SINCE that first time they did a project together, madalas nang maging kapartner o kagrupo ni Yumi si Pete. Parang palaging pinipili nitong makasama siya sa grupo. Wala namang problema iyon sa kanya dahil sanay na siyang katrabaho ito. Saka kahit na paminsan-minsan ay naiinis parin siya dito ay nabuo na ang tiwala niya dito. Alam niyang hindi ito magpapabaya.
Nakakailang hikab na si Yumi habang naglalagay ng finishing touches sa project nila. Bakit ba kasi ganito ang aura sa library? Parang mas inaantok pa siya imbes na ginaganahan.
"Babe, bukas na kaya natin tapusin ito tutal next week pa naman ang deadline," ani Pete na nakapwesto sa tabi niya.
"Ayoko, dapat matapos na natin ito ngayon para wala na tayong iisipin pa. At para makatulog na ako ng mahimbing."
"Kung hindi mo napapansin malapit ka na talagang makatulog diyan sa harap ng drawing board."
Hinarap niya si Pete at pinagtaasan ng kilay. "Pedro, sabihin mo nga sa akin. Tinatamad ka nanaman, 'no?"
"Of course not, babe, I'm just worried about you. Mukhang pagod ka na kasi." Pagkasabi niyon ay inilapit pa nito ang upuan sa kanya at isinandal ang braso sa likod ng kanyang upuan. "Saka hindi ka na nagrereklamo sa pagtawag ko sa'yo ng babe. Naku hindi magandang senyales 'yun."
"Wala lang ako sa mood manaway. Sayang lang ang energy ko kasi hindi ka din naman tinatablan."
"Aminin mo na kasi, you're tired."
"Fine, I'm tired."
"Okay, bukas na natin ito ituloy."
Pinigilan niya ang akmang pagliligpit nito. "Teka, bakit ka ba nag-uutos? Ikaw na ba ang group leader ngayon?"
"Wala tayong group leader," pagpapaalala ni Pete.
"Ibig sabihin hindi ka pwedeng basta na lang magdecide na bukas na natin ito itutuloy hanggat hindi sumasang-ayon ang lahat."
Bumaling si Pete sa dalawa nilang kagrupo na mukhang kanina pa tuwang-tuwa sa panonood sa kanila. "Pumapayag na kayong bukas ito ituloy, diba?"
"Okay lang, finishing touches na lang naman ang kulang natin," sagot ng kagrupo nilang si Kay.
"Oo nga, tayo nga ang pinaka-advance sa lahat ng grupo eh," sang-ayon naman ni John.
"Tama, nakakuwentuhan ko kanina sila James," tukoy ni Pete sa isa pa nilang kaklase na nasa ibang grupo. "Naiinggit nga sila dahil finishing touches na lang ang kulang natin." Sabay na tumango sina Kay at John bilang pagsang-ayon.
"Saka tinatamad na din ako," dagdag ni Kay. "Mula pa kaninang nagsimula tayo dito sa library ay mas natutuwa pa ako sa panonood sa inyo."
"Panonood samin?" nakakunot ang noong tanong ni Yumi.
"Oo nga," sabat ni John. "Ang cute niyong dalawa."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Heh! Sige na pumapayag na akong bukas ito ituloy kaya tigilan niyo kami ni Pete."
"Bakit naman? Bagay nga kayo eh," pangungulit ni Kay.
"Talaga?" interesadong tanong ni Pete.
Kinalabit ito ni Yumi. "'Wag mo ng patulan." Pagkatapos ay pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"Curious lang naman ako kung bakit niya nasabing bagay tayo."
"Pete, naman, hindi mo ba nakikitang pinagtritripan nanaman tayo ng dalawang 'yan?" itinuro niya sina John at Kay.
"Hindi ah," kaila ni John.
"Nagshe-share lang kami ng observation," dagdag ni Kay.
"Sa tingin ko alam ko na ang sagot."
"Ha? Saan?"
"Dun sa kung bakit nasabi ni Kay na bagay tayo. Siyempre kanino pa ba naman babagay ang isang magandang tulad mo kundi sa isang guwapong tulad ko?"
Nakaready na ang pambara ni Yumi sa sinabi nito nang biglang may mag-shh sa kabilang table. Nang lumingon sila ay masama na ang tingin ng mga taong nakaupo doon. Mukhang naiingayan na ang mga ito sa kanila. Wala tuloy siyang choice kundi ang tumahimik na lang. Pagkatapos nilang magligpit ay inirapan pa niya si Pete bago nagpatiuna sa paglabas.
BINABASA MO ANG
My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceWhen they were in college, Yumi considers Pete as the pain in the neck that never goes away. Makulit ito at may kayabangan. Granted na may karapatan naman itong magyabang dahil guwapo talaga ito at charming. And he knew quite well how to use those c...