ANNEONG!
Kamusta reader's? May naghihintay ng update ko ngayon. Diba ate Jhay? XD
Si ate Emie mention ko din daw, si ate gracia na din XD Ma'am Eden, ate Jhen basta ayoko batiin si Ate ai XD
Punta ulit ako dyan sa susunod! Ilibre nyo koooooooo~
------------
"HINDI NA KO NATUTUWA SA PAG IGNORE MO JOO YOUNG!" sigaw ni yeol pagkadating namin sa bahay, tatlong araw na kasi ang lumipas simula ng nagkita kami ni Baekhyun sa Park, kung saan sinuntok nya ito. Kinabukasan kasi nun, nakita ko na may pasa si Baek sa may cheekbones kaya naman nagalit talaga ako kay yeol -___- ang bait bait pa naman ni Baekhyun.
Tinignan ko lang ito tsaka uli tumalikod para umupo sa couch, tutal naman wala na kaming trabaho mag papakasasa na lang ako dito sa bahay. Nagulat naman ako ng hatakin nito ang kamay ko, napatingin ako sakanya. Ang sama ng tingin nya sakin >___<
"Look at me when I'm talking to you" galit na sabi nito.
"Nasasaktan ako Park Chanyeol!" sigaw ko dito ng lalo lang nitong higpitan ang pagkakahawak nya sakin, napapikit ako sa sakit.
"Mas masasaktan ka lalo pag di ka tumigil kakalandi kay Baek! Wag mong subukang lokohin ako" walang emosyong sabi nito! Nagagalit ako sakanya! Ang kapal ng mukha nya kaya naman ginamit ko lahat ng lakas ko para matulak sya and when he does, tinignan ko sya ng tinging may sobrang pagkamuhi sa mata.
"So ako pa ang lumalandi? Ako pa ang manloloko!? Ako Park!? Ang kapal ng mukha mo! Wag mong ipasa sakin yang gawain nyo!" sigaw ko dito saka tinakpan ang mukha kong paniguradong namumula na kakaiyak at sa sobrang galit. Ang kapal nyang tawagin akong malandi at manloloko! Pinapasa nya sakin ang gawain nya! Mukhang natauhan naman ito at niyakap ako.
"Sorry, I just got jealous" sabi nito, bumitaw ako dito saka tinignan ito ng masama, di ako nagsalita, di na ko sumigaw, wala na kong pakialam pero alam ko sa sarili kong mahal ko pa din sya, kaya lang wala ng dahilan para magkaayos pa kami.
JoHyo Couple.
Chohyo's POV
"Mind explaining what happen Jong?" tanong ko kay Kai pagdating naming sa Café. Namumutla ito at hindi mapakali. Curious talaga akong malaman kung ano yung pinag uusapan nila Joo Young. Bakit galit galit na sila pag uwi namin dito tssss.
"Brocode" sabi nito saka tumingin ng diretso sa mata ko.
"Brocode?" ulit ko.
"Yeah. Pinagpustahan namin kayo mahal, na kung sino ang makakauna samin, sainyo sya ang panalo-" I cut him off.
"What the hell?" sabi ko, unti unting binalot ng galit ang nararamdaman ko, kaya pala ganon sila mag react. Ginagago pala sila nitong mga to.
"Wait up Chohyo. Nag back out kami ni Lay don, gumive up kami. Totoo yung nararamdaman namin sainyo" paliwanag nito pero sarado na ang isip ko. Napaka wala kong kwenta -___- Naghihirap na pala yung mga kaibigan ko, hindi ko pa alam.
"You fooled me. Wag na tayong magkita. Bye" sabi ko at dali daling tumayo pero napigilan nya ko. Tinignan ko sya ng masama at pilit na tinatanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
"Didn't you hear me? We backed out." Sabi nito pero wala na kong paki don kaya hinila ko na ulit ang kamay ko saka ko sya tinitigan.
"Wala akong paki. Mag sama sama kayong magkakaibigan, pare-pareho lang kayo. Sana last na pagkikita na natin to." Sabi ko at tuluyan ng umalis.