Chapter Two

53 4 0
                                    

Angelo's POV

6:15 AM, June 01, 2015

Maaga akong pumasok sa klase kasi first day of school ngayong fourth year ko dito sa Leonardo Academy. Agaw tingin ako sa hallway. Lahat ng mga girls napanganga habang 'yung mga boys, napa 'tsk' lang. Totoo nga, nag-iba na ako.

Yeah, ang dating Angelo na patpatin at payatot noong first to third year high school ay naging matipuno at gwapo na ngayong senior high

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yeah, ang dating Angelo na patpatin at payatot noong first to third year high school ay naging matipuno at gwapo na ngayong senior high. Eh ginawa ko naman ito dahil lang sa isang tao... sa isang babae. Ang tanging babaeng minahal ko. Si Stephanie. Ano nga ba nangyari?

Ah oo, first year pa lang, classmate ko na siya sa Section B. Sa totoo, nabalitaan ko na lang sa mga kaibigan niyang babae na crush daw ako ni Steph. Eh ako, hindi naniwala. Sino ba naman ang oo?

Pero noong Valentine's Day noon, she was the one who gave me chocolates then nagtapat. Nahiya tuloy ako. Babae pa ang umamin. Oo, crush ko rin siya eh. Actually, dati na. Ang ganda at ang talino naman niya. At nagulat ako nang malamang may gusto siya sa akin.

Natuwa ako na M.U. kami. Wala pa akong balak manligaw kasi, gusto ko muna makapagtapos before ko maligawan ang babaeng mahal ko. Hanggang nag second year kami, close pa kami. Kaso, nung nilipat kami sa Section A nung third year kami... doon na nagbago lahat, pati ang nararamdaman niya.

Nagkagusto sa kanya si Timothy, crush ng campus namin. 

Aaminin ko, na insecure ako sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aaminin ko, na insecure ako sa kanya. Halatang may abs eh kasi varsity player. Eh ako? Kumakanta lang at may banda kami. Nagustuhan ni Stephanie ang boses ko kaya nagustuhan niya ako. Eh sintunado nga iyan si Timothy tapos pinagpalit lang saakin? Aba matinde!

Valentine's Day nung third year kami nang tinanong ko siya ng harap harapan... kung may gusto pa siya sa akin kasi ako... hindi pa nawawala ang pagkagusto ko sa kanya. But guess what? She took me for granted. Dare lang sakanya 'yung maging crush ako. Hindi niya talaga ako gusto. At si Timothy lang ang gusto niya. And ayun, kahit sobrang mahal ng mga chocolates, itinapon ko. Lalaki ako, pero umiyak ako nun. Ewan ko, all this time akala ko mahal ako ng mahal ko. Pero nagkamali ako.

6:30 AM

"Ayieeeeeee!!!!! Si Stephanie pumapag-ibig na!" "Uy, si Timothy duma damoves na kay Steph!" Iminulat ko mata ko. Nakatulog pala ako. Anong nangyari? Ah alam ko na ata. Nanghiram si Timothy ng notebook kay Steph. And ayun, nagmala OA na mga dakila kong kaklase. I just looked outside the window. Ang lamig ng panahon kahit June. Nakita kong yinaya ni Tim si Steph palabas. Sumunod naman siya. Hay, ilang taon ba ko nagpakatanga? Dalawa? Tatlo? Ay, mag-aapat na ata. Kung hindi pa ako maka-move on ngayong taon.

Sana may professional na teacher ng mga puso 'no? kung meron sa tao, sa animals, at sa mga isip, sana mayroon din sa puso. Ang tanga niya kasi. Ni ang salitang 'move on' hindi niya alam.

Napansin kong tuwing pumapasok 'yung mga classmates ko, nabibigla silang makita ako. Siguro dahil nag-iba na ako. Yeah. Binago ako ng katangahan. I'm hopelessly waiting for the moment that the girl I love will notice me. But she didn't. and I hate her for being dense.

6:57 AM

Pumasok na sina Timothy at Stephanie na may kinakain na ice cream. Ang lamig lamig nag-i-ice cream sila? Hay. Nakakairita. Kung ako si Tim, binilhan ko na lang siya ng mainit na gatas. Hindi ice cream. Ang corny nila.

Two minutes later, may dalawang babaeng pumasok. Sina Hailey at... sino nga iyan? Ahm, si Althea! Oo, sila pumasok tsaka umupo sa bandang gitna. May isa lang akong napansin, titig na titig si Althea sa direksiyon nina Tim at Steph. Ano kayang meron? Na cu-curious tuloy ako. Ibinalik ko na lang atensyon ko sa dalawang nag-P-PDA. Sana magkasipon. Hiling ko. Oo, bitter na kung bitter.

Mga 7:00, pumasok na adviser namin. Wala akong ibang ginawa kundi titigan 'yung dalawa. Orientation pa lang eh.

"At may mga clubs dapat kayong salihan for clearance. Kung gusto magpalista, pumunta lang kayo sa office. Okay class?" Tumango lang ako... Nagugutom na ako. Gusto ko na mag-bell.

"And-" naputol sasabihin ni ma'am nang mag-ring 'yung bell, dapat nagsaya na ako dahil nag-bell na. Kaso, na-curious na naman ako sa sasabihin. Gusto ko rin kasi malaman 'yung tungkol sa clubs.

"Okay, class dismissed!" sinabi ni madam at dire diretsong lumabas. Sabay lumabas 'yung dalawang magka-loveteam. Sa tingin ko, inaya ni Timothy si Stephanie. Mabuti pa siya. Nayayaya si Steph ng walang pag-aalinlangan.

11:30 AM

Lumabas na ako sa classroom at dumiretso sa cafeteria. Agad akong nag-order ng sandwich at juice. Ganito lang ako kumain kapag lunch. Hindi dahil kapos ako. Naaalala ko kasi si Stephanie noon, lagi niya akong dinadalhan ng sandwich kapag lunch namin. Hindi ko nga inakalang dare lang lahat... 'cause it felt so real. Siguro magaling lang ata siya magpanggap. But I'm not mad at her. I can't. Mahal ko pa siya eh.

Pagkakuha ko ng order ko, puno na naman ang cafeteria. Usually, sa garden ako kumakain. Kaso may rine-renovate doon kaya hindi ako pwede doon. Kaya no choice, makikitabi ako. Sino kaya tatabihan ko? Mula sa malayo nadatnan ko sina Tim at Steph sa dulo. Silang dalawa lang nag-occupy ng by four na seats. Magkaharap eh.

Kaso ayokong tumabi. Magmumukha lang akong third wheel o kaya epal ng date nila.

Sa hindi kalayuan, nakita ko ang isang babaeng nakaupong mag-isa habang kinakain ang palabok na in-order niya. No choice, tinabihan ko siya, si Althea.

I acted that I didn't see her and started eating my sandwich. Siya naman, she looked at me weirdly.

"Excuse me sir? Reserved po 'yung seat na iyan sa kaibigan ko." She told me so I faced her. Mukhang nabigla siya na nakita ako.

"Wala nang bakante. And wala namang nakapangalan dito na reserved for your friend. So I'm welcomed to sit here. Don't get something you don't own." Sabi ko ng diretso ang tingin sa pagkain. Hay, hindi ko talagang maiwasang mang-hugot.

Alam ko na iniisip niya. Kung bakit ang lalim ng sagot ko? Kung bakit ang bitter ko? Kung may pinagdadaanan ba ko? Hindi ba halatang meron?

"Sorry naman. Eh di umupo ka na diyan. Basta bilisan mo pagkain mo. Baka bumalik na 'yung kaibigan ko." Paliwanag niya. Never did I become slow when it comes to her.

"Huwag ka mag-alala. Hindi naman ako slow. Kung gusto ko ang isang bagay, inuunahan ko na ang iba na kunin ito bago ako ang maunahan. " at saka hindi ako slow, pero iniwan pa rin ako. Gusto ko sanang idugtong.

"Ang layo na ng topic mo." Pag-amin niya. Oo nga pala, iba 'yung pinag-uusapan namin.

"Ay sorry. Nadala lang. Sige tapos na ako. See you at class." Sabi ko at akmang aalis pero pinigilan niya ako.

"Wait!" "What?"

"Ba't sandwich lang kinain mo? Diet ka ba?" tanong niya. I smiled at her. "Nope. Sanay na akong ganoon. Na laging kaunti na lang ang binibigay sa akin." I smiled wider left her dumbfounded.

Sanay na akong niloloko ng tao... kaya nga etong pagkatanga at pagmahal ko... binago ako.

I Still...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon