Kabanata 6

450 45 14
                                    

Arki's P.O.V

Natapos na rin ang last subject namin. Sa wakas, makaka uwi na ako.

Bit bit ko na yung bag ko tapos niyaya ko na si Hikaru umuwi, ambigat ng bag ko. kakabigay lang kasi samin ng mga libro!

Palabas na kami ng room nang may tumawag sakin.

"Akira!"

Nilingon ko siya.

"What?"

Dali dali naman siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko.

"Hatid na kita." Nakangiti niyang sabi.

Nagkatinginan naman kami ni Hikaru.

"No thanks, kaya ko sarili ko." Tapos tinalikuran na sya. Ano bang nakain ng Sky na yun?

"Sige na please!" Pagpupumilit ni Sky.

"Pumayag ka na Akira. Makulit yang unggoy na 'yan." Singit ni Shin na nakangiti pa ng nakakaloko.

Tinignan ko si Sky. Para namang bata na kumikinang kinang ang mata.

"Fine! Papayag ako, basta Bitbitin mo gamit ko, tinatamad akong magdala eh."

Kita ko namang lumapad ang ngiti niya. Tsk! ba't ba ang kulit ng lalaking 'to?

Nilingon ko si Hikaru para magpaalam.

"Kita na lang tayo bukas Arki"

Tumango lang ako sa sinabi ni Hikaru.

"Tara na babe?" Nagulat si Hikaru sa sinabi ni Shin. Pati ako nagulat din pero di ko maitago na natutuwa ako.

"Yuck! Babe ka diyan! Sapak gusto mo?" Sabi ni Hikaru na naaasar.

"Ihahatid din kita eh!"

"Hoy! Tigilan mo nga ako! Kaya ko sarili ko!"

"Edi kaya! Psh!" Sabi ni Shin tapos nag walk out. Problema nun?

Si Hikaru naman nakatingin lang kay Shin na papaalis. Nagtaka rin ata siya sa inaakto ni Shin.

"'Yaan niyo na yun. Abnormal kasi yun." Sky.

"Pareho kayo." Bulong ko sa sarili ko.

"Ano sabi mo?"

"Wala! Sabi ko tara na!" Hinarap ko si Hikaru. "Sabay kana samin.'' Tumango lang siya..

Naglakad na kami palabas. Tahimik lang kaming tatlo.

Paglabas ng gate, una ko nang pinasakay si Hikaru sa taxi. Di kasi ako magtataxi ngayon.

"Bye Arki, ingat kayo, oy Sky yung kaibigan ko ha?" Pahabol ni Hikaru.

"Ako bahala." Sabi ni Sky tapos kinindatan niya si Hikaru.

Isinara ko na yung pinto ng taxi. Atsaka umalis na sila.

"So, san tayo sasakay?" Tanong ni Sky.

"Jeep. Mag para ka." Nagtaka naman siya kaya tinignan niya ako.

"What?" Sabi ko

"Akala ko kasi di ka sumasakay ng jeep." Pagkasabi niya nun, agad siyang naghanap ng jeep.

Nakapag para naman si Sky kaagad, pina una niya 'ko, tapos sumunod siya. Ang kaso 'di ko s'ya katabi! Magkaharap lang kami.

Hindi sa gusto ko siyang makatabi ah? Amoy putok kasi 'tong katabi ko. Tsk!

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon