaru kay Arki. Nag-aaalala siya para sa kaibigan.

"Arki, Okay ka lang??" Hindi sumagot si Arki sa tanong ni Hikaru.

Lumingon sya sa kinaroroonan ng babae at ngumiti ito ng nakakaloko. Ngiting aso.

"Arki, don't! that's too much, please. Thats enough."

Nakita kasi ni Hikaru na hinawakan niya ang isang abandonadong upuan. Sira na ito pero nagagamit pa rin sa canteen.

Ngumiti siya lalo ng nakakaloko sa babae.

Sa isang iglap ay nakahiga na ang babae at wala nang malay.

Lahat ng tao sa canteen ay nagkakagulo.

Habang tinitignan ni Hikaru si Arki na papalayo at nakapamulsa pa.

Minsan iniisip ni Hikaru kung mag kaibigan ba talaga sila..

**

"Hindi mo ba alam kung anong ginawa mo?!! Halos patayin mo na yung tao!"

Sigaw ng Ina ni Arki. Marahil ay nakarating sa kaniya ang nangyari kanina.

"Wala ka man lang bang sasabihin sa akin?!! Ha Akira!" Sigaw nito.

Inikot lamang nito ang mata sa Ina at tinalikuran ito.

Hinablot naman ng Ina niya ang kaniyang braso para magkaharap uli sila.

"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA'YO NA AYAW KONG TINATALIKURAN MO AKO KAPAG NAKIKIPAG USAP AKO SA'YO!!"

Ramdam ni Arki na galit na ito. Pero wala lamang siyang emosyon na pinakita sa ina.

"Honey, tama na 'yan."

Napatingin silang dalawa sa gawi ng nagsalita, Ang ama ni Arki na si Arthur.

Bigla namang napangiti si Arki nang makita ang ama.

"Hon! Nakarating naman siguro sa'yo yung balita hindi ba?"

Lumapit sa kaniya ang kaniyang asawa at hinawakan ito sa balikat.

"Of course. Yung bagong lipat na estudyante raw kasi ang nagumpisa ng lahat."

Lumingon siya sa anak at nginitian ito.

Tinanggal naman ng asawang babae ang kamay nito sa balikat at napa upo sa isang malambot na upuan at napahawak ito sa kanyang sintido.

"Kinukonsinti mo na naman 'yang anak mo. Kaya lumalaki ulo niyan."

Tumahimik saglit sa pagitan nilang tatlo.

Nabasag lamang ang katahimikan ng may tumawag sa telepono ni Mrs.Yamato

"Hello?- What?!! -Please gawin niyo lahat ng makakaya niyo! Babayaran ko lahat kahit magkano! Okay, and please, balitaan niyo 'ko. Salamat."

Pagkababa niya sa kaniyang telepono, ay nakatingin siya ng masama kay Arki..

"Pack your things! Ipapadala kita sa lola mo sa States!"

"What?? Dad!"

Paghingi ni Arki sa ama niya ng tulong dahil sa sinabi ng kaniyang ina.

"Hon, kaka umpisa pa lang ng school year- "

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang tignan din siya ng asawa nito ng masama.

"I don't care! 50/50 ang lagay nung bata Arthur! Ipapadala ko siya ngayon sa lola niya! Para magtino yan!"

Wala ng nagawa si Arthur dahil galit na ang asawa nito.

"Pack your things now! Within ten minutes tapos kana! Understand?! Try me Akira! You'll regret it!"

Kahit si Arki ay wala na ring nagawa.

"I hate you." Pagkasabi niya non ay tumalikod na ito.

Saktong sampung minuto ay natapos na sa pagiimpake si Arki. Konti lang naman ang damit na dinala niya dahil may naiwan din naman siyang damit sa America.

**

Habang pinagmamasdan ni Shin ang stepsister niyang may braces sa leeg, sugat sa mukha at nakahiga sa patients bed ng ospital ay may namumuong galit sa pagkatao niya.

Galit siya dahil sa nangyari sa kaniyang kapatid. kahit masama ang ugali ng stepsister niya ay naaawa parin siya rito. Mahal niya ito kahit hindi siya tanggap nito.

Naikuyom ni Shin ang dalawang kamay nito.

Hahanapin ko ang sinumang gumawa sa'yo nito. Galit na tugon nito sa kaniyang sarili.

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon