Kabanata 14

441 36 9
                                    

Arki

Am I really In love? Or I'm just attracted to him?

Hmm.. Baka naman nadala lang ako? Kasi ang bait nya, tapos sya yung minsan kong nakakasama at sya rin yung laging nagtatanggol sakin.

Waaahh! Nakaka bobo mag isip!

Basta ang alam ko gusto ko siya.

"Okay class, that's all for today. See you tomorrow." Dismiss sa'min ng last subject namin.

Natapos na lang lahat ng subjects sa umaga walang Sky na dumating.

San kaya yung lokong 'yon! Asar naman oh! Inaagahan ko pa naman pumasok tapos wala parin pala siya.

Andito naman si Shin, tapos di niya alam kung ba't 'di pumasok si Sky.

"Hello? Are you listening, Arki?" Nagulat ako sa kamay ni Hikaru na kinakaway kaway sa harap ko.

"I'm sorry, what is it again?" Tanong ko sa kanya, kasi naman eh.

"Hmm, lalim ng iniisip ah! Sino kaya iniisip mo." Tukso sakin ni Hikaru

Tss.. Ang hilig na talaga niya manukso.

"Babes! Lunch na tayo! Gutom na ako eh! Akira tayo na riyan." Sabi sakin ni Shin tas hinihila ako patayo.

Nagpatianod na lang ako. Buti pa si Hikaru may Shin na laging nagpapakilig sa kaniya. yung akin Tatlong araw nang 'di pumapasok.

Namimiss ko na yung unggoy na yun! Nakakainis!

Tumayo na ako at nagtungo na kami papuntang canteen.

Umupo kami sa bakanteng mesa. Si Shin naman nag insist na it-treat nya raw kami.

"Make sure walang shrimp 'yan ah!" Sabi ni Hikaru.

"Yes babes!" Sabi ni Shin at nag salute pa.

"Okay ka lang ba? Matamlay ka ata this past few days? May sakit ka?" Concern na tanong ni Hikaru.

"I'm fine. Ano ka ba."

"Sus! Namimiss mo lang siguro si Sky." Biglang sulpot ni Shin. Ang bilis niyang mag-order ah?

"Di ah! Bat ko naman mamimiss yung unggoy na yun? Tsaka Si Sky miss ko? Pweh, Never!"

Yan na lang nasabi ko! Ayaw ko pahalata eh.

"Di nga ba ?" Pangaasar ni Hikaru. Bagay talaga sila ni Shin eh! Lakas mang asar.

"Di nga! Mas okay nga na 'di ko s'ya nakikita eh! Makakapag pahinga ako. Haha! Tsaka walang unggoy na nangungulit!" Natatawa ko pang sabi. Saka ko lang napansin si Shin na nguso siya ng nguso sa likuran ko.

Baka gusto niya ng kiss Arki! Haha..

"Really? You don't miss me? Sayang. I brought you this pa naman."


Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig at naninigas ako. Di ako makagalaw. All I know is my heart beats so damn fast.

Nabibingi ako sa lakas ng kabog. Gosh! Ganto na ba ka tindi epekto sakin ni Sky?

Ito pala yung nginunguso nguso ni Shin sakin.

Ramdam kong umupo siya sa tabi ko.

Bat ba di ako makagalaw? Di rin ako makatingin.

Nakita ko siya sa peripheral vision ko na may inilapag siyang isang box na may lamang...


Uwaaahh! Voo doo doll! ang ganda nya.

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon