Chapter Seven

16 4 0
                                    

Althea's POV

Matapos ang crying session namin ni Angelo kanina, napagdesisyunan na naming maupo muna sa may puno. Napangiti ako ng bahagya.

Isang araw ko pa lang nakausap at nakilala si Angelo pero parang ang gaan na ng loob ko sa kanya... Hindi kaya... Kadugo ko siya? Ay ewan.

"So... Pwede mo bang sabihin sa akin ang naging relasyon niyo ni Timothy?" Diretsahang tanong ni Angelo pagkaupong pagkaupo namin. Napabuntong hininga ako. Wala naman atang problema kung mag-open ako sa kanya diba?

"Our love story was like something out of a fairytale. It happened in an unexpected way. Nung una, ayaw na ayaw namin sa isa't isa. Eh kasi para siyang adik at hindi ko type ang mga adik. Hanggang isang araw, nagbago nararamdaman ko. 'Yung inis napalitan ng kilig. Dati puro iwas ako sa kanya pero isang araw, hinahanap hanap ko siya. In denial stage pa ako noon syempre. Hindi ko kasi matanggap na may gusto talaga ako sa kanya. Kadiri kasi eh. Tapos... Nalaman ko na lang na... Gusto niya rin pala ako. Doon na nagbago ang miserable kong buhay. He treated me like a princess at maraming naiinggit sa akin dahil ang caring niya kahit hindi ko pa siya boyfriend. Hanggang sa... Isang araw, third year na tayo. May bagong dumating. Kayo ni Stephanie. Kung gaano ako kaswerte nung past school year, ganun din ako kamalas nung third year. Iniiwan niya na ako pag-lunch. Sinasabayan niya pa nga si Stephanie eh. Tapos pag-uwian, nakakasabay pa naman ako tulad ng dati kaso... Steph is now in the picture. Parang third wheel na lang ako... Epal... Ganun na lang nga. Kaya umiwas ako, hoping na mapapansin niya iyon kaso... It broke me na parang wala siyang pakialam. Hindi niya na ako tinatawagan, tinetext o kinakausap man lang. Ang sakit. Alam mo 'yung feeling na... Na-Ms. Colombia ka? Akala mo ikaw talaga 'yung panalo, 'yung wagi. Iyon pala, nagkamali lang siya. Ako pala 'yung sawi..."

Malungkot kong saad at pinunasan ang pisngi kong basang basa na. Lecheng luha naman oh! Ayaw magpaawat... Parang nagkakarera sila kung alin ang unang papatak.

I glanced at Angelo. Nginitian niya ako. Isang napakalungkot na ngiti.

"That's... Sad." Sabi niya.

"Mind telling me your story?" Tanong ko sa kanya. He chuckled bitterly pero tumango.

"I would love to tell you my Hell-like disguised as Heaven love story..." Naks ang bitter niya.

"... Kung ikaw Na-Ms. Colombia, ako rin. Kaso iba ang sitwasyon..." Sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko. What is he trying to say?

"What do you mean?" Tanong ko. I don't get it.

"Ganito kasi iyon... Patapusin mo muna ako. Diba para kang si Ms. Colombia? Akala mo ikaw ang mahal, iyon pala nagkamali lang si Timothy at mas pinili si Stephanie which is parang si Ms. Philippines?" Tumango ako bilang sagot.

"...Ako naman, para akong si Ms. Colombia dahil... Tulad niya, tinanggap ko ang korona, nagpaloko ako kahit alam kong mas magaling ang kalaban. Alam ko sa sarili kong hindi naman ako ang tipo ng taong mamahalin ng isang tulad ni Steph pero, naniwala ako. Uto uto kumbaga. Well, pwede ko namang tanggihan diba? But I didn't. I fell for the trap. Kaso ang pagkakaiba naman namin ni Ms. Colombia, hindi sinasadya ang nangyari sa kanya. Eh ako... It was all on purpose. All planned. At ako, bilang isang dakilang uto uto, fell for it." Sabi niya at napatawa ng mahina.

Ako naman, nagulat. Kaya ba iyang gawin ni Steph sa isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?

"Be more specific..." Mahina kong sabi but loud enough para marinig niya.

"... Una, siya 'yung lapit ng lapit sa akin. I didn't care because at first, I don't care about her. Hanggang sa mas nakilala ko na siya, at ang feelings ko sa kanya noon na 'just nobody' ay unti unting lumalalim pero hindi ko pinansin. Ang ginawa ko nun, linayuan ko na siya kasi natatakot akong mas lumalim pa iyon at mas mahirap nang makatakas. Kaya bago pa maging huli ang lahat, I avoided. Na-guilty nga ako kasi mag-isa na lang siya lagi sa table. Minsan nagtataka ako bakit hindi niya tinatabihan mga friends niya. Pero isa lang na-realize ko. Kung naramdaman mo na, you can't escape anymore. Dati ko na talagang naramdaman na may gusto ako sa kanya, kaya sinubukan kong lumayo. But as time goes by, mas lumalala kasi tsaka ko lang nare-realize ang worth niya para sa akin. Kaya isang araw, tinabihan ko na siya pag-lunch, hinayaan ko na ang sarili kong mahulog sa kanya..." Napa-gasp ako sa paliwanag niya. Kaya pala ang deep niya kadalasan.

"...One day, Valentines' Day... Araw ni Kupido, she confessed to me. I was the happiest guy that time. Tulad nung nangyari sainyo ni Timothy, I treated her like a princess kahit hindi pa kami. At siya naman, she goes with the flow..." Nakangiti niyang saad. Pero ang kanyang mga ngiti ay may ibang kahulugan para sa akin.

"... Then my worst nightmare came. Diba sabi nila after every rain, there will be a rainbow? Eh bakit para sa akin, nauna na ang bahaghari sa ulan? Linipat kami ng section. At iyon na ang section na kinabibilangan niyo ni Timothy. Noong una, walang problema sa akin kasi akala ko wala namang magbabago, pero ang rami palang magbabago. Tuwing lunch break, yinayaya siya ni Timothy kumain ng lunch. And ang masakit, pumapayag siya at hindi man lang ako sinabihan. Alam mo kung bakit? Kasi nung unang beses na niyaya siya ni Timothy, iyon din ang araw na napagkasunduan namin na kumain sa karinderya ng tita ko. Nauna ako doon kasi pinauna niya ako. At hindi ako kumain hangga't hindi pa siya dumarating. And she didn't. Late na nga ako sa afternoon class natin, hindi pa ako nakapag-lunch. At ang sobrang masakit, she didn't even apologized nor asked me if I already ate lunch. Nagpatuloy na iyon hanggang sa tuluyan na kaming hindi nagpapansinan. Actually parang siya lang ata. She treated me like air, parang wala lang... Parang hindi niya nakikita. Parang nonexistent." Napaluha siya sa sinabi niya.

"... Nung Valentine's Day, pinaghandaan ko iyon kasi pinangakuan ko ang sarili ko na I'll make it up for her. But damn! Kung dati, February 14 ang pinakaswerte kong araw, naging pinakamalas na! It was all... A dare... Para akong pinapatay ng dahan dahan habang pinapakinggan ang mga nonsense niyang paliwanag at apologies. At doon na nagsimula ang pagiging hugotero at bitter ko." Sabi niya at bahagyang tumawa.

"But after all of these na naranasan natin... Bakit kaya... Mahal pa rin natin sila diba?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

"Kasi may mga taong nasaktan na pero patuloy pa ring umaasa este nagpapakatanga. 'Yung iba kapag nasaktan, umaayaw na... Natututo na. Pero marami pa rin ang nagpapakatanga. At kasama na tayo doon." Sagot ni Angelo.

"Mukhang madilim na. Kailangan na nating umuwi. By the way, Angelo... Salamat sa lahat." Sabi ko at inabot kamay ko para sa isang handshaking session. Ngumiti naman siya pabalik at tinanggap iyon.

"Salamat din sa pakikinig sa istorya ko." Sabi niya.

Pagkauwing pagkauwi ko, in-open ko ang facebook account ko at hinanap ang profile ni Angelo.

Gelo Fuentabella

Gelo? Bakit kaya? Parang narinig ko na si Steph na tawagin siyang ganoon kanina sa clubroom. Pero hindi ko na iyon inintindi at in-add friend ko na. Hindi ko rin naman mapigilang i-stalk ang account ni Timothy.

Timothy Jake Suarez

Napangiti ako nang makita ko ang status niyang single pa rin. At least may pag-asa pa. At tulad ng sinabi kanina ni Angelo, kahit nasaktan na, patuloy pa rin akong magpapakatanga.

Author's Note:
Hey! Long update na mukhang short po etong chapter. Gets niyo? Paki-gets na lang po. Hindi ko ma-explain.

And dedicated to my bisprin @unusualunknowngirl57 kasi may deal kami! Iyon lang. Salamat na lang sa time mo na basahin etong chapter at etong note kong walang patutunguhan.

I Still...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon