Chapter One

98 4 0
                                    

Althea's POV

6:30 AM, June 01,2015

Pagpasok na pagpasok ko sa classroom, isang malakas na tilian na naman ng mga malalandi kong kaklase-mapababae man o mapalalaki-ang aking narinig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagpasok na pagpasok ko sa classroom, isang malakas na tilian na naman ng mga malalandi kong kaklase-mapababae man o mapalalaki-ang aking narinig... Naku, ang sweet na naman ata ng TiPhanie loveteam.

At tama nga ang aking hinala. Sabi saakin ng tsismoso kong kaklaseng si Gab, lumapit daw si Timothy kay Stephanie para humiram ng notebook sa Math. Eh leche ang babaw nila! Kung ako nga lapitan ni Timothy diyan wala lang akong naririnig na tili, tapos kapag kay Stephanie oo? Aba matinde ang loveteam nila.

Hindi lang ako naiingit. Nagseselos ako. Oo, aminado akong gusto ko si Timothy hanggang ngayon. Eh paasa ang mokong 'yun. Ngayon, fourth year na kami, siya pa rin ang gusto ko simula first year highschool. Nakakainis. Ni hindi niya ako matingnan o makausap man lang ng maayos. First year highschool. First year highschool kami nang sobrang bully ni Timothy sa akin. Syempre, sa una maiirita ako o maiinis pero may tsismoso akong kaklaseng nangangalang Gab ang kumalat ng sikreto ni Timothy na may gusto raw siya sa akin nung time na 'yun.

Eh sinong nilalang ang hindi mafa-flatter? AKO. I hated him to the point na iniwasan ko na siya. Siya naman, hindi mapakali. So isang araw, nung malapit na ang summer... he confronted me. And told me he likes me.

At ako? Ewan, doon na nagsimula ang nararamdaman ko. Parang ewan nga eh pero ganoon na iyon. Nung second year kami, mutual na ata kami kaso hindi ko siya pinapayagan manligaw kasi ang babata pa namin. Of course, we remained friends. Ganun 'yun.

But nung third year kami, ayun. Lumipat sa iba ang puso niya. Nung naging classmate namin 'yung babae from section B... si Stephanie.

Naging mas sikat loveteam nila kasi, etong si Tim ang lakas ng tama kay Steph kaya kahit saan sinusundan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naging mas sikat loveteam nila kasi, etong si Tim ang lakas ng tama kay Steph kaya kahit saan sinusundan. Nainis ako syempre. Then I called his number one night... I asked him if he doesn't have feelings for me anymore kasi ako, meron pa. but, he ended the call. All I did that night was to cry. Akala ko ok na lahat? Bakit ganun?

Yeah, we avoided each other na. We seldom talk to each other. We avoided each other's gazes. In short, we moved on. No scratch that, he moved on. At ako? Nganga lang sa kwarto. Pa'no ba mag move on? Hindi ako marunong, and I wasn't planning to.

I Still...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon