Arci Nicolette Villanueva
1 week nalang at midterm na namin sa second sem. Halos tutok na kami sa lahat dahil ayaw naming bumagsak ngayong nasa kalagitnaan na kami ng paghihirap. Tsaka ayaw din namin maging irregular kung may isa man kaming subject na babagsak. Delikado kung mangyayari 'yon. Lalo na't mukhang sa 3rd year e mahirapan na kami.
Hindi muna rin kami mag t-training buong week dahil nga't busy na ang lahat sa nalalapit na midterm exam kaya andito kami ngayon ni Erica sa library para mag aral. Well, actually s'ya lang pala dahil hindi ko naman ibubuhos ang buong oras ko sa pag re-review. Kahit before the exam lang, don nalang ako mag rereview siguro mag damag.
Nag hanap naman ako ng mga fictional books at naisipan kong 'yun nalang muna ang basahin ko tutal hindi ko mapapaalis sa library ang kasama ko. Kalahati ba naman ng lamesa namin puro mga libro na hindi ko alam kung may sense ba talaga sa pag eexam namin o wala.
Kaagad din akong bumalik sa pwesto ko at laking gulat ko na nandon yung tatlo na kala mo totoo talagang nagbabasa e mukhang kinuha lang ng mabilisan sa book shielf ang mga ito.
"Mga mapag panggap" sagot ko tsaka ako bumalik sa pwesto ko na kung saan katabi ko si Ares habang yung dalawa katabi si Erica.
"Nag-aaral kami no. Napaka judgmental mo naman pepsi"
"Oh tapos 'yang binabasa mo about sa nursing. Sige ideny mo pa brent" sabi ko sabay turo sa hawak n'yang libro. Napa-ubo naman s'ya ng marahan tsaka n'ya ibinaba sa lamesa ang hawak n'yang libro. Natawa naman si Caleb sa kanya kaya ramdam kong sinipa n'ya ito sa ibaba.
"Bakit ba andito kayo?" tanong ko
"Ayan tanongin mo, inaya n'ya lang naman kami dito" sagot ni Caleb sabay nguso kay Ares kaya napatingin ako sa kanya.
"Mag-aaral ano pa ba. Midterm na rin namin" sagot naman n'ya kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Mukha bang nag aaral 'yang isa nyong kasama?" natatawang tanong ni Erica kaya hindi makapaniwalang tumingin si Brent sa kanya "Ay sorry"
"Grabe talaga kayong dalawa na mag pinsan e no. Porket dl 'tong mga kasama ko minamaliit n'yo na katalinuhan ko. Mukha bang wala akong pakielam sa studies ko? Hirap kayang maging civil no. Kahit ang bobo ko sa math may mga plates pa rin kaming ginagawa na napaka hirap" dahilan n'ya
Napapailing naman ako "May course bang madali?"
"Ang sabihin mo pre, kaya ka lang naman nag CE dahil ayaw mo kaming iwan ni Ares"
"Fuck you Romero, fuck you"
"Mr. Torres. You're mouth!" sita ng librarian dahil napalakas nga ang pagkasabi ni Brent kay Caleb kaya tawang-tawa yung tatlo sa kanya. Even ako na natawa rin.
Ilang oras din ang lumipas ng matapos ang buong klasi namin na halos ikalosyang ng mga kaklase ko. Sumabay kasi yung pasahan ng mga iilang activities namin at yung midterm kaya hindi na nila alam kung paano imanage yung time sa dalawang nakakastress na gagawin.
BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
Storie d'amoreGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...