KAI ~
"Waaaaaaaaaaaa ang ganda dito !" sigaw ni chohyo habang tumatakbo papuntang dagat ' buti na lang at conservative to at hindi naka swimsuit katulad ni hyunra. Naka simpleng white shirt ito at shorts, ang ganda ng legs nya kaso nakakairita yung mga lalaking tumitingin sa legs nya' dapat mag shorts sya kung kaming dalawa lang. Sa isip ko habang naka upo sa buhanginan katabi ang maknae naming si sehun na mukhang mas problemado pa sakin' pano naka black two piece ang hyunra nya hahahaha XD
"Baliw bakit ka tumatawa?"tanung nito na nakakunot pa ang noo kaya naman lalo akong natawa ' tumigil lang ako ng batukan na ko nito.
"Pano ba naman kasi pare ang sama ng muka mo ' bakit di mo pagpalitin si hyunra ng damit ng hindi ka gumaganyan dito?" tumatawa pa din sabi ko ng makita kong seryoso pa din sya.
"Pinilit ko na nga sya e' kaso ayaw nya, beach daw to kaya dapat naka'swim suit sya! Tsk." iritadong sabi ni maknae kaya naman di ko mapigilang tumawa ng malakas dahilan para batukan nya ko ulit.
"Tumatawa ka pa! Wag ka nga magbilad sa araw! Lalo kang umiitim eh!" sabi nito at umalis na sa pagkakaupo dahil alam nyang yari sya sakin ' ayoko pa naman sa lahat eh yung inaasar ang complexion ko! Sexy kayang tignan ang gantong kulay! At higit sa lahat, hindi ako dark skinned! Tanned ako! Aish, Dali dali akong tumayo at hinabol ito.
“You Brat! Come here! Im going to kill you! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga ako maiitim! Maputi ka lang at Tanned ako!" sigaw ko habang hinahabol pa din sya. At dahil Varsity player ako ng Seoul University, naabutan ko sya at pinagkukutusan sa buhanginan.
"Kai! You know im just kidding right? Oh C'mon! Stop please" pagmamakaawa nito ng dumaan pa ang tatlong itlog sa harap namin na nagsingisihan bago makigulo, gaya ng dati pinagtulungan namin ang maknae. Binabaon namin sya sa buhanginan ng dumating si joo young >.<
"What the hell are you doing guys!" sigaw nito at tinulungan si Sehun na makaupo. Nakita kong ngumisi ang maknae at biglang nag iba ng expression >.<
"Noona! Pinagtutulungan nila ko T.T" sabi nito at naging teary pa! Kelan pa naging Best Actor to? Sarap lang sampalin eh ' nakita kong nabadtrip si Chanyeol nung yumakap si Sehun kay Joo young.
"Mga wala kayong magawa eh no? Pati si Sehunnie ko inaaway nyo! Halika na nga Sehunnie! Lumayo ka sa mga masasamang yan ' baka ma'corrupt pa nila ang utak mo! Hmp!" sabi pa ni Joo Young bago hatakin palayo samin si Sehun, we just stand there to process the thing that happen a while ago. Walang hiyang maknae yun! Sinet-up kami! Paglingon ko kay Chanyeol badtrip sya ' mukang may magandang prank kaming paplanuhin ah!
"Want to revenge?" tanung ko ng magsi ngisihan ulit ang mga pare ko. Say goodbye Sehunnie :) ikaw nagsimula nito.
"Definitely~!" sabi naman nila Lay,Kris at Chanyeol. Teka asan si Chohyo? Si Hannah? Lumingon lingon ako sa paligid, wala din yung mga nerds >.< San nagpunta yung mga yon? Napansin din ata nila Lay,Chanyeol at Kris na wala ang mga nerd nila kaya naman nagkatinginan kaming apat at nagsi tanguan.
