Listening

7.4K 217 0
                                    

"YUMI, ipaliwanag mo nga kay Pete itong bagong design. Wala kasi siya nung pinag-usapan natin 'to eh," ipinakita sa kanya ng kaklaseng si Ricky ang design na nakadrawing sa scratch paper nila. Kasalukuyan silang nagdedecorate ng kanilang float para sa float parade na gaganapin sa nalalapit na Arki Week.

"Bakit ako pa? Andiyan lang naman si Pete o," itinuro niya ang pwesto ni Pete. "Ikaw na ang magsabi sa kanya."

"Ikaw na, Yumi. Mas nakikinig 'yan kapag ikaw ang nagsasabi."

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Nasubukan mo na bang ipaliwanag sa kanya 'yan?"

"Oo naman, ilang beses na. Pero wala talaga siyang tyagang makinig sa akin. Nadidistract agad sa kung anu-ano. Sa'yo lang naman nakikinig ang kaibigan kong 'yan eh."

"O siya, akin na nga 'yan," inabot nito sa kanya ang hawak na papel. "Ikaw na muna ang magtuloy ng ginagawa ko," aniya bago lumapit kay Pete.

"Hoy, Pedro, ano itong nababalitaan kong hindi ka daw nakikinig kay Ricky nung pinapaliwanag niya ang bagong design ng float?"

"Ha? Eh ang gulo niyang magpaliwanag eh."

Tila narinig naman ni Ricky ang sinabi nitong iyon kaya bigla itong nagreact. "Anong magulo? Ikaw nga diyan ang may pagka-autistic eh," pang-aasar nito.

Sa halip na mapikon ay ngumiti lang si Pete. "'Wag mo na lang pansinin si Ricky. Sinisiraan lang ako niyan."

"Ulol!" binato ito ni Ricky ng papel.

"Tumigil na nga kayong dalawa," naupo siya sa tabi ni Pete at ipinakita ang hawak na design. "Wala ka kasi nung pinag-usapan namin ang tungkol sa bagong design na 'to." Isa kasi ito sa mga nautusan para bumili ng materials noong nagmeeting sila.

"Halos pareho lang naman ah."

Pinaikot lang niya ang mga mata bago nagsimulang ipaliwanag dito ang mga nabago sa kanilang design. Ito naman ay tahimik na nakinig sa kanya. Actually, medyo napapansin nga ni Yumi na tama si Ricky. Parang sa kanya lang nakikinig si Pete kung minsan. May mga pagkakataon din na nahuhuli niya itong hindi nakikinig sa prof nila. Pagkatapos ng klase ay saka siya nito yayayain sa library para magpaturo. Ayon dito ay mas naiintindihan daw nito kapag siya ang nagpapaliwanag. It was kind of weird.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon