Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

The Gift

8.3K 224 16
                                        

"PETE!" nanggigigil na tawag ni Yumi sa pansin ni Pete. She really couldn't believe this guy. Tila balewala lang dito na gumastos ito ng malaki.

"Just don't mind it, Yumi," seryosong pahayag nito habang patuloy parin sa paglalakad patungo sa carpark.

Ngayon lang niya ito narinig na gumamit ng ganoong tono. Parang hindi iyon maganda sa kanyang pandinig. Nasanay kasi siyang palagi itong nagbibiro at masayahin. Hindi tuloy niya alam kung ano ang isasagot.

"Siguro mas mabuti kung kila Dessa na lang ako sasabay. Hindi pa naman siguro sila nakakalayo, itetext ko na lang siya."

"Nonsense, ako na ang maghahatid sa'yo. On the way lang naman sa condo ko ang bahay niyo."

"Okay."

Nagpatuloy ang tahimik na paglalakad nila. Naninibago nanaman siya sa pagiging tahimik nito. It's just not normal.

Maya-maya ay biglang tumigil ito sa tapat ng isang Ferrari. Ang akala niya ay sisipatin lang nito iyon. Alam kasi niyang mahilig si Pete sa mga kotse. Ilang beses din niyang nawitness na halos kuminang ang mga mata nito kapag may nakikitang magagandang sasakyan. Kaya naman nagulat siya nang bigla na lang itong lumapit sa Ferrari at inabot ang passenger door.

"Teka, ano'ng gagawin mo?"

"Bubuksan ang pinto," seryosong sagot nito sa halip na ang inaasahan niyang signature boyish smile nito.

"Pero... Bakit? I mean, sa'yo 'to?" Bilang sagot ay tuluyan na nitong binuksan ang kotse. "What happened to your old car?"

Nagkibit ito ng mga balikat saka siya iginiya pasakay. Nawi-weirdohan talaga siya sa inaakto ni Pete ngayon. Alam niyang mayaman ang pamilya nito katunayan na ang pagkakaroon nito ng kotse kahit na estudyante pa lang ito. Pero hindi niya alam na ganito pala sila kayaman.

He had a Ferrari for Pete's sake! No pun intended.

Umaandar na ang kotse nang tila maisipan nitong magsalita.

"Yumi, alam mo ba kung ilang taon na ako?"

"Ha? Ahm, bakit mo tinatanong?"

"Nothing, I just thought you should know. Teka, ilang taon ka na ba? Twenty-two? Well, I'm already twenty-five. Ang akala ng mga magulang ko ay hindi na ako makakagraduate ng college, much more makasama sa top ten ng board exam. Kaya sa sobrang tuwa nila ay binilhan nila ako ng bagong kotse."

Napakaseryoso ng anyo nito habang nagsasalita. Ngayon lang niya nalaman ang tungkol sa mga sinabi nito. Hindi kasi ito nagku-kwento ng tungkol sa pamilya nito. Kahit nga nang magkaroon sila ng outing na buong klase at naisipang mag-inuman, ni hindi nila ito napagsalita kahit katiting. Halos lasingin na nga ito nina Ricky noon pero wala talaga.

"Eh bakit parang hindi ka masaya? Diba mahilig ka sa magagandang sasakyan?"

"Wala lang, it just reminded me of why I left home in the first place."

Hinintay niyang magpatuloy ito pero hindi na ito nagsalitang muli. Nahihiya naman siyang magtanong. Hindi kasi niya alam kung paano i-handle ang Pete na kasama niya ngayon. Ibang-iba kasi ito sa Pete na kilala niya. He seemed like an entirely different person all of a sudden.

Narating nila ang kanilang bahay nang hindi namamalayan ni Yumi. Naramdaman na lang niyang tumigil na sila at bumaba si Pete upang pagbuksan siya ng pinto. Nanibago nanaman siya. Sa ilang beses na naihatid siya nito sa duration ng college years nila ay hindi pa siya nito ipinagbukas ng pinto kahit kailan.

"Thank you," pinilit niyang ngumiti kahit na naiilang. Napansin din niyang pinagtitinginan sila ng mga kapitbahay nilang nakatambay sa kanya-kanyang bakuran ng mga ito. Masyado naman kasing high-profile itong Ferrari ni Pete.

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon