First Day of Class

23.1K 339 15
                                    

UNANG araw nanaman ng klase. Isa iyon sa mga araw na pinaka-ayaw ni Yumi.Nangangahulugan kasi iyon na kailangan nanaman niyang humarap sa mga kaklase upangmagpakilala sa mga ito. She hated doing that. Hindi talaga siya sanay na nagsasalita sa harapng madaming tao.

Napapabuntong-hiningang itinutok na lang niya ang mga mata sa kaklase niyang kasalukuyangnagpapakilala. He was a tall guy. Mukhang mas matangkad ito kumpara sa iba nilang kaklaseng lalaki. Mukha din itong matured.

"Hi, classmates!" kumaway pa ito na tila nagpapacute. Nagsibungisngisan ang ilan niyang kaklaseng babae. Mukhang nagkacrush agad ang mga ito sa nagpapakilalang kaklase. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Guwapo at mukhang mayaman ang kaklase nilang iyon. "My name is James Peter Asuncion, but you can call me Pete. Ayoko kasi ng JP eh, it's too common," ngumisi ito. Iyong ngisi na para bang alam na alam na nito kung ano ang epekto niyon sa mga babae. Kinikilig nanamang nagsipagngitian ang mga kaklase niyang babae.

Hindi na lang niya iyon pinansin. At kahit pa siguro gusto niyang makisali sa nabubuong fans club ng Pete na iyon ay hindi niya magagawa. Paano kasi ay mas nangingibabaw ang kanyang kaba dahil sa nalalapit na pagpapakilala sa harapan ng mga kaklase.

Ano ka ba naman, Yumi? First year college ka na ngayon. Ilang taon mo na itong ginagawa. Hindi ka pa ba nasasanay?

Sa totoo lang ay hindi lang iyong tungkol sa pagharap sa madaming tao ang kanyang ikinakakaba. May isa pa siyang inaalala maliban doon. At iyon ay ang pagbanggit niya sa buo niyang pangalan. Kahit siguro sinong tao na may pangalang Bituin Mayumi Carson ay mahihiya lalo pa at hindi siya mukhang purong Pilipino.

She was half American and half Filipino. Ang kanyang amang si Philip Carson ay isang music teacher. Nakarating ito sa Pilipinas at nakilala ang kanyang ina nang maging visiting professor ito sa isang kolehiyo kung saan naman nag-aaral noon ang kanyang inang si Conchita. To cut the story short, her father fell deeply in love with her mother. And along with that, he also fell in love with the Philippines.

Philip embraced everything about the Philippines. Sa katunayan ay magaling magtagalog ang kanyang ama kahit pa ipinanganak at lumaki ito sa ibang bansa. Isa na marahil na dahilan ay ang pagiging Filipino teacher ng kanyang ina. At malamang ay iyon din ang dahilan kung bakit siya pinangalanan ng mga itong Bituin Mayumi. Pero hindi naman siya nag-iisa sa dilemma niyang ito. Ang nakatatandang kapatid niyang lalaki ay pinangalanan naman ng mga itong Dakila at ang bunso nila ay Habagat.

Hindi naman sa ayaw nila sa kanilang mga pangalan. Okay lang naman sana na ganoon ang pangalan nila. Kaso napaka-awkward talaga niyon lalo pa at halatang-halata na may dugong banyaga silang magkakapatid. Napakamestiza at mestizo nilang tingnan tapos ganoon ang pangalan nila.

Yumi had grayish eyes and her skin was a little pale. Matangos din ang kanyang ilong. Pero ang kanyang buhok ay itim na itim. Matangkad din siya kumpara sa kanyang mga kaedad na babae. At kahit na seventeen pa lang siya ay pwede na siyang pumasa bilang twenty years old. Isang napakalaking kontradiksyon talaga ng pangalan niya at ng pisikal niyang itsura. Bata pa lang siya ay napansin na agad niyang may kakaibang mga reaksiyon ang ibang tao sa tuwing binabanggit niya ang kanyang buong pangalan. Kaya naman palaging Yumi lang ang pakilala niya sa mga bagong kakilala pero hindi pwede iyon sa klase. Kailangan talaga niyang banggitin ang buo niyang pangalan. That's why she never got fond of the first day of class.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang may kumalabit sa kanya. Siya na pala ang tinatawag ng kanilang professor. Alanganin ang ngiting naglakad siya papunta sa harapan.

"Good morning to all of you," Yumi said with a perfect American twang. "My name is Bituin Mayumi Carson," sandaling tumigil siya upang tingnan ang reaksiyon ng mga kaklase. Ang ilan sa mga ito ay nangingiti habang ang ilan ay tila naguguluhan. "Yumi for short. I'm only half American kaya marunong akong magtagalog. At dito din ako lumaki sa Pilipinas." Sinubukan niyang ngumiti ng mas malapad. Magtatagumpay na sana siyang gawin iyon kung hindi lang napabaling ang paningin niya sa isang kaklaseng halatang nagpipigil na matawa ng malakas.

"Sorry," tila hindi na nito napigilan pa ang pagtawa. "Hindi lang ako makapaniwala na ganoon ang pangalan mo." Natawa nanaman ito ng mahina.

She felt insulted. Kumunot ang noo niya nang mapagsino ang walanghiyang tumatawa sa kanyang pangalan. It was that tall guy. Ano nga ba ang pangalan nito? Ah, Pete. Bakit nga ba niya naisip na guwapo ito kanina?

My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon