Arci Nicolette Villanueva
"Dude, can you please turn off your fucking speaker. Nag-uusap kami ni---hey sweetie, what's your name again?... Oh Carmela, yes I forgot sorry... Nag-uusap kami ni Carmela hindi mo ba nakikita? Istorbo 'to" rinig kong hiyaw mula sa kabilang bakod.
Bakod lang ang pagitan ng bahay namin nina Ares. Kung sisilip ka mula sa glass door ng kwarto ko, makikita mo na kung ano ang ginagawa nila sa pool area. Katapat ko rin ang alam kong kwarto n'ya dahil minsan pag wala ang dalawa n'yang kaibigan e nakikita ko itong nag wo-work out mag-isa. Hindi ko s'ya pinag mamasdan, napapa tyempo lang talaga na habang nakatambay ako sa terrace ng kwarto ko e yun din ang oras ng pag wo-work out n'ya.
Madalas ko silang marinig na ganyan, nag iingay tuwing gabi. Gusto ko man mag reklamo at pagsabihan sila kaso natatakot ako na baka one day e pag tripan ako ng mga 'to habang tulog ako. Hindi pa naman mahirap akyatin ang kwarto ko.
Napapailing nalang ako tuwing nakakaisip ako ng mga ganung bagay. Kakatakot.
"Fuck you men! What the hell is wrong--- tangina naman... Ang gulo mo!.. Ano ba tol!" rinig ko pa ring sigaw ni Brent na sa tingin ko si Caleb ang kausap n'ya. Si Ares lang naman itong medyo matino sa kanilang tatlo kaya hindi ko na rin na isip na s'ya iyon.
"Tigilan mo muna yang kaka-usap dyan sa babae mo. Ni hindi mo nga magawang mag seryoso may gana ka pang mag reklamo d'yan. Inamo! Ang dami pa nating gagawin may balak ka pa talagang humarot." rinig ko namang sagot ni Caleb.
Bigla namang umakyat sa bed si kitty tsaka s'ya malambing na lumapit sa akin. Hindi ko nalang rin pinansin yung nasa labas nila kahit patuloy pa rin sila sa kakasalita. Inopen ko nalang ang twitter ko at naisipan 'kong mag tweet. Dito at sa Instagram lang ako madalas mag tambay. Hindi ko gaanong gusto ang masyadong mag babad sa facebook dahil maraming mga tao doon ang kulang sa pansin. Kaya madalas sa mga kaklase at kakilala ko ay kinakausap ako sa twitter o kaya sa instagram. As in madalang lang kasi talaga ako mag open sa fb.
Arci @rckitty
Suggest bagong malilipatan. Ang ingay.
Hindi pa man ako nakakaalis sa twitter ng sunod-sunod na itong nag notif. Hindi naman karamihan yung mga finallow at mga followers ko, sadyang active lang rin talaga sila dito kagaya ko. Nakita ko naman nag reply si Erica sa tweet ko at may mga iilan din akong kakilala na naki reply na rin.
Erica @ericancl_
replying to @rckitty
Halika dito samin beh, 1k per day kumpleto na lahat ng kailangan. Bawal nga lang isama si kitty dahil magagalit si cholo.
Natawa naman ako kaya agad ko itong nireplyan.
Arci @rckitty
replying to @ericancl_
uloks.
Nag taka naman ako ng biglang natahimik yung sa kabilang bahay. Himala!
Pinatay ko na yung phone ko tsaka na hinalikan si kitty at umayos na ng higa. Pinatay ko na rin ang ilaw at tanging ang lampshade sa tabi ko ang nag bibigay liwanag sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
RomanceGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...