Kabanata 22

310 28 8
                                    

Arki

"Tara?" Aya sakin ni Sky. Uwian na kasi, sasabay daw sya sa'kin umuwi. Eh lagi naman talaga kaming sabay kung umuwi. Tss

Kung pwede nga lang sa bahay na sya tumira. Nyahaha! Joke lang.

"Di mo ba hihintayin si Shin?" Tanong ko sa kanya. Kinuha nya ang bag ko at sya na mismo ang nag bitbit. Lagi nya yan ginagawa. Kinikilig nga ako eh. Hihi

"Di na, di ko nga alam kung saan nag punta yun e." Sabi nya at nag lakad na kami. Nga pala, di pumasok si Shin sa afternoon class kanina, siguro na flush na yun sa inidoro. haha

Si Hikaru naman na una na sa'min, may pupuntahan daw eh.

Nag umpisa na kaming mag-lakad ni Sky. Yung mga nakakasalubong namin ni Sky halos kinikilig. Haha.

Nag-taka ako kasi di kami sa parking lot pumunta. Sa main gate ng EU kami dumaan palabas. Di siguro dala ni Sky yung sasakyan nya.

"San tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Kakain." Simpleng sagot nya. Kakain daw kami, hihi baka sa mamahaling restaurants. Hoho, tamang tama gutom na ako.

"Marunong ka bang tumawid?" Nag-taka naman ako sa tanong ni Sky.

"Eh? Hindi ak-" di na ako pinatapos ni Sky magsalita, hinawakan nya ang kamay ko tapos bigla kaming tumawid, waahh! Nakakatakot! Ang bibilis pa naman magpatakbo ng mga sasakyan yung mga dumaraan.

Nang makatawid kami ni Sky hawak nya parin ang kamay ko.

"Come." Sabi nya at hinila ako papunta dun sa nagbebenta ng street foods.

"Akala ko kakain tayo?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sakin.

"Oo nga, kakain tayo nyan." Sabay turo sa.. Ano nga ba tawag dyan? Di pa kasi ako nakakatikim nyan eh.

"Isaw at kwek kwek"
Sabi nya tapos ngumiti sakin.

"Kuya isaw nga po" sabi ni Sky sa tindero.

"Oh hijo, ikaw pala. Sige kuha ka." Sagot naman ng tindero, mukhang suki nito si Sky ah.

Kumuha si Sky ng dalawang isaw, inabot nya sa'kin ito. Napangiwi naman ako, ito ba yung small intestine ng manok?

Pinagmasdan ko si Sky, ang lakas nya kumain halos nakaka tatlong sticks na sya.

"Di yan tinititigan." Sabi nya.

"Ayoko nito Sky." Sabi ko at inabot sa kanya yung hawak kong isaw.

"Masarap yan." Sabi nya sabay kuha ng isa pang isaw. Grabe, nakakalima na sya

Nakangiwi akong kinakagat ang isaw, nginuya ko at..in fairness masarap nga.

"Masarap diba?" Natutuwa nyang sabi.

Tumango ako at inubos yung isaw. Gusto ko pa. Huhu

Kumuha si Sky ng dalawa, inabot nya ang isa sakin. Agad ko namang kinain. Huhu. Ang sarap pala nito eh. Pagka ubos ko, kumuha pa ako, hanggang sa nakaka sampu na ako. sunod ko namang tinikman yung kwek kwek, itlog pala to. Haha.

"Ang lakas kumain ng syota mo hijo, sarap na sarap eh." Sabi nung tindero. Nahiya naman ako. Hihi, syota daw ako ni Sky.

Magsasalita sana ako para sabihing hindi naman kami pero biglang lumapit si Sky sakin at inakbayan ako.

"Ganto po siguro pag naglilihi, di ba?" Sabi nya sabay kindat sakin. Waaah! Ano na naman tong iniisip ng gwapong unggoy na to.

Medyo nagulat si manong, then he gawked at me.

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon