Chapter Six

30 2 0
                                    

Angelo's POV

-FLASHBACK-

(More than three years ago)

Tahimik lang akong pumasok sa aming classroom. First year na ako and I'm more than excited to end my high school life. Ang sabi ng lahat, ang pagiging isang high school student ang pinakamasayang mangyayari saiyo. But para sa akin, I don't think so. Ayokong tumagal dito sa Leonardo Academy. Ewan ko kung bakit.

Umupo ako sa bandang likuran. Wala naman akong elementary classmates dito dahil bagong lipat lang kami sa lugar na ito. 

Hanggang sa nakuha ang atensiyon ko doon sa nagkukumpulang mga babae sa unahan. Parang naglalaro ata sila.

"Stephanie!"

Bigla namang sumigaw ang isa sa kanila nang may pumasok na babae sa aming classroom.

Mahaba ang buhok, maputi, petite ang katawan, at maganda.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa labas. Wala namang kwentang makipagkaibigan.

Pumasok na ang aming adviser.

"Good morning I-Bonifacio students. I am Mrs. Gina Veloso, your class adviser."

At nagsimula na ang cliché introduction namin. No choice naman ako kundi magpakilala. Pagkatapos ng aming short introduction, may sinabi si Madam.

"I-aarange ko kayo alphabetically. Sa pinakaunahan ay si Ian Luke Abraham. Ang sunod ay mauupo hindi sa katabi mo pero sa likuran mo. Siya si Maria Reina Armenta..." Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni madam at hinintay na lang na marinig ang aking pangalan.

"John Angelo Fuentabella, doon ka sa likuran ni Yannah Lory Flores." Naupo na ako sa assigned seat ko, sa pinakalikuran din naman pala. Hindi na ako nakinig at hinintay na lamang matapos lahat. Hanggang sa ang natira na lang ay ang katabi kong upuan, which is the last seat empty.

"And lastly, Ms. Stephanie Grace Villanueva, you'll be sitting there." Sabi ni Madam at tinuro ang bakanteng upuan na katabi ko. Tumango lang yung Stephanie at naupo na.

Nagsimula na mag-orient sa amin ang teacher pero hindi ako makapag-concentrate dahil sa pagpapasa-pasahan ng papel ng mga kaklase kong babae kay Stephanie. Uso pa ba ito? Conversation through letters? Hindi ko na lang iyon pinansin at itinutok ang aking pansin sa guro.

Nung nag-bell na, dumiretso na ako sa cafeteria at umorder ng lunch. Naupo na lang ako sa table na pangdalawahan since wala naman akong friends.

Nagsimula na akong kumain ng may umupo bigla sa bakanteng upuan sa harapan ko. Si Stephanie.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Pwede bang maupo rito?" Tanong niya. Tch. Magpapaalam ka kung kailan nagawa mo na.

Tumingin ako sa paligid. Ang rami pang bakante. Tumango na lang ako bilang sagot. Bigla namang sumaya mukha niya.

"Talaga? Ako pala si Stephanie. Kaklase mo-"

"I know." Pagputol ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa inasta ko.

"A-ah. Gusto mo ng sandwich? Eto o." Sabi niya at inabot sa akin ang sandwich sa akin. Umiling ako.

"No thanks." I said bitterly.

"Tanggapin mo na, Gelo." Sabi niya. Napataas ako ng kilay.

"Sinong nagsabing gawan mo ako ng nickname? Hindi tayo close." Seryoso kong sabi sa kanya ngunit imbis na mairita, ngumiti lang siya.

I Still...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon