Design Project Day 1

8.5K 214 2
                                    

KANINA pa patingin-tingin si Yumi sa kanyang suot na relo. Mayroon pang fifteen minutes bago mag-alas-dos ng hapon. She was supposed to meet Pete at the library at two in the afternoon. Pero as usual, traffic nanaman sa España. Kanina pa niya gustong bumaba sa sinasakyang jeep para maglakad. But it was too hot outside. Hindi naman sa nag-iinarte siya. It's just that her skin type was too sensitive. Kaunting bilad lang sa araw ay namumula na agad siya at nagkakaroon ng maliliit na freckles. It was a price to pay for being a half breed.

Napangiwi si Yumi sa naisip pagkatapos ay natawa. Half-breed? Really? She sounded like she was describing a dog. But whatever. Napangiti na lamang siya nang sa wakas ay umandar na ang mga sasakyan. Hindi nagtagal ay naroon na siya sa tapat ng kanilang paaralan. Yumi arrived at the library at exactly 1:55.

"Yumi!"

Agad na nilingon niya ang tumawag sa kanya. It was Pete. Muli siyang napatingin sa suot na relo. It was 1:57 now.

"Don't worry, hindi ka pa naman late."

"Alam ko," mataray na sagot ni Yumi.

Ngumiti ng malapad si Pete at sandaling parang nakalimutan niya na naiinis siya dito. He really looked like a charming angel when he smiled like that. Pero bigla na lang ay naging pilyo ang pagkakangiti nito. Now he just looked like the devil.

"See? I told you I won't be late." Pagkasabi niyon ay kumindat pa ito.

Napabuntong-hininga na lang si Yumi.

This is going to be a long day.

"Tara na sa loob?"

Umiling si Yumi. "Hindi, bibili muna tayo ng mga materials."

"Okay," nakangiti pa rin wika nito.

"Nagdala ka ba ng extra money? Binigay ko na sa'yo kahapon ang breakdown of expenses pati ang total."

"Yup," simpleng sagot nito saka siya hinawakan sa siko.

Nakataas ang kilay na tiningnan ni Yumi ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Asuncion, ano yan?"

"Ha?"

Itinuro ni Yumi ang kamay nito.

"Akala ko ba bibili tayo ng materials?" takang tanong nito.

"Oo nga, eh bakit may pahawak-hawak ka pa?"

There goes his grin again. "Inaalalayan ka, ano pa ba?"

Napatunganga si Yumi dito.

"Ano naman ang tingin mo sa akin? Walang kahit maliit na dugo ng pagiging gentleman sa katawan?"

Hindi siya sumagot. Hindi na niya kailangang sumagot dahil kitang-kita na sa mukha niya ang sagot.

"Really?" muling tanong ni Pete.

Nang-aasar na ngumiti si Yumi. "Okay lang yan, Pete. You don't have to pretend on my account."

"I wasn't pretending."

"Whatever."

"Yumi."

"Tara na, nasasayang lang ang oras natin dito," aniya saka nagpatiuna na sa paglalakad.

Ngunit nakakailang hakbang palang si Yumi nang maramdaman niyang nakahawak nanaman si Pete sa isa niyang siko. Pinilit niyang bawiin ang siko pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Pero kung inaakala ni Pete na basta na lang siyang susuko ay nagkakamali ito. Pagkatapos ng ilang hakbang ay siniko niya ito sa tiyan.

"Agh! Yumi—"

"Shut up, Pete."

"Ouch, my abs..." reklamo nito habang hinihimas ang tiyan nitong tinamaan niya.

Pinaikot ni Yumi ang mga mata. "Ang OA mo ha," aniya saka lalong binilisan ang paglalakad.

Nakaagapay naman agad si Pete at sa pangatlong pagkakataon ay hinawakan nanaman nito ang kanyang siko. Nang tangkain niya itong sikuin muli ay mabilis na nakaiwas ito. Ilang sandali pa ay hinihila na siya ni Pete patungo sa kabilang direksiyon.

"Pete, ano ba?"

"Mali yang dinadaanan mo eh."

"Anong mali? May bookstore doon sa Dapitan na pwede nating bilhan ng mga materials."

"I know another place," tanging sagot ni Pete habang mahigpit na hawak parin siya sa siko.

"I'm surprised you actually know something."

"Really, Yumi? That's a low blow."

Napapahiyang ngumiwi si Yumi dahil alam niyang tama ito. Medyo below the belt nga ang sinabi niyang iyon dahil alam nilang pareho na kahit pa gaano katamad si Pete ay matalino ito.

"Whatever," umirap pa siya para takpan ang pagkapahiya. "Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mong bookstore?"

"Oo naman, some friends told me about it."

"Friends?"

"Oo, yung mga nakakalaro ko ng bilyar na seniors galing sa Fine Arts. Sila ang nagsabi sa aking tungkol sa craft store diyan sa P. Noval. Lahat daw ng kakailanganin natin ay makikita doon."

"Fine, siguraduhin mo lang na tama yan ha? Ang dami na nating nasasayang na oras," pairap na wika ni Yumi habang si Pete ay nakangising tumingin lang sa kanya.

"O ye of little faith." Then he looked away. Lalo lang tuloy nainis si Yumi.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon