PAGDATING sa parking lot ay nag-aalalang hinanap ni Yumi ang kotse ni Pete. Mabilis na nagtungo siya sa kinaroroonan niyon at humarang sa harap nito. Agad namang lumabas si Pete mula sa kotse.
"What the hell do you think you're doing? You could have gotten yourself killed!" lumapit ito ng husto sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Sa halip na mainis ay napangiti lang si Yumi sa nakikitang concern sa mga mata ni Pete.
"What are you smiling about?"
"You."
Kumunot ang noo nito. Para namang lalo lang gumuwapo si Pete sa paningin ni Yumi dahil sa ginawa nito. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling haplusin ang noo nito.
"Yumi..."
"I don't like it when you call me that."
"Nagkakamali ka yata. Hindi ba ang ayaw mo ay kapag tinatawag kita ng babe o Star?"
Umiling-iling si Yumi. "I think I'm starting to like them better than Yumi."
"Yumi..." pinagtaasan niya ito ng kilay. "Babe?"
"Yes?" nakangiting sagot ni Yumi.
"Bakit ka sumunod dito?"
"Dahil ayokong umalis ka. Ayokong umuwi ka sa Aurora. Ayokong magresign ka."
"But, babe, I really have to."
"No, you don't. Sinabi sa akin ng mama mo at ni Justin na kaya mo naman daw i-handle ang mga trabaho doon kahit na may trabaho ka dito sa Manila."
"You don't understand. Hindi ang trabaho ang hindi ko na kayang i-handle. It's my feelings for you."
"What do you mean?" parang gusto nang maiyak ni Yumi.
"I can't do it anymore, babe. I'm sorry," Pete said softly.
"You can't do what?"
"Love you from afar."
"Why do you have to love me from afar when you can love me up close?" Okay that sounded really lame, pero wala nang pakialam si Yumi. She even linked her fingers on the collar of Pete's shirt and pulled him close.
"I really can't. Not when you can only see me as a friend."
Teka, saan nanggaling iyon? "Ha? Saan mo naman napulot ang ideyang 'yan?"
"Sa'yo, narinig ko mismo galing sa'yo noong nag-uusap kayo ni mama."
Nanlaki ang mga mata ni Yumi sa isinagot ni Pete. So he did hear them that time. Pero ang tamang tanong yata ay ano ang mga narinig nito? She did remember telling his mom that they were just friends. Pero wala siyang natatandaang sinabi niya na isang kaibigan lang ang tingin niya kay Pete.
"For a smart guy, you really are stupid sometimes." Muli niyang hinila ang collar ng damit nito. "Sinabi ko nga sa mama mo na magkaibigan lang tayo, which is true. Wala naman talaga tayong relasyon. I just wanted to set the record straight."
Muling lumungkot ang mukha nito kaya agad na idinugtong niya "But it doesn't mean na hanggang pagiging kaibigan lang ang nararamdaman ko para sa'yo. As a matter of fact, I think I kind of agreed na sasagutin kita agad kapag nagtapat ka na sa akin."
"Kind of agreed?"
Tumango si Yumi. "I didn't exactly say yes to her nang hilingin niyang sagutin agad kita. But I also didn't say no. So I just kind of agreed."
"Na sasagutin mo ako kapag nagtapat ako sa'yo?" Pete's grip on her shoulder relaxed a little. Pagkatapos ay naramdaman niyang bumaba ang kamay nito patungo sa kanyang bewang.
"Yup, sasagutin kita ng either yes or no. Hey, I was just kidding." Agad na wika niya nang akmang lalayo sa kanya si Pete. Then she adjusted her hold on his shirt collar. She decided to just lay her hands at the back of his neck. "I was only kidding, okay? So wala ka bang aaminin sa akin?"
"Akala ko ba naamin na nilang lahat para sa akin?" napataas ang kilay niya sa sinabi ni Pete. "I'm sure nakausap mo na si Sir de Guzman. Siguradong nilaglag na ako nun sa'yo. Pati sina mama at Justin. Idagdag pa 'yung dalawang naiwan sa loob." Tukoy nito kina Ricky at Dessa.
Yumi grinned before nodding. "So, 'yung tinanong mo kay Ricky kanina. 'Yung tungkol dun sa lalaki na in love sa isang babae for the longest time. Was that you?"
"What do you think?" Napangiti si Pete saka siya hinapit sa bewang.
"I think it's romantic," sagot ni Yumi habang nakangiti din.
"Romantic lang 'yun kapag nagkatuluyan sila."
"Ah, tama, romantic nga. Kasi sigurado namang magkakatuluyan ang mga 'yun eh."
"Paano ka naman nakakasigurong magkakatuluyan nga sila?"
"Kasi sinabihan ko na si Sir de Guzman na siya na ang bahala sa resignation letter mo. Saka sigurado akong isang tawag ko lang sa mama mo at kay Justin, kukuha agad ang mga iyon ng dagdag na tauhan kung kinakailangan. So you won't have any more reason to go home."
"Akala ko ba sabi mo my home is where my heart is?"
Lalong lumapad ang ngiti ni Yumi. "That's right."
"Then that means I'm already home," ani Pete saka masuyong hinaplos ang kanyang pisngi.
"I love you, Pete. I think I always have pero hindi ko lang pinapansin."
"Did you just realize that when you thought I was going away?"
Umiling si Yumi. "Hindi ah, matagal na. Noon pang bago ka umuwi sa Aurora. Nung pumunta ka sa bahay para magpaalam sakin. Nung binigyan mo ako ng maliit na teddy bear."
"Nung hinalikan kita na tulad ng ganito?" Then he proceeded to demonstrate how he kissed her that night.
Yumi thought it was the same yet different. Noon kasi confused pa siya. Ngayon ay siguradong-sigurado na siya sa nararamdaman niya para kay Pete. And it just made the kiss that much sweeter. Definitely much, much longer, too.
"I love you, Star. I can't even begin to describe how happy you're making me right now."
"I'm so happy, too."
"Talaga? Eh bakit mukhang naiiyak ka?"
"Masaya kasi ako."
Pete kissed her again while whispering words of love.
"Psst, ano? Okay na kayo diyan? Ano na ang irereply ko dito sa mga nagtatanong kung nagkaayos na kayo?"
"Ano'ng sabi mo?" bumaling si Yumi sa nagsalita. She was even surprised that she could still talk after the way Pete kissed all the air out of her lungs.
Ricky and Dessa was standing a few feet away. Si Dessa ay may hawak na cell phone. "Wala, okay na. Kinunan ko na lang kayo ng picture at ipinadala sa mga nagtatanong. Ang hassle pa kasing ikwento kung ano na ang nagyayari."
"Sino'ng mga nagtatanong?"
"Wala, pare. Sige iwan na namin kayo." Hinila na ni Ricky si Dessa na mukhang may balak pa yatang kunan silang muli ng litrato.
"I just love those two," nangingiting wika ni Yumi.
"I don't care about those two. All I care about right now is I love you. And I want you to marry me as soon as possible."
"As soon as possible?"
"Yes, I've been pining for you for seven years already. 'Wag mong sabihing dadagdagan mo pa ang paghihintay ko?" kunwa ay reklamo ni Pete.
"Sabi ko nga kahit bukas na tayo magpakasal kung gusto mo eh."
"That's more like it." Then Pete continued kissing her in the parking lot. It was dark and cold, but for Yumi, it felt like the most romantic place. And it's all because she was in Pete's arms, where she will always be for the rest of their lives.
BINABASA MO ANG
My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceWhen they were in college, Yumi considers Pete as the pain in the neck that never goes away. Makulit ito at may kayabangan. Granted na may karapatan naman itong magyabang dahil guwapo talaga ito at charming. And he knew quite well how to use those c...