Kabanata 24

349 22 9
                                    

Arki

"Excuse me? Have you seen Brick?"

Tanong ko sa mga estudyanteng naka tambay lang sa labas ng classroom nila. Mga kaklase sila ni Brick.

"Parang nakita namin siyang papunta sa rooftop, Akira." Sabi ni Melody. Kaya tumango lang ako.

Excited akong nag tungo sa roof top. I want to tell him what I feel. Gusto ko sabihing, gusto ko rin siya.

Hawak ko na ang pinto at pinihit palabas. Nakita ko siyang naka dungaw sa ilalim. Nasa edge kasi siya, di naman delikado kasi may screen na harang. Bakit kaya nandito na naman siya? Di kaya malungkot na naman siya?

Napansin ata niya na may tao sa likod niya kaya agad siyang humarap sa'kin.

"Aki" Sabi niya saka tumalikod ulit.

Bakit parang may problema siya? Lumapit ako sa kaniya.

"Why are you here?" Tanong ko.

Matagal din bago siya sumagot.

"As usual." Malamig niyang sabi.

Bakit kakaiba si Brick ngayon?

"Malungkot ka ba?" Tanong ko. Pagkasabi ko nun agad siyang humarap sa akin. Bat parang may namumuong luha sa mga mata niya?

"Oo, at alam mo kung anong magpapasaya sa'kin, diba?" Agad kong na realize yung sinabi niya. Oo nga pala! May sasabihin nga pala ako.

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon