Chapter Five

30 4 1
                                    

Althea's POV

-FLASHBACK-

(More than three years ago)

Nakailang buntong hininga na ako simula nung pumasok ako rito sa Leonardo Academy. First year high school na ako at aaminin ko, hindi ako komportable rito. Ewan ko ba. Feeling ko kasi eh.

Nasa first floor lang naman ang classroom namin kaya hindi ko na kailangan pang umakyat.

Bago pumunta sa classroom, pumunta muna ako sa locker room namin at inilagay ang iba kong gamit tulad ng extrang damit at tuwalya.

Paglabas ko, may nakita akong babaeng mukhang naliligaw. Agad niya akong nilapitan.

"Sorry po pero bago po ako rito. Gusto ko lang po magtanong ng direksiyon." Sabi niya at yumuko.

I smiled at her.

"I'm new too. Pero medyo familiar na ako rito kasi yung pinsan ko dito nag high school. Anong year at section mo ba?" Tanong ko.

"Uhh, sa I-Rizal ako... Hindi ko kasi mahanap ang classroom ko." Sabi niya.

"Oh magkaklase pala tayo."

"Talaga?"

Tumango ako bilang sagot. Akalain mo, kaklase ko pala itong naliligaw.

"I'm Althea by the way. And you are?" I asked her.

"I am Hailey. Pwede ba tayo maging friends?" Tanong niya.

"Best friends..." Sabi ko.

Didiretso na sana kami patungong classroom nang may tumamang maliit na holen sa ulo ko.

"Aray ko!" Sabi ko sabay hawak sa ulo.

"Althea, bakit?" Tanong ni Hailey.

Pinulot ko yung nahulog na holen na tumama sa ulo ko. Leche, mas malaki pa iyon sa ordinaryong holen na nakikita kong linalaro ng mga kaklase ko nung grade six.

"May nambato ng holen sa ulo ko." Inis kong sagot.

Maya maya'y may dumating na isang matangkad at gwapong lalaki.

"Ah miss, akin yung holen."

Ang kapal neto ah. Kung makaagaw ng kanya wagas. Eh hindi man lang nag-sorry.

"Saiyo pala ito. O eto saiyo na." Sabi ko tsaka hinagis yung holen palayo sa amin.

"Pwes hanapin mo. Iyong iyo na iyon kapag nahanap mo." Sabi ko sabay ngisi.

"What the-! Buwiset kang babae ka!" Sabi niya sabay walkout.

Tumawa lang kami ni Hailey ng nakakaasar.

"Siya na nga may kasalanan siya pang may karapatan magalit." Sabi ni Hailey habang umiiling.

Pumasok na kami ni Hailey sa classroom namin at umupo. May umupo rin sa tabi ko ngunit hindi ko na inintindi.

"Hey girls! I'm Gab! Pleasure to meet you." Sabi nung lalaking kakapasok lang sa loob. Inirapan lang siya ng karamihan.

Pumunta siya sa harap namin. Biglang napataas ang kilay namin.

"Ano kailangan mo, sir?" Sarkastikong sabi ni Hailey.

"Well-" naputol sasabihin nung Gab na yun nang pumasok na ang adviser namin kaya napilitan na si Gab na bumalik sa upuan niya.

"Good morning class, I am Mrs. Adelina Guevarra, your class adviser. Since most of you don't know each other yet, you can introduce yourselves with your seatmates then afterwards, one by one, you'll introduce yourselves in front of everyone." Dire-diretsong sabi ni Madam.

I Still...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon