Kabanata 23

372 24 8
                                    


Whe you expect too much, you'll get hurt too much.

***

"Arki? Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala d'yan."

Pagaalalang sabi ni Hikaru sakin. Tinignan ko siya. May namumuo na namang luha sa mga mata ko.

"Iniisip mo parin ba yung nangyari?" Tanong niya.

Di ako sumagot. Niyakap ko na lang sya.

Bakit ganun? Okay naman kami ah? Umamin na sya sakin na gusto nya ako. Dahil lang sa muntik na akong mapahamak at nadamay pa sya, kaya di nya ako kinakausap o pinapansin man lang?

Mag da-dalawang linggo na nya akong iniiwasan at nasasaktan ako sa pagiiwas nya sakin.

Bakit feeling ko mas malala pa tong nangyayari sa'min ni Sky kesa sa nangyari kina Shin at Hikaru?

Oo, nakwento nya sakin yung nangyari at nasaktan ako dahil sinaktan ni shin si Ru. Pero mas malala pa ata tong sakin.

Naguguluhan ba kayo? Ako din eh. Gulong gulo ang isip ko. Ganto kasi yun

-flashback-

Bumitaw ako sa yakap ko kay Sky. Natutuwa ako dahil pareho kami ng nararamdaman.

"Di na tuloy maalis yang ngiti mo. Kanina lang ang sungit sungit mo." Sabi nya sakin na nakangiti. Sinimangutan ko lang sya.

"Wag ka ngang mag pout dyan, mas nagaganahan akong halikan ka eh."

Pagkasabi nya nun parang uminit bigla yung pisngi ko. Yumuko ako para di nya mapansin. Pinapakilig na naman nya ako e.

"Akira." Tawag nya sakin. Pero di ko sya tinignan.

"Oy?" Tawag nya. Eh kasi naman! Kinikilig parin ako eh.

Inangat nya ang kamay nya at hinawakan ang baba ko at inangat para matignan nya ako. Nahihiya pa ako eh -///-

Titig na titig sya sakin, parang nangungusap yung mga tingin nya.

"Can I?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Ano?" Tanong ko, di ko kasi sya magets.

"Can I?" Binaba nya ang tingin nya at tumingin sa labi ko "Kiss you?"

Nagpapaalam pa sya? Eh ilang beses na nya kaya akong ninakawan. Tapos ngayon magpapaalam sya? Psh.

"Himala ata nag paalam ka?" Tukso ko sa kanya. Di na sya ulit nag salita dahil unti unti nyang nilalapit ang mukha ko sa mukha nya.

Konti na lang at mararamdaman ko na ang labi nya.

Pero napatingin ako sa bandang likuran nya dahil may apat na lalaking naka tabon ang mukha na papalapit samin.

"Sky!"

Ang bilis nila kumilos. Tumba na kaagad si sky. Lalapit sana ako para pigilan sila sa pagsisipa kay Sky. Natatakot ako dahil sa ginagawa nila kay Sky.

"Sky!"

Agad may humawak sa magkabilang braso ko para pigilan ako.

"Wag ka nang pumalag!" Sabi ng isang may hawak sa akin.

"Ugh!" Ungol ni Sky.

"Sky! Bitawan nyo nga ako!" Pag pupumiglas ko. Halos di na makatayo si Sky kahit anong laban nya. May dugo na din na dumadaloy mula sa ulo nya.

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon