Kabanata 17

349 31 6
                                    

Arki's P.O.V


Buong byahe namin ni Sky, tahimik lang ako. Di rin naman siya nagtanong kung bat ang tahimik ko.

Ano ba tong nararamdaman ko?

Sya ba talaga yun? Kung sya man wala na akong pakialam pa :/

"Lalim ng iniisip mo." Sky

Napatingin ako sa kanya.

"Ha?" Tanong ko.

"See? Ang lalim nga ng iniisip mo." Sabi nya tas nginitian ako.

"Hindi noh! Hehe." Pilit kong tawa. Ano ba Arki! Anong nangyayari sayo!

"Hindi nga ba? Bat di mo napansin na nasa bahay mo na tayo?" Sabi nya. Agad akong sumilip sa labas.

Aish! Ang lalim nga siguro talaga ng iniisip ko.

Napabuntong hininga ako. Lumabas si Sky para pagbuksan ako.

"Thank you for bringing me home, safe :)" sabi ko tapos naglakad na papasok ng bahay.

"Wait!" Tawag ni Sky.

Nilingon ko sya.

"Hmm?"

Diba may sasabihin pa sya? Baka ngayon nya itutuloy.

"I uhh... Uhmm.."


Tinaasan ko sya ng kilay. Ang tagal kasi sabihin eh.

"Bukas na yung game ko, manuod ka ah?"

Yan lang ba sasabihin niya?

"Oo naman! Cheer pa kita." sabi ko sa kanya.

"So, alis na ako, pasok ka na. Pasensya na kung masyado nang gabi kita iniuwi sa inyo."

"Hmm.. Okay lang, Good night Sky."

Nginitian nya ako.

"Good night."

Tapos pumasok na siya sa kotse niya. Pinagmasdan ko lang hanggang sa makalayo na siya.

Pumasok na ako sa loob. Ewan ko ba, pero may mali eh! May mali sa'kin. At di ko alam kung ano 'yon.


Pagkapasok ko dumiretso na ako sa kwarto ko, alas diyes na kasi kaya tulog na panigurado sina mama.

Pagbukas ko ng kwarto sinalubong ako ni Chilli.

Aw! Aw!

Tahol niya, lumapit sya sakin tapos tumatalon talon. Na miss siguro ako.

"Sushh baby, may natutulog na." Sabi ko tapos tuluyan nang sinara ang pinto ng kwarto ko.

Nilapag ko ang mga gamit ko at nag tungo sa cr para mag toothbrush. Pagkatapos nag palit na ako pajamas.

Agad akong humiga dahil pagod ako.

Ang saya na sana ng gabi ko kung di lang ginulo nung unregistered number na tumawag sakin.

Ayaw kong isipin na sya yun. Pinatay ko na yun at binaon sa limot. Kaya kakalimutan ko na lang kung sino man yun.

Tsaka si Sky, 'di nya sinabi yung gusto nyang sabihin. Ano kaya yun? Ano kaya yung something na yun? Aish! Nakakabobo mag isip. Mas maiging matulog na lang ako, manunuod pa ako ng laro nya bukas eh.

"Good night, Chilli bummy." Saad ko, tapos nag flying kiss kay Chilli. Pinatay ko na yung lampshade tapos pumikit.

**

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon