Chapter Three

44 3 0
                                    

Althea's POV

1:00 PM

Ang bait ng Math teacher namin. First day na first day absent. Actually, thankful ako. At last, vacant period. Operation: matulog ng isang oras na! Ipinatong ko ang aking mga braso at ulo sa armchair at sinimulang ipikit ang aking mga mata... hanggang sa... ayun, sweet dreams.

"Thea, maniwala ka sa akin. Ikaw ang mahal ko. Ginagamit ka lang niya."

Nakarinig ako ng isang boses mula sa malayo. Iminuklat ko ang aking mga mata. Ngunit kadiliman lang ang aking nakita. Panaginip ba ito?!

"Thea, huwag kang madala sa kanya. Niloloko ka niya."

Ayan na naman. Leche, sino ka?! Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig.

"Thea, Thea, Thea!"

2:00 PM

At napansin kong parang gumagalaw ang paligid. Wow, parang totoong lumilindol dito sa dreamworld ko ah! Ang galling. At palakas ng palakas 'yung boses. Parang naiinis na.

"Thea!!!" bigla naman akong nagising nang nakaramdam ako na may bumatok sa aking likod. Sinamaan ko ng tingin si Hailey... siya may pakana neto eh.

"Kung makasigaw 'to, wagas." Sabi ko.

"Eh kung makatulog ka, wagas din. Kanina pa kita sinisigawan at yinuyugyog diyan pero tulog mantika ka pala. Ginising kita kasi nariyan na 'yung P.E. teacher natin." Sabi niya sabay turo sa lalaking nasa harapan na.

"Class, ang kailangan niyo lang naman ay notebooks. Wala na akong dapat i-explain because kilala na ako right?" sabi niya. May utak din siya 'no? Ni hindi niya naisip 'yung mga transferees dito.

"Pero dahil may transferees dito, ako nga pala si Mr. George Ramirez, P.E. teacher niyo at adviser ng Performing Arts Club. Kung interesado kayo mag-join, magpalista kayo sa clubroom, it's all about music and dance."

Hmm, I can dance naman eh and play the piano and guitar. Tinuruan kasi ako ng pinsan ko mag-gitara habang nag-summer lessons ako sa piano. Eh sa pagsayaw? Hindi masyado pero hindi rin naman pareho kaliwa ang aking mga paa. Sali kaya ako? Para maiba naman. Nung first year, sa Math Club ako kasi favorite ko 'yun nung grade six. Nung second year, sa Young Journalists' Club ako kasi pinilit lang ako ni Hailey. At nung third year, sa Cultural Research Club ako kasi... kasi... nandoon si Timothy at Steph. Sigh. Nakakailang buntong hininga na ba ako?

"Library Club naman tayo, Al." Sabi sa akin ni Hailey. Ang babaeng 'to. Hindi nagsasawa sa academics.

"Uhm, balak ko sana diyan sa Performing Arts Club eh. Doon ka na, pinagbigyan nga rin kita nung second year." Sabi ko.

"Ah, doon ba? Eh hindi ako marunong eh." Sinungaling na babae 'to. Nahihiya ka lang kamo. Marunong 'to kumanta. Ang ganda ng boses niya promise. Narinig ko kasi siya dati nung bumisita ako sa kanila. Nasa CR pa siya nun, naliligo... at kumakanta. Parang ewan nga eh. Pero maganda pa rin.

"Basta sumali ka, kung ayaw mong ipagkalat kong crush mo si Gab." Pagbabanta ko kahit hindi naman iyon totoo.

"What the-, eh hindi naman totoo 'yun ah?" sabi niya. Tsk, ang talino tapos ang slow. Eh kaya nga! Kasi hindi ko kilala crush niya kaya nag-imbento ako ng istoryang ikasisira niya. Ang sama ko na ba? Hihi.

"Kahit na. Maniniwala sila sa akin." panakot ko.

"By the way class, who are interested to join?" tanong ni sir.

Ang nagtaas ng kamay ay sina Gab, Lourdes, Jake, Diane, Hailey (napilitan), ako, Timothy, and Steph... wait, sina Tim and Steph nandoon?!

"Okay, so far, out of forty, siyam pa lang ang interesado." Sabi ni sir. Teka siyam?! Walo lang kaya. Marunong ba magbilang si sir?

I Still...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon