"ANO'NG nangyari sa'yo? Ilang buwan ka naming hindi makontak," tanong ni Yumi kay Pete nang makaupo na sila sa kani-kanilang workstation.
Nang-aasar na ngumiti ito bago sumagot. "Na-miss mo na ba ako sa lagay na 'yan?"
"Kapal mo!"
"Okay, I miss you, too."
"Okay ka lang?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Wala naman akong sinabing na-miss kita ah. Bakit ka sumasagot ng 'I miss you, too'?"
"Hindi mo na kailangang sabihin. Alam ko namang na-miss mo ako. Nahihiya ka lang sabihin," pagkasabi niyon ay ngumisi pa ito.
Nahampas tuloy niya ito sa braso.
"Ang tagal ko na ngang nawala hindi ka parin nagbabago. Mabigat parin ang kamay mo."
"Heh! Tigilan mo nga ako."
Sumeryoso naman ito. "Star, ipaliwanag mo nga uli ito sa'kin," ipinakita nito ang handbook na naglalaman ng mga rules and regulations ng kompanya. Nandoon din nakalahad ang mga tungkulin nito bilang isa sa mga junior architects.
"Bakit? Hindi ba ipinaliwanag 'yan ni Aira sa'yo?"
"Ipinaliwanag niya. Kaso hindi ko siya naintindihan eh. I-explain mo na lang uli sakin."
Hay naku, heto nanaman kami.
"Okay, pero may bayad na 'to ha?"
"Okay lang," nakangiting inilapit ni Pete ang upuan sa kanya. "Libre kita ng lunch?"
BINABASA MO ANG
My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceWhen they were in college, Yumi considers Pete as the pain in the neck that never goes away. Makulit ito at may kayabangan. Granted na may karapatan naman itong magyabang dahil guwapo talaga ito at charming. And he knew quite well how to use those c...