Chapter Four

36 3 0
                                    

Angelo's POV

5:30 PM

"PINILI KITA KASI GUSTO KO..." at naputol bigla ang gusto kong sabihin nang may narinig kaming nahulog na baso.

Pareho kami ni Althea napalingon kung saan ang direksiyon ng tunog.

At nanlaki ang mata ko nang makita si Stephanie na nakatayo at nanginginig.

"S-sorry... Ako na magliligpit ng kalat. Pasensiya na." Sabi niya at akmang luluhod ngunit pinigilan ko siya.

"Gamitin mo rin utak mo... Basag na ang baso. Subukan mo mang ayusin, masasaktan ka lang with all these shattered pieces." Pakasabi ko nun, sandaling katahimikan ang bumalot sa aming tatlo.

Tiningnan ko si Stephanie, medyo nagulat siya tsaka namumutla.

Tiningnan ko si Althea, nakanganga. Linapitan ko siya at isinara ang kanyang bibig.

"Ingat. Baka mapasukan ng langaw." Pagbiro ko.

"Eh kung maka-hugot line ka parang end of the world na." Half bulong half sigaw niya. Kung sabagay, may punto siya.

Kumuha ako ng walis at dustpan tsaka lumapit kay Stephanie.

"Ahh, Gelo. Ako na lang. Maaari na kayo umuwi ni Althea." Sabi ni Stephanie.

Napangiti ako ng bahagya. She still calls me Gelo.

"Ako na. Sige na. Pwede ka na makauwi." Sabi ko with all sincerity.

"No. Ako nakabasag." Pagpumilit niya.

"Huwag na."

"Pero-"

"Huwag ka na makulit, Anie." Pagkasabi ko nun, natigilan na si Stephanie at dahan dahang tumango.

"S-sige na nga. Salamat ha? Uwi na ako." Sabi niya tsaka labas ng kwarto.

Napangiti ako. At least nagawa ko na siyang kausapin man lang.

"Oy uwi na rin ako ha? Sabi mo ikaw na bahala niyan. Byeee~~" sabi ni Althea at akmang lalabas na ng clubroom nang hinawakan ko braso niya.

"Anak ng-! Ano problema mo?" Tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Problema ko ang mukha mo. Ang pangit pangit." Sabi ko pero biro lang.

Namula naman ang mukha ni Thea sa galit.

"Ano kamo? Akala mo porket gwumapo ka ngayon ganyan ka na kung makapagsalita?" Pikon din pala si Althea. Pikunin ko pa kaya.

"Totoo namang gwapo ako. Alam mo kung bakit ikaw pinili ko maging partner? Kasi naawa ako sa magiging partner mo. Baka hindi ka niya mapagtiyagaan. Buti ako matiyaga." Sabi ko.

"Buwiset ka Angelo! Mas pangit ugali mo!" Pasigaw niyang sabi.

"Ano? Aalis ka dahil napikon ka?"

"Oo! Diyan ka na! Che!" Sabi niya tsaka tuluyan nang lumabas. Napahalakhak na lang ako. Ang sarap biruin ang malditamg iyon.

Pagkatapos ko maglinis, ibinalik ko na ang walis at dustpan sa lalagyan. Kinuha ko na ang aking bag at lalabas na sana ng classroom nang may napansin akong dalawang matang nakatingin sa akin.

Lumingon ako ngunit wala namang tao. Biglang nagtaas ang aking mga balahibo. Agad kong isinara ang ilaw ng clubroom at li-nock ang pinto. Agad ako naglakad sa pasilyo nang hindi lumilingon kahit may nararamdaman akong presensiya sa aking likod.

Alam kong hindi totoo ang multo at hinding hindi ako maniniwala sa kanila kahit kailan pero kung naroon kayo sa sitwasyon ko ngayon... Matatakot pa rin kayo.

I Still...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon