ISANG umaga ay nakatanggap ng tawag si Yumi mula sa sekretarya ng kanilang boss na si Architect de Guzman. Pinapapunta daw siya nito sa opisina nito. Nagtataka man ay sumunod na lang siya.
"Sir, you want to see me?"
"Ah, yes, Miss Carson. Please come in." Hinintay siya nitong makaupo bago nagpatuloy. "Why are you here today? Kahapon ko pa naaprubahan ang iyong leave."
"Sir?" marahas na bumaling siya dito. "Anong leave?"
"Hindi ba't magbabakasyon ka sa Aurora kasama si Pete?"
"Ano po?"
Sa halip na sumagot ay iniabot lang nito sa kanya ang isang papel. Iyon ang pirmadong approval sheet ng kanyang one-week leave. She really didn't remember filing a leave request. At saka, ano ang sinasabi nitong magbabakasyon daw siya kasama si Pete?
"You should get going. Thanks for seeing me," pagdidismiss nito sa kanya.
Bantulot namang tinungo ni Yumi ang pinto upang lumabas. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay muli itong nagsalita.
"Enjoy your vacation, Miss Carson."
Nagtataka man ay walang kibong lumabas na din si Yumi. Pagdating sa kanyang desk ay inayos na niya ang kanyang mga gamit. It doesn't matter if there was a mistake about her filed leave. She decided to just take advantage of the situation and go home.
"MA, ano'ng meron?" tanong ni Yumi sa ina nang pag-uwi niya ay makita itong nakaabang sa gate.
"Mabuti at nakauwi ka na. Kanina pa naghihintay ang sundo mo." Noon lang napansin ni Yumi ang isang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay nila.
"Ha?" This is getting weirder and weirder. Una ay iyong tungkol sa vacation leave sa opisina na hindi naman siya ang nagfile pagkatapos ngayon ay ito naman.
"Tinawagan ako ng kaopisina mong si Candy kanina. Ang sabi niya ay kinakailangan mo daw umalis para sa isang out-of-town site visit. Nagmamadali ka daw kaya kung pwede ay ako na ang mag-empake ng mga gamit mo. Don't worry, naayos ko na ang mga gamit mo. Nasa kotse na ang lahat. Ikaw na lang ang hinihintay."
"Teka lang, Ma, mukhang nagkakamali—"
"Bye, anak. Enjoy!" Hindi na siya nakapagreact nang bigla siyang pasakayin ng ina sa kotse. The moment that the door was closed, it was immediately locked. Then the car sped away.
"Ma'am, 'wag po kayong matakot," sumilip ang driver sa rearview mirror. "Mga ilang oras din po ang byahe natin papuntang Aurora. Pwede po kayong matulog muna. May pagkain din po diyan kapag nagutom kayo."
"Aurora? Teka, kilala mo ba si Pete Asuncion?"
"Syempre, Ma'am. Siya ho ang boss ko."
Pagkarinig ng sagot nito ay biglang uminit ang ulo ni Yumi. Inilabas niya ang cell phone at unang tinawagan si Candy pero hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag. Si Pete naman ang kanyang tinawagan pero hindi din ito sumasagot. Frustrated na ini-off na lang niya ang cell phone.
Hindi na siya nagtatakang may kinalaman si Candy sa mga nangyayari, pero ang kanilang boss at ang kanyang ina?
I can't believe this. What the hell is Pete up to?
BINABASA MO ANG
My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceWhen they were in college, Yumi considers Pete as the pain in the neck that never goes away. Makulit ito at may kayabangan. Granted na may karapatan naman itong magyabang dahil guwapo talaga ito at charming. And he knew quite well how to use those c...