Naging napakamasunurin ni Pete sa lahat ng iutos ni Yumi. Walang problema dito ang gastos kaya naman nakabili sila ng magagandang materials para sa kanilang project. Palagi din siya nitong inililibre sa kung saan-saang restaurant kapag bigla itong ginugutom habang gumagawa sila ng project sa library. Hindi din ito nale-late sa usapan nila.
Minsan ay makulit parin ito. Pero kapag oras na ng trabaho ay talagang sineseryoso nito ang ginagawa. Dahil doon ay nabawasan na ang inis niya dito. Kahit paano ay medyo gumaan na ang loob niyang ito ang nakapartner niya sa project na iyon.
Since then, Yumi had softened up to Pete. Naging maganda na ang pakikitungo niya dito. Ang sabi ng iba nilang kaklase ay parang iba daw ang trato sa kanya ni Pete pero hindi naman niya iyon napapansin. Siguro ay dahil nasanay na lang siya sa ugali nito. Ilang linggo din kasi silang palaging magkasama. Ganoon kasi sa arki, o architecture, ang mga projects ay tumatagal ng ilang linggo bago ipasa.
Sa buong panahong iyon ay nalaman niyang matalino si Pete. Sa tingin niya ay mayroon lang itong mild case ng ADD o attention deficit disorder pero hindi siya sigurado. Para kasing mayroon ito ng mga symptoms ng ADD. 'Yun bang madaling madistract tapos hindi nito kayang manatili sa iisang lugar ng matagal. Hindi din ito masyadong attentive sa mga details kaya naman kailangan niyang palaging paalalahanan ito. Minsan kapag kinakausap niya ito ay bigla na lang parang lumilipad ang utak nito. Pero kung babalewalain niya ang lahat ng napansin niyang iyon ay masasabi niyang matalino talaga si Pete. Magaling ito sa math at napakacreative nitong mag-isip.
"Yumi, babe, tara, celebrate tayo," tawag sa kanya ni Pete pagkatapos ibigay sa kanila ng prof ang grade nila sa project.
"Hoy, Pedro, ayus-ayusin mo ang tawag mo sa akin ha?" pinanlakihan niya ito ng mga mata. Nasasanay na itong tinatawag siyang babe. Nagsimula lang naman iyon nang minsang mapagkamalan silang magboyfriend ng tindera sa isang karinderya malapit sa UST. Madalas kasi silang kumain doon noong gumagawa pa sila ng project. Dahil sa nangyari ay nakatuwaan siya nitong tawagin na babe.
"Oo na, babe, let's go."
"Pete!" kakaiba na kasi ang tingin sa kanila ng mga kaklase nila.
"Siya, siya, Bituin, tara na. Highest na nga tayo sa project ang sungit-sungit mo parin sa akin."
"Ano ba? Kailangan ba talagang Bituin ang itawag mo sa akin?" Hinampas na niya ito sa balikat.
"Aray naman! O sige, para mas sosyal, Star na lang," nagtawanan ang mga kaklase niyang nakarinig sa sinabi nito.
"Ewan ko sa'yo!"
"Pikon ka nanaman. Hay naku, Dessa, pagsabihan mo nga iyang kaibigan mo. Siya na nga itong ililibre eh nagtataray pa."
"'Wag mo ngang dinadamay si Dessa sa mga kalokohan mo," sita ni Yumi dito.
"Okay, tara na. Libre ko kayo."
BINABASA MO ANG
My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceWhen they were in college, Yumi considers Pete as the pain in the neck that never goes away. Makulit ito at may kayabangan. Granted na may karapatan naman itong magyabang dahil guwapo talaga ito at charming. And he knew quite well how to use those c...