Chapter Eight

30 3 0
                                    

Angelo's POV

-FLASHBACK-

(More than three years ago)

"Bukas na ang Valentine's Day! Samahan mo ako doon sa tindahan ng mga tsokolate. Bibili ako para kay Peter."

"Oo nga... Tapos bibigyan ko pa ng bulaklak si Mariel."

"Ah basta ako love letter para kay Patrick."

"Bumili ako ng teddy bear para kay Sabrina."

Napailing na lang ako habang nakikipagtsismisan ang mga kaklase ko tungkol sa reregaluhan nila bukas, na kaarawan ni Valentino.

"Ikaw Angelo, sino ang reregaluhan mo?" Napalingon ako sa nagtanong, sino itong babaeng ito? Nakalimutan ko ang pangalan. At mukhang nabasa niya nga ang isip ko.

"Ako si Yannah. Hello? Ilang buwan na akong nakaupo sa harapan mo hindi mo pa naaalala pangalan ko? Grabe ka. Back to the topic, sino reregaluhan mo?" Nakangiti niyang saad. Napailing ako muli.

"Wala. Aanhin ko ba iyan?" Napasimangot na lang siya nang marinig ang sinabi ko.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Sayang." Sabi niya.

"Ano?" Tanong ko uli.

"Wala." Sagot niya at umalis na sa harap ko para kausapin mga kaibigan niya. Napa-tsk na lang ako. Meron ba iyon?

Nang dumating na ang aming MAPEH teacher na siya ang unang subject namin, agad nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani kanilang mga upuan kasabay na roon si Stephanie.

"Okay class, find a partner with your opposite gender. For your output tomorrow, you and your partner will choose a song all related about love... Since tomorrow is Valentine's Day. Then both of you will sing it here in front. Pagkatapos, you will explain the song's meaning. Why is it part of our subject? Well, love is... Arts right?" Nakangiting saad ni ma'am. Haay... Porket bagong kasal si Ma'am, hinahawaan na kami ng magandang buhay niya.

Ipinatong ko ang braso ko sa aking armchair at ipinatong din ang aking ulo, showing that I'm not interested. Wala akong planong maghanap ng partner. Hihintayin ko na lang na i-pair up ako ni Ma'am sa isang babaeng walang partner. In fact, equal ang number of boys and number of girls dito sa klase namin.

"Okay, so everyone has a partner na? Oh, Mr. Fuentabella... Wala ka pang partner?" Lumapit si ma'am sa akin.

"Wala pa po akong nahahanap, ma'am..." Palusot ko at yumuko.

"Okay. Sino sa girls ang wala pang partner?" Tanong ni ma'am ngunit hindi ko na tiningnan kung sino.

"Sus! Katabi mo lang pala! Kung saang lupalop ka pa naghanap..." Nanlaki mata ko sa sinabi ni ma'am... 'Yung taong nasa left side ko ay lalaki so... Imposibleng siya iyon. At 'yung nasa right ko ay walang iba kundi si...

"Ms. Stephanie Villanueva, ang partner mo ay si Mr. John Angelo Fuentabella." Nakangising sabi ni Ma'am na parang nang-aasar.

"Uy!!!!"

"Ayiie!!!"

Naghiyawan at nag-asaran na ang mga kaklase namin... Pakingteyp... Shet... Yumuko na lang ako dahil namumula na ako sa kahihiyan.

I Still...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon