Kabanata 1

745 56 16
                                    

Arki's P.O.V

"Tandaan mo apo, magpapakabait ka na okay? Ayaw kong ma disappoint ang mama mo sayo."

Paalala saakin ni Lola. yeah right! Di naman mahirap magpanggap sa harap ni mama eh.

"I will, La."

"Oh sige na aalis na yung eroplanong sasakyan mo pabalik sa pilipinas, mag iingat ka ha??"

Tumango lang ako at niyakap na si Lola, babalik na ako ng Pilipinas, parang 2years din akong nag stay dito States.

Nilingon ko si Lola para magpaalam ulit, Ang lungkot ni Lola. Mamimiss ko talaga siya.

Pagkapasok ko sa loob ng eroplano may tumulong saaking flight attendant para ilagay ang bagahe ko sa itaas.

Umupo na ako at inilabas ko ang cellphone at earphone ko para makinig ng music.

Biglang lumapit sa'kin yung tumulong sa'kin na attendant.

"Excuse, Ma'am. you're not allowed here to use your phone." Nakangiti pa niyang sabi.

Tinignan ko siya ng masama.

"Im not stupid okay? I know the rules of this airplane, I already change it into flight mode. So get off your fucking face!"

Nagulat naman yung flight attendant, Tapos nagmamadaling umalis.

Naalala ko, dapat mabait na ako for now.

Inilagay ko na yung earphone ko para makapagrelaks. Mahaba haba pa ang byahe ko.

**

Pagkababa ko ng eroplano, may sumalubong kaagad saakin sa airport, si Manong Roger, driver ni daddy. May dala-dala pa siyang poster na "Welcome back ma'am Akira" tch!

I'm sure si Daddy na naman nag-utos niyan.

"Ma'am, Ma'am! dito po!" sigaw ni Manong na halatang tuwang tuwa.

Lumapit naman saakin si kuya Roger para tulungan ako sa mga gamit at pasalubong na galing kay Lola.

"Ma'am, di ko po kayo nakilala kanina, nagdadalawang isip nga po ako kung lalapit ba 'ko o hindi. hehe, mas lalo po kayong gumanda" Aniya, masayahin talaga si Manong. palakausap din.

Binuksan ni manong ang pintuan ng kotse. Di ko na lang pinansin mga papuri niya.

Pumasok na ako ng kotse, pagod ako. Pinaandar naman kaagad ni Manong ang kotse.

Iilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay.

In love Si Bad Girl Kay Nerd Boy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon