Prologue
"Environmental Science, systematic study of our environment... Environment, composed of the natural world... Climate change, increase in global average temperatures... Environmentalism---Urgh! Ano na kasi 'yon!" Kanina pa s'ya paulit-ulit sa sinasabi nya pero hangga ngayon hindi n'ya pa rin maalala kung ano ang definition ng Environmentalism. Napabuntong hininga nalang ako.
"Ok ulit." sabi nya sabay hingang malalim tsaka ulit nag review habang hawak-hawak n'ya yung handouts na ginawa n'ya. "Environmental Science, systematic study of our environment... Environment, composed of the natural world... Climate change, increase in global average temperatures... Environmentalism, action to... Action to..."
"Influence attitudes and policies that affect our environment"
Tumingin naman s'ya ng masama sa akin ng ako na mismo ang nag tuloy sa 'di n'ya makuhang definition mag buhat kanina.
"Pabibo ka teh? Kita mong nag rereview ako" sagot n'ya kaya natawa naman ako.
Erica Nicole Vargas, my cousin and my bestfriend. Bata palang e magkasama na kaming dalawa na hanggang ngayon na sa college e ganun pa rin. Same course and kinuha namin tutal pangarap naman namin maging Flight Attendant noon pa man. Walang nag pumilit sa aming dalawa dahil kusa namin itong pinili na kunin at talagang gusto lang namin na magkasama kami hanggang sa pag tanda.
"Sino ba namang tanga na paulit-ulit nalang nagre-review pero hindi pa rin maisip kung ano ang definition ng Environmentalism. Uso kasi tumingin sa papel pag nakakalimutan" sagot ko
Nakita ko naman na napa roll eyes ito na akala mo naman kung sino "Nag review ka pa girl. Tsaka pwede ba! Huwag mo ako guluhin" sagot n'ya kaya napa-iling nalang ako at hinayaan s'ya.
Bahala ka na mastress d'yan.
Kanina pa ako tapos sa pag review dahil isang beses ko lang naman itong pinag-aaralan. Hindi ko alam pero pag ganun kasi ang way ko ng pagre-review. Feeling ko natatandaan ko kaagad. Pero itong babae na 'to, hindi papayag na hindi n'ya ma-memorize lahat ng nasa handouts n'ya. Nakakasawa kaya yung paulit-ulit nalang tapos ganun din naman.
"Andito na si Sir!" sigaw nung kaklase namin kaya yung iba nagsipag balikan na sa kanya-kanya nilang upuan.
Napasinghap naman 'tong katabi ko tsaka mabilisang tinignan yung handouts na hawak n'ya.
Ako naloloka sa kanya sa totoo lang.
"Mukhang ready kayo sa quiz ah." ngiting sabi ni Sir sa amin ng makitang may mga kanya-kanya na kaming ballpen sa desk. "After the quiz, you may take your break ng makapag ready kayo sa next class n'yo" nilapag n'ya yung mga gamit n'ya sa table tsaka ito tumingin sa amin. "Ok let's start" sabi n'ya tsaka na pinamigay isa-isa yung test paper na hawak n'ya.
Lumipas ang kalahating oras, natapos ako kaagad. Bago ako tumayo, binigay ko yung crumpled paper kay Erica. Nung una hindi n'ya gets kung anong meron pero sa bandang huli, dahan-dahan s'yang ngumisi sa akin tsaka n'ya ito tinago at pasimpleng tinignan ang mga nakasulat na sagot doon.
BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
RomanceGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...