Kabanata 15

345 36 7
                                    


Arki

Sa mga sumunod na linggo wala naman masyadong nangyari. Si Sky pinapakilig parin ako.

Si Shin at Hikaru ganun parin, asaran at bangayan. Oo nga pala, nasabi ko nga pala kay Hikaru yung nararamdaman ko para kay Sky. Supportado naman daw nya ako.

Yun nga lang, di ko pa pwede sabihin kay Sky. Natatakot kasi ako. Pano kung ako lang ang may nararamdaman sa kanya? Edi masasaktan na naman ako?

"Arki! Galingan mo ha?" Hikaru.

Oo nga pala, School fest namin ngayon. Alam nyo naman, Dart yung sinalihan ko. gagalingan ko para exempted ako sa first quarter exam. hihi.

"Good luck Akira" Shin

"Salamat." Sagot ko.

Asan na kaya si Sky? Nag promise sya na manunuod sya ng laro ko.

"Darating yun! Kaya mag relax ka muna." Sabi ni Hikaru.

Nginitian ko lang sya.. Sana nga dumating sya. Malapit na mag start eh.

"Akira, 10 minutes before we start." Sabi ni Miss P.

Tumango lang ako sa kanya.

Nasan ka na Sky?

Maya maya nagsi datingan yung makakalaro ko. May isa sa section namin. Bale dalawa kami. Meron din sa first to third year. Kung bibilangin fifteen kami lahat.

Alam kong common na sa iba kung pano laruin ang dart.
Pero sa larong to may first stage, second stage and third stage.
3 rounds bawat stage. Sa 3 rounds na yan, paramihan ng scores. Ang mababa syang matatanggal, at ang may mga highest score ang magcocontinue sa stage 2 to 3. Kapag naman sa final round kung sakaling makakasali ako pagsasama samahin ang score mula 1st to 3rd stage at ang score mo sa final stage. Kung mataas ang score mo, ikaw na ang panalo.

No score limit po ito. Di gaya ng totoong dart game na kelangan 501 or 300+ lang ang score, panalo ka na.

Pero dipende kung ilan kayong makakatapak sa third stage. Pag nasali ka sa third stage ikaw at ang iba pa ang maglalaro sa final stage. Kuha nyo? Kasi ako kuha ko eh ^^ wag nyo ko sisihin kung di nyo magets ah? Sinusunod ko lang yung nagsusulat nito.

See? Ibang iba sya sa kilala nating dart game diba? Ewan ko ba kay daddy. Andami nyang arte
magaling din si daddy sa dart. Kaya may pinagmanahan ako. mayabang ako eh, blehh!

"Ms. Yamato, its time." Sabi nung assistant ni Miss P.

Tumayo na ako, nagpalinga linga ako baka sakaling makita ko si Sky. Nalungkot ako kasi wala parin sya.

"Good luck Arki! FIGHT!!"
cheer sakin ni Hikaru. Buti pa sila andito.

"Tss.. Maglalaro lang si Akira babes! Di sasabak sa gyera." Shin.

Siniko lang naman sya ni Hikaru. Haha. Ang cute talaga nila. Nginitian ko lang silang dalawa.

Nagtungo na ako kung san kami maglalaro. Andaming tao, daig pang laban ni Manny Pacman.

Pati mga taga ibang school andito rin. Grabe talaga.

May kanya kanya kaming pwesto. Nasa panghuli ako. Nilingon ko ulit sina Hikaru at Shin. Nag thumbs up sakin si Shin tapos si Hikaru naman cheer lang ng cheer.

San ka na ba Sky? Di ko tuloy mapigilang malungkot.

"Good luck satin Akira."

Sabi ni Eva, classmate ko. Nginitian ko sya. Natuwa naman sya sa ginawa ko.

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon