Kabanata 4

476 37 8
                                    


Arki's P.O.V

Nakatayo sya sa harap namin ni Hikaru, bitbit ang tatlong plato ng spaghetti. Malapad ang ngiti na hinihintay ang sagot namin.

"Pwede na ba ako sumabay?" Pag-uulit nya sa tanong nya kanina.

Nagkatinginan naman kami ni Hikaru. Tapos sinagot na namin ang tanong nya.

"No/Yes" nagkatinginan kami ni Hikaru -__- panu kasi yes ang sabi nya! Tss..

"Then its a yes! Hehe thanks."

Nilapag nya yung spaghetti nya tas umupo na.

"May pagkain na kami."Sabi ko ng akmang iaabot nya sakin yung isang plato ng spaghetti nya.

"Ay Hindi! Papahawak ko lang sana. Wala na kasing space. Ilalagay ko lang sa kabilang mesa tong tray para magkaron ng space."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ipapahawak mo sakin yan? Sigurado ka?" Psh! He's Annoying me -__-

Tumango sya. Tapos nilagay nga nya yung tray.

Asar!

Pabulong kong sabi pero mukhang narinig ni Hikaru kasi napatingin sya sakin.

"Ayan! May space na, hihi." Kinuha nya sakin yung spag. tapos kinain nya na.

Grabi naman tong nerd na to! Parang may pinapakain sa loob ng tyan!

"Excuse me? Pwede din ba akong sumabay?"

Napatingin naman kami sa lalaking nagsalita. Pati si nerd guy napahinto sa pagkain para tignan yung lalaki.

"What if I say no?" Iritang Sabi ni Hikaru. I bet kilala nya tong guy na to.

"Si Sky nga na best friend ko pina sabay mo. Ako pa kaya?" Ah! Mag best friend pala sila nitong nerd na to.

Kita ko si Hikaru na inirapan yung lalaki.

"Upo ka Shin!" Sabi ni Nerd guy. -__- parang gusto ko tuloy umalis dito!

"Ang swerte naman nila Akira, sa kanila timabi sina Sky at Shin."
"Oo nga! Bakit di nagagalit si Arki sa kanila?"
"Duh? Lalaki kaya tumabi sa kanila! May tinatago din pala silang kalandian!"
"Oy hindi ah! Mabait naman yan si Akira eh."

Rinig na rinig ko ang mga bulungan na yan! Napatayo ako dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila nung pangatlong nagsalita!

Pumunta ako sa likod nya ng di nya napapansin.

Yung mga kasama nya gulat na may halong takot nung makita ako.

"Excuse me." Kinulbit ko sya, humarap naman sya. Pagkakita nya sakin nanlaki yung mga mata nya.

Kinuha ko yung juice na iniinom ng kasama nya, tapos ibinuhos ko sa ulo nya.

"Next time you call us flirt! I'll asure you, manghihiram ka ng mukha sa aso nyo." Cold kong sabi. Tapos bumalik na ako sa upuan namin.

Sakto naman na nag bell na. Tumayo na ako at niligpit ang gamit ko.

"Sabay na kami sa inyo. Tutal magkaklase naman tayo apat eh." Sabi ni Shin. Tiningnan ko lang sya.

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon