Kabanata 8

413 41 8
                                    


.

Gising na ako pero nanatili lang akong nakapikit.

Pakiramdam ko may mga matang naka tingin sakin.

Tsk! Sabi ko ako lang ang pwede dito eh! Antigas talaga ng ulo nito, kung sino man to.

Dahan dahan kong minulat ang mata at nakita ko si Sky na nakangiti.

Ano na naman ba ginagawa nito dito -__-

Di nya alam na sinisilip ko sya, para syang tanga, ngiti ng ngiti =____=

"Ano kailangan mo?" Tanong ko na nakapikit pa din.

"A-Ah! Wala! Di ka ba papasok?" Nangyari sa kanya?

Bumangon ako.

"No." Tipid kong sagot na di tumitingin sa kanya.

Kita kong umupo sya sa tabi ko.

"Diba sabi ko di ka pwede dito?" Pagtataray ko sa kanya.

Di sya sumagot. Tsk!

"Alis na, Sky, pumasok ka na." Cold kong sabi sa kanya. Tiningnan nya lang ako.

"Di ako aalis ng di ka kasama."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Fine!" Tumayo ako. Hinila ko naman sya.

Hawak ko sya sa braso. Hanggang sa makarating kami ng room.

Nagulat sila lahat, pati teacher namin sa Sports/Principal na nag didiscuss ay napahinto din.

"What?" Tanong ko sa kanila.

Napatingin ako sa kasama ko. Shit! -__- hawak ko nga pala sya! Bigla ko naman syang binitawan.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Si Hikaru nakangiting tinitingnan ako. Ugh! Ano na naman iniisip ng babaeng to.

"Si Shin?" Tanong ni Sky kay Hikaru.

"Di ko alam eh. Di sya sumabay sakin. May gagawin daw sya."

Tumango na lang si Sky tapos humarap na sa board.

May humawak sa kamay ko, si Hikaru. Tinignan ko sya.

"What?" No emotions na tanong ko sa kanya.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya.

"Yup." Sabi ko tas humarap na din sa board.

"Okay, since next next week na ang School fest. May iba pa bang sasali sa sports na gaganapin?" Tanong ni teacher Principal.

"Me." Sabi ni Jin. Classmate kong babae.

"Isa lang? Maliban kay Jin at Akira, may iba pa ba?" Pagka banggit ni Ms.P sa pangalan ko, nagsi tinginan sila sakin.

"Sasali si Akira?"

"Nag Improve na talaga sya."

"Ano kaya sasalihan nya?"

Bulungan na naman sila =___=

"Ako po."

Gulat ako ng magsalita si Sky.

"Hmm. Mr.Parco, anong sports?" Tanong ni ma'am.

"Soccer." Tipid nyang sagot.

Tapos sumulat si ma'am sa papel.

"Okay, mag register na lang kayo sa office mamaya. Hihintayin ko kayo."

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon