Althea's POV
-FLASHBACK-
(More than three years ago)
"Penpen de sarapen, Forever mo wala pa rin. Aw aw ang puso mo ay masakit... Pusong halang, mukhang pera. Pusong sawi, ubos salapi. Bugbog mo sarili mo na mukang tanga~~~"
Napataas na lang ang kilay ko sa pagkanta ng one and only Hailey. Anyare sa kanya?
"Hoy, bakit ka kumakanta... Valentine's na Valentine's..." Reklamo ko sa kanya.
"Trip ko kantahin ang sarili kong composition ngayong February 14... Walang basagan ng trip teh." Sabi niya at nag-round two pa ng pagkanta.
"Ang korni." I said, rolling my eyes.
"Ang KJ." She replied.
Hindi ko na siya pinatulan pa nung pinagpatuloy niya ang kanyang pagkanta. Wala na akong magagawa sa gustong gawin ng bruha.
Pumunta na lang ako sa locker area at naabutan si Timothy doon.
"Hoy babaeng kinulang sa height! Sinusundan mo ba ako?" Sigaw ng assuming.
"Masyado ka naman atang assuming. Never kitang susundan." Sabi ko.
Ang malas ko nga naman at one locker apart lang ang lockers naming dalawa ni Timothy.
Pagkabukas pa lang ni Timothy ng kanyang locker ay nahulog na ang iilan na love letters at tsokolate mula sa locker.
"Ang raming admirers... Tsk tsk." Sabi ko at napailing. Hay, buhay basketball player nga naman.
"Aish! Mga teammates ko sinabi pa ang password ng locker ko sa mga babae." Sabi niya at pinulot ang mga nahulog na sulat at chocolates.
"Uy panget! Hingi nga!" Sabi ko at inabot ang aking kamay.
"No way! Akin lahat ito! Tsaka alam ko namang may gift ka para sa akin... Alin kaya rito?" Nang-aasar niyang tanong. Inirapan ko lang siya.
"Asa kang bibigyan kita! Ako nga walang chocolates tapos ikaw bibigyan ko? Mas mabuti pang kainin ko na lang iyon kaysa ibigay saiyo." Sabi ko.
"Pft. Wala ka pang chocolates? Hahaha..." Sabi niya at tumawa.
"Pakialam mo?" Syempre, napikon ako at iniwan siya roon. Nambubwisit. Before ako bumalik sa classroom, nag-C.R. muna ako. Paglabas ko, nakatayo si Gab sa labas ng C.R. ng boys.
"Anong ginagawa mo rito? Malapit na mag-time ah..." Sabi ko sa kanya.
"Hinihintay ko lang si Timothy eh. Nag-C.R. lang." Sabi niya at ngumiti.
"Tch. Ang tanda na nagpapahintay pa." Sabi ko at napairap.
"Sus! Kung alam mo lang... May crush iyon saiyo kaya ganun siya... Kapag may gusto kasi iyon sa isang babae, inaasar niya."
Napangiwi na lang ako nang marinig ang sinabi ni Gab. Haist. Puro kalokohan na naman.
Pero ba't parang may isang parte ng puso ko na umaasang sana totoo iyon?
AMPUTSPA! Isip ko, tinatraydor mo ako!!!
Napasimangot na lang ako. Ang ayoko sa lahat ay ang pinagtitripan ko.
"Hindi ako naniniwala-" Naputol bigla ang sasabihin ko nang sumulpot ang panget.
"Hindi ka naniniwala saan?" Nakangising saad nung Timothy at umakbay kay Gab. Biglang uminit ang mga dugo sa loob ng aking mga kalamnan.
"Ikaw! Ikaw ang may pakana neto eh! Bwisit ka!" Sabi ko at tinalikuran sila. Naglakad na lang ako palayo ngunit rinig ko pa rin ang mga sinabi nila.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Timothy.
"Ewan." Sabi ni Gab pero alam kong nakangiti pa rin kahit nakatalikod ako.
Nung nag lunch break na, dumiretso ako sa locker area para kunin ang P.E. uniform ko.
"Uy liit! Bakit ka nandito?" Susmaryosep. Bakit ngayon pa?
Lord, pwede pong maging invisible muna po kahit isang araw lang po?
Hindi ko na lang iyon pinansin at binuksan ang aking locker. Pagkabukas ko, may nahulog na maliit na box. Kinuha ko iyon at binuksan.
Heart-shaped chocolate.
Napangiti na lang ako at itinago iyon sa aking bag. May dessert ako mamaya.
"Uy, akin kaya iyan galing. Wala man lang na thank you?" Tanong niya ngunit hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa cafeteria. Hindi ko kasama si Hailey kasi may activity daw sila na Disciplinary Club officers.
Naupo na lang ako sa pandalawahan na table at kumain ng lunch ko.
"Paupo liit." Bigla na lang sumulpot ang panget at umupo sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin.
"Ako gumawa nung chocolate. Hindi ko pa natitikman. I-Test mo kung masarap." Sabi niya ngunit wala akong pakialam. Pagkatapos namin kumain, kinuha ko na ang chocolate sa aking bag.
"Wala man lang na thank you?" Tanong ni Tim.
Pero, bakit kaya niya ako binigyan? Hindi kaya... Totoo yung sinabi ni Gab? O baka binigyan niya lahat ng classmates namin? Oo, baka nga.
"Thank you." Bulong ko pero narinig ni Timothy at napangiti siya.
"Great! May sasabihin din ako saiyo eh." Sabi niya at napakamot sa batok.
Kumagat na ako sa chocolate at talagang masarap nga. Kumagat ako muli.
"Ano kasi... Sorry sa lahat ng ginawa ko saiyo mula first day of school..."
Ang sarap ng chocolate. Nang malapit na mangalahati, kumagat ako sa gitna. Ngunit parang may nalalasahan akong iba... Parang...
"Ginawa ko iyon dahil may-" hindi ko na pinatapos si Timothy at nagsalita na.
"May caramel ito?!" Pasigaw na tanong ko. Nabigla naman siya pero tumango pa rin.
"Oo. Sa loob niyan linagyan ko ng caramel-"
"I knew it! Kaya pala binigyan mo ako nito eh kasi alam mong allergic ako sa caramel! This is all your fault, wala ka nang pag-asang magbago." Sabi ko at umalis sa cafeteria. Pumunta na lang akong C.R.
Anak ng tokwa. Nahihirapan na akong huminga... Hindi ko pa dala 'yung gamot ko. Kasalanan ito ng lokong iyon.
Paglabas ko ng C.R., nandoon si Timothy sa may pinto.
"Anong ginagawa mo?"
"Sorry Althea. Hindi ko naman alam-"
"Sorry?! Eh sinasadya mo naman eh. Please lang, huwag mo na akong kakausapin pa kung ang gusto mo lang gawin ay pagtripan ako. Maging matino ka naman please." Sabi ko. Napansin kong namumula na ang mga kamay ko.
"Uuwi na ako." Sabi ko at linagpasan siya.
Bwiset. Nang dahil sa chocolate na iyon at sa walanghiyang si Timothy, absent pa ako sa afternoon class ko.
A/N:
Short at minadaling update po. Sorry, tinamad ako. Pero back-to-back-to-back update ito ah? Salamat na lang po sa nagbasa at nag-vote at comment. :)
BINABASA MO ANG
I Still...
Teen FictionParehong pareho sila. Bitter na hopeless romantic. Kasi nga heartbroken. Parehong nagmahal Parehong nasaktan Parehong hindi pa nakakapag-move on At parehong pinagtagpo ng tadhana. By: WatashiwaShai_19